Chapter 9

22 7 4
                                    

Mamaya na ang opening ng McKinley Week, I decided to have a morning jog. I'm tying my hair in a messy bun. I look at myself in the mirror, napahilamos ako ng mukha gamit ang aking mga kamay. "Damn! Kaunting interaction lang yun Julia!" Bulong ko sa sarili habang tinatapik ang aking mga pisngi.

"You're not attracted to him, you're not attracted to him." Bulong bulong ko sa sarili ko as if I'm chanting some type of spells habang naglalakad ako sa quadrangle. Madaling araw pa, mga ilaw mula sa lamp posts ang nagbibigay liwanag sa paligid.

Napapikit ako ng madiin ng marealize ko na my heart isn't beating normal every time I'm thinking of Adrellano. My heart is sending electric volts throughout my entire body.

Huminga ako ng malalim trying to make my heart beat normal. Pagbukas ko ng aking mga mata mas lalo akong kinapos ng hininga.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko. There, meters away I saw Adrellano standing infront of me. Nakaawang ang kanyang mga labi, napakurap kurap ako.

He is walking, going to my direction, naestatwa ako sa aking kinatatayoan. Gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw.

I hate how Adrellano can affect me.

Parang nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Ilang dangkal na lang ang pagitan namin.

"Julia!" Ang tawag mula kay Kiro ang nagpabalik sa akin sa katinoan.

Thank God for Kiro.

Nag jog ako papalapit kay Kiro na nakatayo kung san nang galing si Adrellano kanina.

"Hingal na hingal ka ah, kanina ka pa nag jojog?" Tanong nito ng makalapit na ako sa kanya.

I bit my lower lip at hinila ko papalayo si Kiro.

"Are you Ok? You look tense." Umangat ang tingin ko sa aking katabi. I pouted my lips when I realized that Kiro is right, I'm freaking tense right now.

Kunot noo syang tumingin sa akin. Hinawakan nya ang aking braso para mapatigil sa paglalakad.

"What's wrong?" He looked so concern.

"Kiro... nasubokan mo na bang maexperience na parang nakikipag karera ang puso pag nakikita mo yung isang tao, taong hindi mo naman nakakausap, nakakasama or kahit nalalapitan man lang?" Napaawang ang mga labi ni Kiro na parang may nasabi akong nakakagulat.

He licked his lower lip before he smirked. "Nasubokan ko na yung pusong nangangarera pero with someone I know, with someone na nakakausap ko, with someone I always tease, with someone na napakaganda, with someone who will never likes me back..." aniya bago nag iwas ng tingin.

"You mean... when my heart beats fast for someone... I really like him right?" Tinignan nya ako muli at tumango sya.

"Akala ko..."

"Akala mo malabong magkagusto sa taong hindi mo nakakasama?" Putol ni Kiro sa akin.

Marahan akong tumango. Naramdaman ko ang braso ni Kiro na nakaakbay sa aking balikat.

"Possible yun Julia. Kapag naramdaman mo ulit yan pag nakita mo sya... subokan mong kumalma. Pakiramdaman mong mabuti, some feelings like that are for admiration, attraction or infatuation. Pero... yung iba, nauuwi sa love." Bumuntong hininga ako, unang pagkakataon ata na nakaramdam ako ng ganito.

Marami akong naging crushes, pero hindi umabot sa point na ganito.

Worst is I never admired Adrellano before. Then one day ito na, I'm attracted to him.

"Napakaganda mo talaga Julibear ko!" hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong binola ni Mapple.

We're currently in our dormitory room at nag-aayos for the pageant later. I looked at myself in the mirror, inayosan ako ni Mapple. My mom wants to hire a make up artist and hair stylist for this event but I refused. Ayokong careerin ang gabing to.

Through Wattpad: FrustrationWhere stories live. Discover now