✧✧✧
Zane's P.O.V
Inabot ako ng mahigit labing-limang minuto bago ako nakapagbihis. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako natagalan sa pagpili ng susuotin ko, eh hindi naman ako pupunta sa isang party.
Sinabi ko sa kaniya na magkikita kami sa isang coffeeshop na malapit rin sa tinutuluyan kong apartment sa syudad. Hindi na rin siya nagtanong pa kung saan dahil yun lang naman ang nag-iisang shop malapit sa studio ko.
Medyo nagulat ako sa part na mas nauna pa siyang nakarating kaysa sa akin. Nakita kong parang naulit lang ang sinuot niyang pantalon dahil ripped jeans pero kulay abo lang yun at .. tila may sumisilip na isang roba ng salamangkero sa ilalim ng manggas ng suot niyang pink t-shirt sa kaliwa niyang balikat.
Napatigil ako sa pintuan ng coffeeshop, Sinusuri siya bago niya ako tuluyang nakita. Nakaupo siya sa harap ng isang kahoy na mesa - na may disenyong parang batik-batik - sa tabi ng bintanang pader. Sumisimsim siya sa isang maliit na puting tasa at nagbabasa ng dyaryo. Sa harapan niya ay may isang upuan na may nakahandang isang tasa rin ng kape, at kung hindi ako nagkakamali ay isa yun sa mga madalas kung binibili rito - Café au Lait - na natatakpan ng isang platito para manatiling mainit.
Base sa nakikita ko ngayon habang nakatutok ang mata niya sa papel ay masasabing para siyang isang responsableng anak, may determinasyon na nagpatunay sa kaniyang lantay nakatalinuhan. Nang bigla na lang siyang ngumiti dahilan para magbago ang lahat, doon niya ipinakita ang pagiging inosente niya sa mura niyang edad - hudyat na nagiging cute na naman siya.
Cute? Ugh. Well, cute naman talaga siya. I can't deny it. Kaya hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na panoorin at titigan siya, kaso nakita na niya ako. Na tila, ako ang rason ng ngiti niyang yun at naghihintay siya.
"Pasensiya na, nahuli ako." sabi ko sa kaniya na napaupo sa kaharap niyang silya.
"Hindi ka nahuli," sagot naman niya. "Nandito ako para makipagkita sa iyo and here you are."
"Sa akin ba to?" tanong ko na itinuro ang tasa sa harap ko.
"Ahh .. oo. In-order ko para sa iyo. Pero kung hindi mo gusto--"
"Café au Lait, just what I need." Inalis ko ang takip ng tasa at agad na inabot ang gatas. "Salamat. Paano mo nalaman?" Tumingin ako sa mukha niya sa kauna-unahang pagkakataon buhat nang pumasok ako. Nasisinagan siya ng araw at ang mga mata niya ay nanatiling itim. Napaiwas ako ng tingin at agad na inubos ang laman ng pangalawang pakete ng gatas sa kape ko.
"Hmm .. hula ko lang." sagot niya. "Bagay kasi sayo. Hindi ko rin inakala na gusto mo rin ng maraming gatas sa kape mo."
"Medyo weird but I like it that way."
"Sa susunod, alam ko na."
Napangiti ako sa pagitan ng pagsimsim ko sa kape. Hindi ko alam kung dahil yun sa presensiya niya o dahil sa caffeine na nasa kape ko, pero parang may kung ano kasing nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Nagkatinginan kami mula sa likod ng tasang hawak ko. "Ano nga palang gagawin mo ngayon?"
"Magkakape kasama ka."
"At .. mamaya?"
Nagkibit balikat ako. "Edi, tingnan natin mamaya."
"Sana magkaroon ako ng kalayaan."
"Ang kalayaan ay pinagandang salita lang na ang ibig sabihin, kawalan ng trabaho."
Natawa kami pareho. Na sinundan ng konting katahimikan. "I like your laugh."
"Ha? .. uhm .. well .." Shit! Bakit nauutal ako?
"Sorry. I didn't mean to embarass you--"
"H-hindi .. uhm .. ano .. h-hindi ba dapat nasa school ka ngayon?"
BINABASA MO ANG
#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED]
AcakDISCLAIMER: This is a BL VERSION I made from one of the favorite story I read. ~•~ Date started: July 26, 2020 Date finished: September 7, 2020 WARNING: SPG/ R-18