CHAPTER SIX

1 0 0
                                    

XENIA'S POV

Alas quatro palang ng umaga ay gising na ako.

Ayoko ma-late pag ang pinaguusapan ay ang scholarship ko.

Ginawa ko na ang Morning Routine ko.

AFTER 30 MINUTES

Ginising ko si Ate dahil kailangan niya rin pumasok.

"Aalis ka na?" Tanong niya at tumango naman ako.

Nagpaalam na ako sa kanya bago umalis.

Pumara ako ng jepp dahil hindi naman ako ihahatid ni Ate.

"Manong sa TUP po." Sabi ko kay manong bago umupo.

Ano kaya ang mga agreement pag nagkaroon ng scholarship?

Sa dami kong iniisip ay nakarating na ako.

Nagbayad muna ako kay manong bago umalis.

Wala pang tao bukod sa guard na nakatayo.

Pumasok nalang ako at binati ko si Manong Guard

Medyo madilim pa ngayong mga oras na to.

Nagtungo ako sa Administration Office.

Bago ko buksan ang pinto tiningnan ko ang orasan at malapit na mag 5 AM.

Kumatok muna ako.

"Come in." Rinig kong boses galing sa loob. Pumasok na ako at may nakita akong lalake nakatalikod. Naka-long sleeves plain black at nakapantalon.

Fashionista?

"Ehem." Kunwaring umubo ko para mapansin niyang nakapasok na ako.

Humarap sya sa akin at biglang lumaki ang mata ko.

"Ikaw!?" Pasigaw kong tanong.

"Lower your voice, please." Seryoso niyang sambit.

Sorry naman.

"You are Xenia Avery Montello, right?" Tanong niya at tumango naman ako.

Ikaw naman si Aki na antipatikong mahilig mambosena.

Gusto kong mainis sa sarili kong iniisip.

"I'm Aries Kyle Irevon. Lahat sila tawag sakin ay Aki, pero kung ikaw naman you can call me Aries or Kyle." Tumango nalang ako dahil ayoko magsalita.

"Say something, please." Sambit niya habang nakakunot.

"Ikaw ba yung nagtext na makakakuha ako ng scholarship?" Tanong ko.

"Yeah." Maikli niyang sagot. Umupo naman sya sa swivel chair niya at seryosong nakatingin sa akin.

Medyo nailang ako sa titig niya kaya umiwas ako.

"Ms. Montello, bakit ka nagaral dito?" Tanong niya.

"Hindi pa ba obvious, edi Magaral." Maikling sagot ko.

Napangisi naman sya. "I see." Sambit niya.

"Teka lang Aries, diba student ka rin dito? Bakit ikaw ang andito?" May pagkahalong inis na tanong ko sa kanya.

"No, nagkakamali ka. I am not student here. Uhmm, I am not a student anymore. " Sagot niya.

Napakunot noo naman ako dahil wala akong maintindihan sa sinasabe niya.

Hindi sya nagaaral dito? Eh bakit sya nandito?

"Then, What?" Tanong ko.

"I graduated two years ago" Sagot niya.

The Day We Met  (Ainsworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon