CRACK 3

317 15 0
                                    

✧✧✧

Zane's P.O.V

Para akong napaso sa kinauupuan ko dahil agad akong napatayo nang malinawan akong si Azrail nga ang nasa harapan ko. Nagdalawang isip rin ako nung una kung tatanggapin ko o hindi ang nasa harap kong kamay niya pero napagdesyunan ko na pagbigyan na lang siya. Wala namang masama pero nagulat lang talaga ako na muli na naman pala kaming magkikita makalipas ng mahigit isang buwan. Tila nawala siya na parang bula sa alaala ko pero sa pagkakakita ko palang sa kaniya ngayon ay parang bumalik lahat sa isang iglap ang mga pakiramdam na hindi ko lubos maipaliwanag noon.

Parang tumigas ang kamay ko nang magkadikit na ang kamay namin. Dapat ay isang simpleng pakikipagkamay lang yun pero parang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa kamay ko. Nanalangin tuloy ako na sana ay hindi niya mapansin kung gaano niya ako pinakakaba ngayon.

"Ako nga pala ang model mo ngayon." sabi niya na humila sa kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"M-model?"

"Para sa klase mo ngayon."

"Ah .. oo. Oo naman."

Sa loob loob ko, hindi ko alam kung anong dapat, kung lalabanan ko tong gumugulo sa isipan ko o ang hayaan na lang na mangyari ang magiging kalalabasan sa mga ginagawa kong .. hindi naman sana dapat.

"You look good." rinig kong sabi niya.

Magsisimula na naman ba siya?

"So, do you." bulong ko. Huh? Where did I get that? Damn you, tongue. "Ano nga palang .. uhm .. paanong ikaw .. ah .. ang ibig kong sabihin, bakit ikaw ang model ko?" tanong ko kahit na nagkakanda utal utal na ako.

"Akala mo siguro, kay Mhoansignour lang ako nagmo-model 'no?"

"Ahh .. well .. " napapakamot sa batok kong sabi na hindi ko na din alam kung anong kasunod.

"May nakita kasi akong ad na nangangailangan sila ng model para sa isang drawing class, so here I am. Hindi ko rin naman inaasahan na ikaw pala ang magtuturo sa mga bata at ako ang magiging model mo." sabi niya napakibit balikat. "Ay! Baka dahil sa wizard!"

"Yung wizard .. ?"

"Maghuhubad na ba ako rito o doon?" tanong niya na binigyan ako ng isang ngisi. Yung ngisi niya na isa sa mga pilit kong nilalabanan para tuluyan ko na siyang makalimutan. Tila kasi nilunod na niya sa mga sarili kong pangarap na makasama siya sa buhay at mga panaginip ko. "Wala kasi akong alam tungkol sa mga tuntunin o ettiquete kapag maraming tao." dagdag pa niya.

"Yeah. Well .. --"

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko. "I miss you," bulong niya na tila ikinainit ng batok ko.

"Azrail, wag ngayon." sabi ko na binawi ang kamay ko mula sa kaniya. Nataranta ako at naguluhan. Sa anim na linggong parang naging makatotohanan lang siya sa mga imahinasyon ko, ngayon ay biglang parang naging triple ang sukat niya sa pakiramdam ko.

"Later, then?" tanong niya. Pero hindi ako sumagot. "Zane, gusto kitang makita ulit."

Tumingin ako sa kaniya at ang nagmamakaawa niyang ekspresyon ang nagpangiti sa akin. Hindi ko rin alam pero hindi ko napigilan ang sarili ko. "May klase ako--"

"Maghihintay ako pagkatapos ng klase .. "

"Maghubad ka na rito." saad ko, na ang tinutukoy ko ay ang kinaroroonan kong cubicle bago ako umalis.

Hindi angkop na paglalarawan ang salitang 'kakaiba' sa naramdaman ko nang gabing yun kasama si Azrail bilang model ko. Hindi ko naman kasi siya agad agad makalimutan kahit na mahabang panahon pa ang lumipas na hindi kami nagkita pero hindi naman siya parte ng buhay ko. Itinago ko ang mga sandaling pagkakatagpo namin at ang mga kabaliwang hinangad ko noon sa kaniya sa isang pribadong lugar kung saan ako lang ang nakakapunta, na para sa akin lang. Ngayon ay bigla bigla, kasama ko na naman siya. Ang taong laman lang naman ng ilan sa mga sikreto kong pagpapantasya at ang nakikita sa mga guhit ko.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon