"Ash! Umalis na tayo! Hindi na kayang e defuse ni Kuya Tawan ang mga bombang itinanim dito ni General Velez." naramdaman na lang ni Ash ang paghila sa kanya ni Mix na sumulpot mula sa kung saan
Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Nakatutok ang mata niya sa mag-inang Velez at palipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaking nakabulagta sa lapag.
"Pero Mix... ang Tatay." naluluhang sabi ni Ash.
"Wala na ang Tatay. Tanggapin na natin iyon. Tara na!" Naiinis na sabi ni Mix.
"Si Blue... Hindi ako aalis dito na hindi siya kasama." Pagpupumilit niya.
Lalong nagdilim ang mukha ni Mix, halatang nauubusan na ng pasensya.
Lahat ng iyon ay narinig at nasaksihan ni Gene na naka monitor sa kanila.
"Mix!" Nagbababala ang boses na sigaw ni Gene sa earpiece nila.
Hindi na nakagalaw si Ash ng maramdaman niya ang malakas na paghampas ni Mix sa batok niya.
Pero bago pa nawalan ng ulirat, sunod-sunod na pagsabog ang kanyang narinig.
'Blue!' Hiyaw niya sa isip.
***
ILANG ARAW ANG LUMIPAS
"Sa detalye ng mga nagbabagang balita, Matapos ang puspusang imbestigasyon, napag alaman na rin ng Forensic Team ng NBI ang pagkakakilanlan ng mga namatay sa pagsabog ng isang warehouse sa Pier 90 Tondo, Manila. Matatandaang naganap ang pagsabog sa pagitan ng engkwentro ng isang grupo ng Vigilantes at NBI agents kamakailan.
Dalawa sa mga nasawi ay ang PNP Chief na si General Alfred Velez at ang kanyang anak na kasalukuyang Investigating Officer ng NBI, si Senior Investigator Blue Ezeykel Velez, kasama ang isa pang Agent na nagngangalang Ynggrid at ang isang sikat na pilantropo na si Don Manolo Sanueztre. Sa ngayon ay patuloy parin ang puspusang imbestigasyon kung bakit nandoon ang PNP Chief at si Don Manolo dahil ayon sa NBI may isinasagawa silang clearing operation sa Pier 70 nang mangyari ang insendente. Sa ngayon ay nangangako silang pag iigihin pa ang ginagawa at magbibigay agad ng impormasyon hinggil dito, Ako si Jed Bailon, naglilingkod sa pagbabalita."Ang nakatulalang si Ash ay napako ang tingin sa Tv screen. Hindi niya ma absorb ang napanood.
Natutop niya ang bibig habang pilit na umaalpas ang lumalabas na hikbi.'Patay na si Blue?'
Agad siyang niyakap ni Mix.
"I'm sorry Ash."
Animo'y nauupos na kandilang napasandal sa single sofa na kinauupuan si Ash.
Pakiramdam niya piangsakluban siya ng langit at lupa.Dumating ang iba pa niyang kapatid para damayan siya, napanood na marahil ng mga ito ang balita.
Ngunit mas gusto niyang mapag isa, "Iwan niyo muna ako."
Wala silang nagawa kundi umalis at hayaan siyang mag isa.
Flashbacks of their happy moments floods in his mind. KAsunod noon ang walang tigil pagtulo ng luha niya.
Ang sakit. Parang pinupunit ang puso niya sa iniisip na wala na nga si Blue.
Paimpit na naiyak si Ash habang yakap sa sarili. Hindi na niya namalayan na pilit niyang isinisiksik ang sarili sa single sofa na kinaroroonan.
"A-ang daya naman Blue.. Bakit iniwan mo na naman ako ulit?"
Mga salitang paulit ulit na namumutawi sa bibig niya kasabay ng nga hikbi at hagulgol."Mahal na mahal kita Blue. Paano na ako ngayon? P-paano ako magsisimula ulit?"
Naisip niya, na kung Paano,
Panahon lang ang makakapagsabi.***
Ilang Linggo rin ang lumipas
na nagmistulang buhay na patay si Ash. Naipa libing na nila ang mga nakuhang abo sa pagkakakilanlan mg kanilang Ama-amahan, at natapos na din ang mga padasal.Nasasaktan at umiiyak parin siya.
Pakiramdam niya ang luha niya ay parang balon na hindi nauubos.Naalala niya parin ang mga gabing pinagsaluhan nila at kung gaano nila minahal ang isat isa.
"Ash! Hay sa wakas. Lumabas ka na rin ng kwarto mo, Kumusta ka na?" Lumapit sa kanya si Gene na kakapasok lang ng living room.
"Hindi parin ako okay." agad na pinalis ni Ash ang namumuo na namang luha sa mata.
Ganito na lang lagi.
Kapag may nagtatanong kung kumusta siya, naluluha siyang bigla."Aww.. Nandito lang kami, saka may sorpresa ako sayo, Sana this time.. Sumaya ka na. Pero bago iyon, Tara may ipapakilala muna ako sayo." Hinila ni Gene si Ash palabas sa front porch.
"Sino ba yan? Teka naman Gene! Madadapa ako eh." angal ni Ash.
Nilapitan nila ang lalaking nakaupo sa mga silya doon.
"Ash, si Nubsib.. Boyfriend ko.. Babe. Si Ash, Bunso namin."
"I'm sorry." sabi ni Nubsib na ipinagtaka ni Ash. Lalo na nang hindi nito tinanggap ang nakalahad niyang kamay, sa halip ay yumukod pa nga ito.
"Bago pa man mangyari ang lahat ng ito. Plano na ito ni Blue."
"My plano ako."
Umalingawngaw sa isip ni Ash ang sabi ni Blue dati.
"A-ano?" Nauutal na sabi ni Ash.
"Ako lahat ang may pakana ng mga report na lumalabas sa media. At ako din ang may alam sa resulta ng investigations, na manipula ko din ang pathology report tungkol sa autopsies." deretsong sabi nito.
"Hindi kita maintindihan, paano mo nagagawa 'yun? Sino ka ba?" Ayaw tanggapin ng isip ni Ash ang narinig.
"Ako si NBI director Nubsib Velez, Adoptive brother din ni Blue. Hindi nga lang halata dahil mas gwapo ako sa kanya. At tinago sa madla ang ugnayan namin."
Binatukan naman ni Gene ang nobyo.
"Talagang nagyabang pa.""Teka, Hindi ko parin ma intindihan." napahilot sa sintido niya si Ash.
"Siya na lang ang magpapaliwanag sayo."
Itinuro ni Nubsib ang sasakyan nito sa labas ng gate.
Napasunod ang mata ni Ash doon at nanlaki iyon ng bahagya ng makilala niya ang lalaking nakasandal doon.
Nakasuot ito ng puting hoodie at sunglasses, itim na pants at puting converse shoes.
No one can look good in White other than him.
Sumikdo ang kaba sa dibdib ni Ash habang ang paningin ay nakapako parin sa lalaking nanatiling nakatayo at nakasandal sa kotse. Dahil sa suot na sunglasses ay hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatingin o hindi.
"A-ano... P-paano..." napapailing na sabi ni Ash. Kinusot niya ng paulit ulit ang mata at baka mawala sa harap niya ang lalaki pero nandoon parin ito at bahagya pa ngang nakangiti.
"Blue..."
BINABASA MO ANG
Catch Me If You Can (Published Under TDP Publishing House)
ActionWARNING | MATURE CONTENT The English translation is on the process. Please do kindly wait. ☀️🌻