Date: 03/11/15
Penname: Wackymervin
1. Introduce/describe yourself…
-Hi. I’m Wackymervin. Minsan maganda, madalas Diyosa!
2. When did you start writing?
-Since, elementary days. Just kidding. Highschool? I don’t remember, I have this short story before, pero nawala na siya kasi nabaha yung bahay namin then I stop writing then.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
-Wackymervin? Actually Wattymervin ang una kong naisip na pen-name para sa wattpad. Kasi uso yung may mga watty sa first name ng kanilang pen-name. pinalitan ko nalang ng wacky kasi yun ang personality ko, masayahin kaya wackymervin.
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
-Masaya. Excited. Kinilabutan. Di makapaniwala. Naihi sa short? Kinilig? Marami akong naramdaman. Kaagad akong nagpasalamat kay God para sa blessing na dumating sa akin.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
-Marcelo Delos Santos III. Mag-mula sa Lovestory on Video niya sa youtube. At siyempre ang she’s dating the gangster. Mga kwento ni Bob-Ong.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
-Wala naman specific. Kapag handa na akong magsulat doon na ako nagsusulat. Wala talaga akong maisip na routine. Usually weekend ako nagsusulat kasi yun ang free time ko. At kapag weekdays naman, madaling araw ako nagsusulat. Nagpupuyat sa mga kwento ko.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
-Di ko kaya. May mga natanggap na ako before, at iniyakan ko ito. Para kasi sa akin, perfect yung mga kwento ko. Pero alam ko na may mga ibang magbabasa nun masakit,
pero kailangang tanggapin at pagbutihin ang craft, ang sarili ayusin ang dapat ayusin. Ipakita na di ka susuko. Maging matatag.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
-Teacher. Gusto ko talagang maging teacher at magturo sa mga kabataan.
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
-She’s dating the gangster. Hindi ko papatayin ang mga karakter ko sa kwento, gagawan ko lang ng side-story o sequel ganun.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
-Marcelo Santos III, Bianca Bernandino, Felipe Nas, Aegeodaydreamer, Bob Ong, Vanessa. Impluwensya? Yung puso nila sa pagsusulat, yung craft, yung kakaibang utak nila. Gusto kong magkaroon ng ganun.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
-Sa mga tao sa paligid. Mapagmasid kasi ako, minsan yung isang simpleng bagay na bibigyan ko kaagad ng kakaibang kwento. Experience ng mga tao sa paligid ko, nang mga kaibigan, kakilala at higit sa lahat sa mga napapanood, nababasa, at napaparinggan sa radyo.
12. Titles of your published and to be published book…
- Heaven (Published)
- The Chain Text Message (TBP)
- Another Best Friend Story (TBP)
- My Devil Sweetheart (TBP)
- Kwentong Barubal (TBP)
- Kumusta Kras Mo? (TBP)
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
-Edi magcondom sila. Haha. Safe sex is the best! Best talaga yan.
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
-Versatile akong writer. Nagsusulat ako ng iba’t ibang genre. Like Horror, Fantasy, Romance, Thriller… atbp. Siguro gusto ko ng scifi at Inspirational.
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
-Keep on writing, and keep on believing that you have a genuine talent. Mainggit ka! Normal lang yan, pero samahan mo rin ito ng pagpupursige. Pagta-trabaho. Pagdarasal. Sa tatlong bagay na yan, mararating mo rin ang pangarap mo.
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^