Nemesis
Kabado akong bumalik sa staff house ng resort. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nangyari kanina. Paniguradong galit na galit sa akin si Sir Eurus dahil sa ginawa ko. Lalo naman si Miss Olivia!
What if Miss Olivia kicked me out? Saan na ako pupulutin nito? Walang-wala na ako. I sighed. I should've not done that to Sir Eurus.
Dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang makarinig ng magkakasunod na katok mula sa likod ng pinto. Lumunok ako bago tumayo."S-Sino 'yan?"
"Open this goddamn door, Zia!" Si Miss Olivia!
Mariin akong pumikit, humugot ng hininga. I'm nervous, damn. Hindi niya naman siguro ako papatayin? Ikinalma ko ang naghuhurumentado kong puso bago pagbuksan si Miss Olivia.
Napaatras ang isa kong paa nang matalim niya akong tingnan. “Gustong-gusto kitang itapon sa labas nitong resort, Zia Georgina dahil sa nakita ko doon sa silid ng boyfriend ko. Kung ako lang ang masusunod—wala ka na rito!”
Staring anxiously on the floor, I replied. “W-We don't have any relationship, Miss. Please do believe me.”
“Shut the fuck up.” Mariing bigkas niya. “Damn this—hello!”
Bahagya ko itong tiningnan nang sagutin niya ang tawag ng kung sino. Salubong ang kilay niya at konti na lang talaga iisipin kong pinapatay na niya ako sa isipan niya.
“Are you damn serious—fuck?” Bigla siyang tumingin sa akin. “I can do it myself—Damn you!”
Sa loob-loob ko ay nananalangin ako ng paulit-ulit na sana ay umalis na si Miss Olivia sa harapan ko. She's so scary. Mukha siyang diyosa noon na isinumpa ngayon. Umirap ako sa aking isipan.
“A-Anong gagawin ko rito?” Buong pagtataka akong tumingin kay Esmeralda nang ipasa niya sa akin ang tray na may mga pagkain.
She shrugged her shoulders. “Utos lang ni Miss Olivia sa akin na ibigay ko raw sa'yo iyan. Dalhin mo raw sa King Executive Room. Dinner daw ng guest,”
Dumagundong na naman ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Esme. Kaya pala kanina'y galit na galit si Miss Olivia sa kausap sa phone niya. Ito ang dahilan. She can do this but why does it need to be me? That Eurus Arden!
“Zia, dalhin mo na raw. Gutom na raw ang guest. Huwag ka na tumunganga riyan.” Esme preached.
Kabado kong tinatahak ang pasilyo paakyat sa King Executive Room bitbit ang tray ng pagkain. Pagdating sa tapat ng pinto nito, iniamba ko ang kamao ko upang kumatok. Ngunit kusa na iyong nagbukas.
Agad kong iniiwas ang aking paningin kay Sir Eurus. He just displayed his muscular tanned and topless body in front of me. His wet look is kinda intimidating and I can't stand to stare at his gorgeousness. Indeed, Miss Olivia has a good taste in men.
“Come in. Put the tray on my table.” Seryoso niyang utos.
Upang makaalis na agad sa silid nito, pumasok ako't inilapag lang sandali ang tray ng pagkain. Nahugot ko ang aking hininga nang makita si Sir Eurus na nakahalukipkip sa pinto, titig sa kilos ko.
“Are you in a hurry, Miss Elejorde?”
Umiling ako, tumawa ng peke. “N-No, Sir. I...I just need to go back. I have so m-many work to do back there.” Rason ko.
Ramdam ko ang biglaang pamamawis ng palad ko nang maglakad ito palapit sa akin. Nagbaba ako ng tingin. Ngunit sinilip niya ang mukha ko. “Natatakot ka ba sa akin?” Walang emosyong tanong nito.
Gulping is the only thing I did. “N-No. Of course not—”
“Have you forgotten what you've done to me, huh?”
BINABASA MO ANG
The Furious Fire (Variejo Series #1)
RomanceZia Georgina Elejorde was orphaned when she was only four years old after her father was arrested and imprisoned by law enforcement under the orders of the Variejos. Meanwhile, her mother, suffering from severe depression in her husband's plight, co...