CHAPTER ONE

5 0 0
                                    

XENIA'S POV

Nandito ako ngayon sa simbahan pinapanuod ang lalakeng pinakamamahal ko na nakatitig sa akin habang nag lalakad sa gitna ng altar.

Nakasuot ako na puting gown.

Ikakasal na ba ako?

Papalapit na sana ako sa kanya ng biglang may sumabog ----

Bigla akong napabangon sa pagkakaidlip ko.

"Xenia! Gumising ka na dyan! Magpapaayos ka pa ng sarili mo!" Sigaw ni Mama pero nasa pinto lang sya ng kwarto ko.

Napakunot noo naman ako. "Anong meron?" Tanong ko.

"Ano ka ba! Kasal ng Tita mo!" Napatango naman ako. Umalis rin naman agad si Mama.

"Kasal pala ni Tita, akala ko ako ang ikakasal. Panaginip lang pala." Napakamot naman ako sa ulo ko.

Nag-inat muna ako bago ako tumayo.

Nakita ko ang gown na isusuot ko, dusty blue chiffon at siguradong hindi ko tipo ang gown na to.

Bakit pa kasi kailangan mag gown kung pwede namang mag pantalon nalang di naman ako yung ikakasal. Dami nilang trip sa buhay!

Matapos kung gawin ang ritwal ko tuwing umaga ay bumaba na ako.

Nakita ko naman si Auntie Belle na may mga nakalatag na mga ibat ibang klaseng make up.

"Oh Xav umupo ka na at susunod ka na sa Ate mo." Napatingin naman ako kay Ate na mini-make up-an ni Auntie.

"Wow! Ang ganda mo naman." Sabi ko kay Ate.

"I know right!" Kinindatan naman niya ako.

"Ganda mong sapakin." Asar ko at napakunot noo naman sya. Natawa naman ako.

"Oh Xav, ikaw na susunod. Umupo ka na." Tumango ako.

"Oh Alis! Ako na susunod." Padabog syang umalis sa upuan.

"Ma!Si Xav oh!" Dumila naman ako.

Aasarin kita maghapon dahil may kasalanan ka sakin.

"Tama na nga yan, kayo talagang mag kapatid. Oh Xav, wag kang magulo kundi papanget yung make up ko sayo." Sabi ni Auntie.

"Kahit naman di sya gumalaw, panget parin yan." Asar ni ate sa akin.

"Mag kapatid tayo, iisa tayo ng dugo kaya kung panget ako mas panget yung panganay at ikaw yun. " Ngumiti ako pagkatapos kung sabihin yun.

"Tama na yan! Xai, magbihis ka na." Tumango nalang si Ate at padabog na umakyat.

"At ikaw naman Xav, bakit mo naman inaasar ate mo?" Tanong ni Auntie habang naglalagay ng foundation sa mukha ko.

"Eh kasi naman Auntie hindi ako pinatulog nyan kagabe, kinuha ba naman yung librong binabasa ko. Hiniram niya yung damit ko noong nakaraang linggo tapos di na nakabalik sa closet ko. Worst pa nun, gupit na yung damit na yun. Naka crop top pa. Kala mo naman sa kanya." Inis akong nagkwento. Natawa naman si Auntie pero di ko nalang pinansin.

"Ano na po yung ilalagay niyo?" Tanong ko kay Auntie.

"Pumikit ka nalang Xav." Pumikit nalang ako. Naramdaman ko ang kamay nyang dumadampi sa mata ko.

Pagkatapos akong makeup-an ay hindi ko mapigilan mapanganga.

"Auntie, ako ba to?" Tanong ko at tumango naman sya.

The Day We Met  (Ainsworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon