Tinta

6 3 0
                                    

by dk²3

[Spg- 𝗪𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴: 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗮𝗶𝗻𝘀 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲𝗱 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝘄𝗵𝗶𝗰𝗵 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗼𝘁 𝘀𝘂𝗶𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗶𝗻𝗼𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗿𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀. 𝗦𝗼𝗺𝗲 𝘀𝗽𝗴 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗿𝗲𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗼𝘄𝗻 𝗿𝗶𝘀𝗸. ]

Masaya si Kiyo na  ipinakita sa magulang ang kanyang marka. Ito unang grado nila sa card.

"Anak ang galing mo naman. Ang tataas ng iyong mga marka," sambit ng kanyang ina.

"Proud ako sayu,anak. Pag-igihan mo pa Kiyo," sabi naman ng kanyan ama.

Simula ng mag-aral sya sa paaralan ay hindi nya binigo ang kanyang pamilya pagdating sa pag-aaral. Palagi syang pinagmamalaki ng kanyang ama sa kamag-anak o kaututan dila nito ganun din ang kanyang ina.

Hindi nya pwedeng  biguin ang mga ito.

Isang gabi, nakaonline sya noon ng magchat sakanya ang kaklase nya.

"Kiyo, ang galing mo naman. Kahit naglockdown na ang taas pa din ng marka mo," humahangang sabi nito.

"Wala iyon. Nag-aaral lang talaga akong mabuti,"

"Talaga? Sana minsan maturuan mo ako para di ako napag-iiwanan", chat nito sakanya with smiley emoji.

"Minsan punta ka dito. Ako ang bahala sayo."

"Chat kita ha kapag pinayagan ako ni mama,"

Doon nagtapos ang pag-uusap nila. Nahiga na si Kiyo at natulog.

Sa kabilang banda, may isang taong nakahood na papalapit sa isang tambay na pasaway. Nagtatago kasi ito sa tanod dahil curfew na nasa labas pa ng bahay.

"Ahhhhhhhrg", mahinang usal nito dahil sa takip na panyu sa bibig nya. Tinusok pala ito ng isang ballpen at walang ano-ano  bigla itong naging abo.

——

Masayang tinitigan ni Kiyo ang kanyang ballpen.

"Hanep, puno ka na naman aking mahal na ballpen," nangiting sabi nya.

"Anak,mamaya kana gumawa ng modyul mo. Kumakain ka na muna dito,"

"Opo, andyan na po ako," sigaw nya.

Masaya si Kiyo dahil sa dami ng mga estudyante na namumublema sapag-aaral. Heto sya at kalma lang. Pa chill chill lang sabi nga nila.

Pero nagbago ang lahat ng isang gabi ay may aninong pagala-gala sa labas. Halatang galit dahil wala syang makitang tao.

"Lintik na lockdown, wala na tuloy akong makitang tao," nababaliw na umalis ito at pumasok sa bahay nila Kiyo.

Nakita nito ang bunsong kapatid ni Kiyo. Naisip nya na wala naman iyong silbi pero hindi pwede. Kaya umalis na lang sya.

Binuksan ang phone at nagchat sa isang tao.

"Hi Zen, punta ka na dito sa bahay. Turuan kita sa modyul,"

"Naku, pasensya ka na. Hindi kasi ako pinayagan ni mama baka daw mahuli ako ng tanod sila daw ang pagagalitan",

"Ok lang," sabay out sa fb. Naiinis na talaga sya. Kilangan nya na ng tao.

Pero naisipan nyang magchat uli.

"Hi Xyrene, asan ka ngayun. Punta ka dito turuan kita sa modyul. Papakopyahin kita", saad nito.

"Talaga?oo ba pupunta na ako dyan",  sabi nito.

Sinalubong nya si Xyrene sa pinto at pinapasok sa kwarto nya. Mabuti na lang wala ang pamilya nya noon. Hindi kasi nakauwe agad dahil inabot ng curfew sa kamag-anak nila.

"Xyrene, gusto mo bang malaman kung bakit mataas lage ang aking marka",  nakangising sabi nito.

"Oo naman. Bakit nga ba di bumababa ang marka mo", pagtatakang sabi nito.

"Inom ka na muna ng juice",

Pagkatapos uminom ni Xyrene ng juice ay bigla syang nawalan ng malay. Nagising na lang syang nakatali at nasa isang liblib na kweba.  Dinadasalan ni Kiyo ng isang ritwal na di nya maintindihan. Pagkatapos nun naramdaman nya ang pagluwa ng kanyang bituka. Umagos ang masaganang dugo.

Hindi pa natuwa nilaslas pa ang kanyang leeg. Pumalandit ang masaganang dugo. Dinukot din nito ang kanyang mga mata at nilagay sa isang lalagyan. Tinapyas ang maumbok na dibdib.

Inalay ito ni kiyo sa isang pigura na may hawak na panulat. Mapupula ang mata at may mahahabang sungay at pangil.

Ang mga dugo ay sinalin nya sa kanyang mahiwagang  ballpen para gawin tinta nito.

"Salamat panginoon, puno na ulit ang aking tinta. Hindi na ulit baba ang aking marka," sabay tawa ng nakakahilakbot.

Tirik ang matang iniwan nya ang huling biktima sa mga madaming kalansay. At matiwasay na umuwe.

"Para ito sainyo Mama at Papa. Hindi nyo ko mapapagalitan tulad ng ibang bata", saad nya habang nakangisi.

-𝙚𝙣𝙙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TintaWhere stories live. Discover now