Chapter 33

69 4 0
                                    

Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sa pisngi ko.

"Mommy wake up. Kain na po tayo."

Bumangon ako at nakitang alas otso na ng gabi at umuulan pa sa labas. Paano kaya kami makakauwi ni Zeleina sa ganitong lagay?

Hinila niya ako papunta sa kusina. Dale is preparing the food. Ngayon ko lang naalala na hindi pa nga pala ako kumakain kaya nang nakakita ako ng pagkain ay agad na nakaramdam ako ng gutom.

Pinaupo ko si Zeleina at pinaglagay ng pagkain sa plato niya.

"Mommy eat ka na. Ako na po dyan."

"Eat." Utos ni Dale at inilapag ang plato sa tapat ko.

Dahil nga sa gutom na din ako ay kumuha na ako ng kanin at ulam na niluto niya. It taste good. Feels like home.

"Mommy dito po ba tayo tutulog?" Bigla ay tanong ni Zeleina.

"Ahm..."

"Dito na kayo matulog. Malakas din kasi ang ulan dahil sa bagyo at baha na sa ilang daanan. You still have your things in the room," napatango na lang ako bilang pagsang-ayon. Nakapagtataka lang na hindi niya pa pala tinatapon ang mga gamit ko gayong galit na galit siya sa akin.

Nakaramdam ako ng tuwa nang sabihin niya 'yon pero hindi nagtagal dahil sa sunod na salitang binitawan niya.

"Winter come here and eat!"

Agad namang lumabas si Winter mula sa kabilang kwarto. Yung totoo, ano kaya ang meron sa kanila at dito tumitigil ang Winter na ito.

"Tita eat ka na din po." At pati si Zeleina nakiki-tita.

Nawalang bigla ang gutom ko dahil sa mga naririnig kong ito.

"You're here. Again," Winter said smirking.

"Because my daughter is here," she just shrugged her shoulders and sit beside Dale.

"Tumawag ba si tita, babe?" Winter asked.

"Yes. Hinahanap ka niya," Dale answered.

"Hmm. Did you already told her?" She asked again.

"Hindi pa. Maybe tomorrow. Pwede ko bang isama si Zeleina sa Batangas the day after tomorrow? You can come if you want to." Dale looked at me asking for my permission.

"Mommy sama tayo kay daddy. I want to meet lola and lolo," pagpupumilit ni Zeleina.

"I'll just clear my schedule. Maybe I could come para mabisita ko na din ang branch sa Batangas," that would be a great help.

"May interview kami bukas para sa comeback ng Vista Band. Gusto mo bang sumama Zeleina?"

"Yes daddy," excited na sagot ni Zeleina.

"Sama din ako babe!" Napairap ako nang biglang magsalita si Winter.

"Yeah, sure." Nakangiting sabi ni Dale bago ibinaling ang paningin sa akin.

"Will you come?"

"Baka hindi na, tatapusin ko ang mga naiwan kong gawain sa office para hindi ako matambakan pagbalik ko from Batangas," paliwanag ko kay Dale.

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon