CHAPTER EIGHT

3 0 0
                                    

XENIA'S POV

Kung nakakamatay lang ang mga tingin matagal ng patay ngayon ang nasa harapan ko.

Anong klaseng rules to!?

Napanganga ako sa mga nababasa ko ngayon.

Gusto ko nalang lukotin yung papel na hawak ko.

Rules of Being My Wife

1. Call me Love in PUBLIC. Or else hindi ako lilingon pag tinawag mo
ko sa pangalan ko.

Hindi kita tatawagin. Napaka assuming.

2. You must eat breakfast, lunch and dinner with me.

Tiningnan ko sya at nakangisi sya ngayon.

3. Sasabay ka lagi umuwi sa akin.

4. Ipagluto mo ako.

Mukha ba akong katulong sa kanya.

5. Make me happy.

Yun lang nakasulat sa rules niya.

Tsk, as if naman susundin ko yang mga rules na yan.

"Anong masasabe mo sa Rules?" Tanong niya sakin.

"Ang baduy mo!" Umalis na ako sa kusina at pumunta sa sala at umupo sa sofa.

Naramdaman kong nasa likod sya

"Anong baduy doon?" Tanong niya.

Tiningnan ko naman sya at nakatingin sya sa labas at nakanguso naparang bata.

Napangiti naman ako.

What the ? Ngumiti ba talaga ako?

Sumimangot nalang ulit ako.

"Basta, gawin mo yan." Matapos niyang sabihin yun ay umalis na sya.

Saan pupunta yun?

"Saan ka pupunta!?" Sigaw ko at bumalik naman sya.

"Wala, umarte lang." Pabulong niyang sabi pero narinig ko

Baliw.

Umupo naman sya sa tapat ng kinauupuan ko.

"You need to follow the rules dahil dyan nakasasalalay ang scholarship mo." Seryoso nyang sabi.

"So, blina-blockmail mo ko kasi nakasalalay yung scholarship ko?" Tanong ko.

"Hmm, parang ganun na nga." Ngumiti sya na parang walang alam.

Bwesit ka.

"Bukas sabay tayo papasok." Sabi niya.

"Eh di ba, graduate ka na?" Tanong ko.

"Hindi naman ibig sabihin ng papasok ay magaaral. Papasok sa school kasi ihahatid kita." Tumango naman ako.

Ang tanga ko sa part na yun.

"Matanong kita, anong trabaho mo?" Tanong ko.

"I'm the boss of all bosses." Matapos niyang sabihin yun ay napairap naman ako.

Di nalang niya sabihin yung trabaho niya.

"Marami pang oras, tara date tayo." Napatingin naman ako sa kanya.

Date?

"Wag mong sabihin di ka pa nakakaranas na makipag date?" Tanong niya.

Napatayo naman ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day We Met  (Ainsworth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon