CHAPTER TWO

2 0 0
                                    

XENIA'S POV

One week na ang nakalipas at naghahanda akong pumasok uli sa university. December 29 na ngayon pero mas mabuti ng maaga kesa mahuli.

Bigla kong naalala yung mga reaksyon nila noong naisalo ko ang bouquet ni Tita.

-FLASHBACKS-

"Xav!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Si Ate?

May nakita akong bulaklak na pababang naglanding sa mga kamay ko.

Teka? Bouquet to ni Tita ah?

Eh!?

Napalingon naman ako sa lalake na nakangiti narin ito sa akin at tumalikod na.

What the fudge!?

Tumingin ulit ako kila tita na gulat na gulat na ako ang nakasalo ng bouquet na isinalo niya.

"Ah" Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Congrats Sister ikaw pala susunod na ikakasal." Ngisi ngising sabi ni Ate sa akin.

"What!? No." Sagot ko agad sa kanya.

"Oh." Binibigay ko sa kanya yung bouquet.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ni Ate.

"Kainin mo kung gusto mo." Binigay ko na sa kanya yung bouquet at pumunta na kila Tita.

-END OF FLASHBACKS-

"Hey Bouquet girl, wa'cha doin?" Bigla naman akong nainis sa pag tawag niya sakin.

Simula kasi matapos ang kasal nila tita at matapos na maisalo ko yung bouquet ay 'Bouquet Girl' na ang tawag niya sa akin.

"Ano namang kailangan mo sakin?" Inis kong tanong.

"Gusto ko sanang samahan mo ako bumili ng mga kailangan ngayong New Year. " Ngiti niya.

"Ano ba ang kailangan?" Tanong ko.

"Fireworks and we need to reserve cake." Maarte niyang sabe.

"Sige." Nagayos na ako ng sarili ko.

Nakasuot ako ng jeans and black t-shirt.

Si ate naman kala mo may binyag naka dress na puti.

"Umulan sana ng putik." Bulong ko at di naman niya yun narinig.

Nasa labas na kami ng bahay at inaantay ko syang lumabas.

*beep* *beep*

Napalingon naman ako.

"Ikaw talaga mag da-drive?" Tanong ko kay Ate na nakasakay sa Kotse ni Mama.

"Hey Sis, I have a licence already so wag ka ng maarte dyan." Maarte nyang sabi.

Mas maarte ka.

Pumasok na ako sa kotse at sa tabi ng driver seats.

"Saan tayo mamimili?" Tanong ko.

"Sa Dagupan." Sagot niya.

"Alam kong sa Dagupan tayo bibili pero saan banda?" Iritable kong tanong.

"Alam mo kung saan tayo makakita ng mga Fireworks, doon tayo bibili." Sagot niya.

Inaya aya mo ko tapos wala ka palang plano kung saan tayo bibili.

"Bat natahimik ka?" Tanong niya.

The Day We Met  (Ainsworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon