Leana POV
Andito ako ngayon sa kitchen nagprepare ng breakfast. Mag 6 na ng umaga at maaga pa ang pasok ko all do 9am pa ang first class ko kailangan ko pang iprepare yung report ko about sa 3days seminar,
Nagsasandok ako ng fried rice nang biglang may yumakap buhat sa likuran ko, nakadantay ang ulo nya sa leeg ko na tila inaamoy ito.
"Hmmmm, bakit ganun kahit di kapa naliligo ang bango mo pa rin."
Anito sakin, bigla naman ako naconscious pero gaya nga ng sabi nya hindi pa naman ako mabaho, ganun na siguro kapag malinis ka sa katawan.
"Kung anu-ano yang sinasabi mo gutom lang yan, lika na kain na tayo."
Aya ko sa kanya, habang kumakain di ko maiwasang pagmasdan sya, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na sa loob ng limang buwan namin pagkakakilala eh aabot kami sa ganito, hindi ko namalayan na napansin nya pala akung nakatitig lang sa kanya habang kumakain.
"Tulala ka na naman, tsk, tsk ke aga-ga nagnanasa ka naman sakin." Sabay ngisi nito.
Hay eto naman kami, talagang yun ang iniisip nya kapag nahuhuli nya akung nakatulala.
"Baliw!! Hindi kaya, naisip ko lang parang kelan lang halos maging mortal enemy tayo tapos mauuwi pala sa ganito." Ani ko sa kanya.
"Ganon talaga love, sabi nga the more you hate, the more you love." Ngisi na naman nya sakin
Siguro nga sa una yang galit na yan ay napupunta sa love, pero minsan di ko maiwasang matakot para sa amin paano kapag may nakaalam ng tungkol sa amin, at paghiwalayin kami hindi ko yata kaya yun. Anu ba kasing ginawa sa kin ng lalaking ito para mahalin ko sya ng ganito na kahit trabaho ko kaya kung isugal para sa kanya.
Natapos kaming kumain, at niligpit ko na yung pinagkainan namin. Magsshower na ako ng makita ko syang nakabihis na, meron syang damit dito kasi nga dito rin sya natutulog pero naman madalas baka may makahalata kasi or makakita sa kanya dito sa condo ko,
"Aalis kana?" Tanong ko.
"Ayaw mo ba?" Anito sabay lapit sakin.
"Sira! Lumakad kana baka may makakita pa sayo." Pagtataboy ko sa kanya.
"I dont care if may makakita mas ok nga yun para malaman nila at ng harold na yun na akin ka."
Gusto nya kasi na ipaalam na sa iba yung relasyon naman kahit komplikado wala daw sya pakialam, narinig nyo naman sya diba, ako lang talaga yung may gusto na itago, hello gusto ba nya mawalan na ako ng trabaho pero sabi nya kaya daw naman nya ako buhayin sympre mayaman sila, pero kung sa iba seguro payag na payag pero hindi ako, minahal ko sya hindi dahil mayaman sya kundi sya ay sya at tanggap nya ako kung ano ako. Na i am an orphan na tumira at lumaki ako sa bahay ampunan, hindi ko kilala ang mga magulang ko, sabi ng mga madre na nagalaga sakin iniwan daw ako sa tapat ng bahay ampunan ang pangalan ko daw ay nakaburda sa lampin na nakabalot sa akin yung gonzales kila sister ana nanggaling dahil sya ang nakakita sa akin sa labas ng ampunan, lumaki ako na sila sisters at mga batang katulad ko rin na walang magulang sa ampunan hanggang may nagpaaral sa amin nagsponsor upang kahit papanu ay hindi naman daw kami lumaking mang-mang kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun upang makapag-aral at nang makatungtong ako ng college nagworking student ako sa isang coffee shop,nagtratrabaho ako sa gabi nagaaral sa araw nung una mahirap pero di nagtagal nakaya ko na rin nasanay na ako hanggang sa makatapos sa kursong education dahil siguro malapit ang puso ko sa mga bata kaya pagtuturo ang nakuha kung kurso, nang makatapos na ako hindi ako umalis sa trabaho ko sa coffee shop dahil nga hindi pa naman ako nakakapagexam nun for LET ay nagpasya muna akong magapply sa isang private school experience na rin, all do panghigh school talaga ang tinapos, pinayagan nila ako magturo sa elem di bale grade 6 ang hawak ko nun, kaya nang makapasa ako sa board ay nagapply agad ako sa mga unibersidad at natanggap naman ako sa WWE University na pinagtuturoan ko ngayon.
"Ayan ka naman di ba sinabi ko na sayo hindi pwede, hanggat kaya nating itago itatago natin kasi magiging komplikado ang lahat, di ba napagusapan na natin yun.",malumanay kung saad sa kanya.
"I know pero di ko maiwasang isipin na sabihin na sa kanila, at lalo na sa harold na yun sa tuwing kakausapin ka nya di ko mapigilan mainis sa kanya." Anito
"Sus umandar naman yang pagkaseloso mo mister." Saad ko sa kanya.
"Sayo lang naman ako ganito eh, dati wala akong kinatatakutan, pero simula nang dumating ka sa buhay ko, meron na akung takot, na baka mawala ka na lang bigla, makuha ka ng iba na mashigit pa kesa sa sakin." Anito
Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at iniharap ang mukha nya sa akin.
"Wag ka mag-alala kahit na sino pang lalaki na mashigit pa sayo ang dumating o kahit si harold pa yan, ikaw parin ang pipiliin ko, kasi ikaw ang mahal ko." Aniko sa kanya.
Bigla naman syang napangiti at binigyan ako ng masuyong halik sa mga labi. Pinutol ko rin agad ito baka kung san na naman mapunta tatanghaliin na kami.
" Sige na lumakad kana baka malate kapa sa first class mo." Pagtatataboy ko na talaga sa kanya. Hindi naman na sya tumutol hinatid ko lang sya sa may pinto pero bago ito umalis ay nagnakaw pa ito ng halik sa akin.
"Pilyo! Sige na umalis kana."
"Sige love bye!" Anito at nagwink pa talaga.
Pagkaalis nya inilock ko ang pinto at nagtungo sa bathroom para maligo.
Author note:
Hay salamat nairaos di ang chapter, 2 sinsya na po sa grammar and typos. Medyo kinilig ng kunti sa pagtype eh. Di bale isusunod ko yung panu sila unang nagkita at nagkakilala pero parang flashback na yun since nasa present time na ang story.