Larah's pov(point of view)
pagdating sa bahay nina Marvin nakita ko ang bahay na tahimik at walang tao
nilingon ko si Marvin na dala-dala ang mga gamit ko
"salamat sa pag-"
"shhh, s'ya nga pala nasa bahay nina Ben sina mama at papa"
"sige punta na ako sa taas"paalam ko na tinanguan lang ni Marvin
pagdating ko sa taas nagbihis ako agad at naghanda ng mga gamit ko pupunta ako sa bahay nina Ben
pagbaba ko nakita ko si Marvin sa hagdanan
"so, tara na" sabi n'ya
"h-hah, pano mo nalaman na aalis ako?"
"sus, ako pa" sabi n'ya sabay turo sa sarili
s'ya ang nagmaneho papunta sa bahay nina Ben
"ako na" sabi ko matapos n'ya akong pagbuksan at kargahin ang backpack ko
nakita kong papalapit ang kapatid ni Ben si Nadine at si tita Mercedes
"Larah" sambit ng matanda na may napakalungkot na mukha
"Uhmm, Larah, alam namin kung gaano ka kamahal ni Ben"sabi ni Nadine
"at mahal na mahal ko rin ang boyfriend ko, pwede ko ba s'yang makita"
sinamahan ako ng mag ina
pagdating ko sa kabaong n'ya nag iinit na naman ang mga mata ko
kumuha ako ng silya at umupo sa tabi nito
"Boyfriend, namimiss na kita" sabi ko at tumulo na naman ang mga luha ko na hindi ko mapigilan sa tuwing naaalala ko ang mahal ko at nakikita ko s'yang walang malay
"Ben, mahal na mahal kita, sobra na kitang namiss kayakap" sabi ko at yumuko habang umiiyak
"hey, Larah, tama na yan, kakagaling mo lang sa hospital"sabi ni Marvin
"yea, hija tahan na, wag ka nang umiyak hija, malulungkot ang anak ko kapag nakikita ka n'yang ganyan" sabi ni tita Mercedes
"magiging masaya ang kapatid ko kapag nakita ka n'yang masaya at malusog, kaya tahan na" sabi ni Nadine
"pasensya na kayo hindi ko kasi mapigilan eh" at humagilhol na ako
niyakap ako ni Nadine at tita
"nalulungkot din naman kami pero kailangan nating magpakatatag, magiging masaya si Ben kapag nakita n'ya tayong nakangiti""paano ako ngingiti ng wala s'ya, s'ya ang nagpapangiti saakin" kahit na paos na paos na ang boses ko
"marami ang paraan hija, and'yan ang pamilya mo andito kami" sabi n'ya sabay ngiti
"makaka move-on kadin, Larah, ipangako mo sa kapatid ko na hindi mo ikukulong ang sarili mo sa'yong nakaraan, makakahanap ka rin ng lalaking magpapasaya sayo higit pa sa kapatid ko" sabi ni Nadine
tumango ako at pinunasan ang mga luha ko at ngumiti"yan, ganyan nga, magpakatatag ka" sabi ni tita
tinititigan ko lang si Ben at bumubuntong hininga ako. Hindi ko na mabilang ang ginawa kong pag buntong hininga
"Ben, boyfriend pangako, parati kang nasa puso ko, hindi kita makakalimutan, pangakong magiging masaya ako kasama ang lalking mamahalin ko habang buhay"at ngumiti ako ng mapait
tumayo ako para uminom ng tubig nagpunta ako sa kusina at nakita ko si Marvin na nagkakape
"kamusta kana?"
BINABASA MO ANG
MY FIRST AND LAST LOVE
RomanceHere is a story about a woman named Larah. She is beautiful and confident in everything she does. She is proud of herself and can accomplish difficult tasks through hard work. She does not easily give up on something until she achieves the desired r...