tukso (2)

2 0 0
                                    

I.

At muli akong lumapit

Nakadiin ang kapit sa aking damit

Inaabot ang kamay sa kanya

Makapal na salamin ang kanyang gamit

Ngumiti ako ng pilit

II.

Gulat ang bumuo sa mukha namin

Saloobin ko'y hindi kayang bigkasin

Bigla niya akong hinila sa bisig niyang tigasin

Hindi ako makahinga dahil sa leeg nakadiin

Nagmamakawa ako at sana ako'y patawarin

III.

Naiiyak na sa sakit

Bisig mo pa din ay napakahigpit

Hindi na sana ako lumapit

Sarili ko'y nanliliit

Sa posisyon natin ay ramdam ang init

IV.

Pintig ng puso ko kay bilis pa rin

Ano ba nasa isip at ganito ka sa akin

Kumalas ka at ako'y nadapa

Tingin ko sayo'y nakataas na

Kumapa sa suot at inilabas ang sandata

V.

Desparadong sigaw aking nailabas

Titig mo wari'y parang wala na akong takas

Hindi makatayo kaya't gumapang paatras

Bumaba ka at tingin natin ay patas

Hindi pagkakaila ika'y marahas

VI.

Muli hawak kita habang pilit ang ngiti

Matagal kong hinahanap na pagmamahal

Ay ikaw nagsilbing sagot at susi

Unang pagtingin palang ay alam na

Walang pagsisi sa tukso ako'y nagmahal muli

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

kagiliranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon