XENIA'S POV
JANUARY 7
Lunes na ngayon, tapos na ang kasiyahan at eto na naman ang school month.
Bumaba na ako sa kotse ni Ate.
May kotse na si Ate niregalo sa kanya noong new year.
"Hey, ako pa ba magsusundo sayo mamaya?" Tanong niya.
"Malamang oo." Tinalikuran ko na sya at nagtuloy pumasok sa Gate.
Second Semester na ngayon. Paniguradong mahihirapan na naman ako.
Tanaw ko ang nakasulat sa harap na 'TUP'
I miss school.
*beep* *beep*
Nagitla ako at napalingon sa likuran ko.
May black na kotse at mukhang mamahalin.
"Grabe Black Koenigsegg CCXR Trevita yung kotse niya." Rinig kong sabi nung lalake.
Trevita what?
"Hey miss, tumabe ka dadaan ako." Tinanggal niya shades niya.
Teka ito si Mr.Sungit!
Tumabe agad ako at nakadaan naman sya.
Dito rin sya nagaaral?
"Xav!" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko.
Si Thunder.
"Halika na , maguumpisa na first subject." Sumunod na akong naglakad papunta sa kanya.
Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang maisip si Mr.Sungit.
"Thunder, kilala mo ba yung nakasakay sa magandang kotse na yun?" Tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko sya si Aki." Napatingin naman ako kay Thunder at nagaantay ng susunod na ikekwento niya.
So your name is Aki?
"Ngayon lang sya pumasok, kung kelan second semester na." Napakunot noo naman ako.
"Huh?Bakit daw?" Tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko CEO daw sya." Biglang sulpot ni Tala.
"Hindi, ang alam ko gangster daw." Sumulpot naman si Xandra.
Bakit ba nagsisisulpotan sila?
Sina Thunder,Tala at Xandra ang mga kaibigan ko since First Year palang ako.
"Bakit mo tinatanong Xav?Type mo ba yun?" Tanong ni Thunder.
"Ako?Hindi no!" Giit ko.
"Sus! Bagay nga kayo eh." Asar ni Xandra sa kin.
Sira ba sya?
Nandito na kami sa Room at wala man lang masyadong ginawa kaya maaga kaming dinis-miss.
"Tara sa Cafeteria." Yaya ni Tala.
Lagi tong gutom.
"Oh eh musta naman yung bakasyon niyo?" Tanong ni Xandra.
"Eto nagpalawan kami kasama buong pamilya." Sagot ni Tala.
"Ako pumunta kami sa Boracay, andun kasi sina Tita." Sagot ni Thunder.
"Hmm ako naman pumunta kami ng Bicol, doon na kami nag new year." Sagot naman ni Xandra.
"Eh ikaw naman?" Tanong nilang lahat.
BINABASA MO ANG
The Day We Met (Ainsworth Series #1)
RomanceAinsworth Series #1 "I remember the day we met. I remember the way you smiled at me. The way you made my heart melts." - Unknown