CRACK 5

199 14 1
                                    

✧✧✧

Zane's P.O.V

"Ayaw mo bang tingnan?" tanong niya na ang itinuturo ay ang hindi pa bukas na maliit na box na hawak ko.

"Ah .. o-oo, oo naman." nanginginig ang kamay na sinilip ko ang nasa loob nun.

"Nagustuhan mo ba?"

Madalang ko lang siyang makita na ganito kasabik at kasaya at yun ang nagpatunay sa akin na ang pagiging totoo sa kaniya ay mas mahirap pa pala. "Uh .. uhm .. o-oo." nautal na sabi ko. "M-maganda siya."

"Well?" tanong niya.

Tinitigan ko ang singsing, isang malaki at nag-iisang diyamante ang nagniningning sa akin .. na tila pinagtatawanan at kinukutya ako. "Well .. "

"I love you, Zane."

"I .. I love you, too. Uhm. P-pag-iisipan ko." bulong ko bago isinara ang box.

"Hindi mo ba nagustuhan? Maaari kong palitan o ipaayos."

"Hindi. Nagustuhan ko talaga."

"Gusto kitang makasama sa buong buhay ko."

"A-alam ko. Parang .. parang ang bilis lang kasi. Uhm .. "

"Mabilis? Mahigit dalawang taon na tayong nagsasama."

"Oo .. pero ang pagpapakasal. Napakalaking hakbang."

"Of course it is. Pero handa na tayo. Para tayo sa isa't isa, Zane."

Tiningnan ko siya at dahan dahang napatango. Parang ang pamamanhid ng buong katawan ko ang namayani at siyang humutok sa akin. Nagsimula siyang humakbang paalis, sarili siyang nagpasiya sa usapan kung bakit ko siya dapat pakasalan, kung bakit ngayon.

Nasa kaniya kasi lahat ng sagot, yung buong plano ng magiging buhay namin kapag nagkasama na kami, malinaw yun sa kaniya. Yung katotohanan na ang pagsasama namin ay kasing linaw at kasing ningning ng dyamante na nandun sa singsing. Ngunit, nung nagsalita si Almonzo, ang pumasok sa isip ko ay si Azrail. Kung paanong nagmula ang liwanag sa likod ng kanyang mga mata, paanong ang kaniyang kamay ay napakalamig at maputla kung damhin niya ang katawan ko, paanong kagustuhan ko na ako lang dapat ang lalaki na nasa kama niya, sa buhay niya.

Hangga't hindi ko gusto na saktan si Almonzo, hindi ko rin mailarawan kung anong mangyayari kung mawala si Azrail.

Isang luha ng kawalang-kapasiyahan, pag-aalinlangan at tensiyon ang tumulo sa pisngi ko. At nakita yun ni Almonzo.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya na tumigil at lumuhod sa sahig kaharap ko.

"It's so much at once."

"I'm sorry if I'm pressuring you. Hindi ko sinasadya. Pwede naman tayong maghintay kung gusto mo."

"Kailangan ko lang makapag-isip." saad ko.

"Whatever you need is yours," sabi niya na hinawakan ang kamay ko. "Kaya kong maghintay kahit kailan, basta't ikaw ang magiging asawa ko."

Niyakap ko siya para maitago at hindi niya makita ang anino ng pagtataksil sa mukha ko.

~•~

Sa gabi ring yun ay hindi ako natulog. Pinakinggan ko lang ng matagal ang paghinga niya habang natutulog. Mga alas-tres siguro ng madaling araw ay bumangon ako. Nagbihis at lumabas ng apartment. Umupo ako sa tapat ng building at pinagmasdan ang kalye. Hindi man buo ang buwan ay maliwanag naman ito. Hindi ako nag-isip nang bigla akong tumayo. Naglakad lang ako hanggang sa napatakbo na. Sinusubukan kong magpanggap na hindi ko alam kung saan ako tutungo, tumatakbo lang ako para mawala ang tensiyon ko. Pero hindi, papunta ako sa apartment ni Azrail na malapit sa unibersidad kung saan ko siya noon sinamahang maglakad pauwi nung araw ring nanggaling kami sa lab nila.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon