One

13 3 0
                                    

Lost

Her

Napahinto ako sa pagtakbo at hinihingal na sumandal sa pinakamalapit na puno mula sa kinatatayuan ko. Kinapa ko ang maliit na mapa mula sa bulsa ng aking coat at muling tumingin doon. Doon ko lang din napansin na malapit na pala ako sa aking pupuntahan.

Sinuot ko na ang hood mula sa mahabang itim na coat na suot ko at itim na mask sapat na upang maitago ang kalahati ng mukha ko.

Marahan akong naglakad upang iwasang makalikha ng tunog. Mahirap na, baka matiyempuhan pa ako.

Pinakiramdaman ko ang paligid ko bago ako dahan-dahang tumakbo papunta sa kabilang puno at doon nagtago at nagmasid. Masyadong malalaki ang pagitan ng bawat puno kung kaya't nahihirapan akong magtago. Maliwanag ang paligid at napakatahimik, kaya't maririnig talaga ang kahit na anong ingay.

Ihahakbang ko na sana ang kaliwa kong paa upang magtungo sa kabilang puno pero agad din akong napahinto nang makarinig ng mga ingay sa kung saan. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at halos ito na lamang ang naririnig ko sa mga oras na ito.

Grupo iyon ng mga unipormadong kalalakihan na mabilis na naglalakad patungo sa iisang direksyon, tila may hinahabol sila kung kaya't halos manghina ang mga tuhod ko.

Magtatago na sana ako sa kasunod na puno pero napapikit na lamang ako at napakagat labi nang makalikha ako ng ingay mula sa natapakang sanga ng kahoy. Mahina akong napadasal bago ako lumingon sa direksyon nila at doon nanlaki ng mga mata ko nang magtama ang mata namin ng isa sa kanila. Mukhang siya lang ang nakapansin sa akin dahil siya lang ang nakalingon sa direksyon ko. Sa sobrang kaba ay napatakbo ako ng wala sa oras dahilan upang maalerto ang iba pa nilang kasama.

"Doon!" dinig ko pang sigaw ng isa sa kanila kaya't mas nataranta pa ako. Maling desisyon talaga ang nagawa kong pagtakbo pero wala na akong magagawa pa kung hindi ang panindigan na lamang ito.

Mabilis na dumiretso ako sa pagtakbo kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Hindi ko na rin inintindi kung malapit na ba sila sa akin o ano, basta't takbo lang ako nang takbo.

Hindi ko napansin na pababa pala ang direksyon na napuntahan ko kung kaya't nagpagulong-gulong ako pababa. Nang makahanap ako ng tiyempo ay agad akong tumayo at mas binilisan pa ang pagtakbo. Sa unang pagkakataon ay nilingon ko ang mga humahabol sa akin at doon ko napansin na wala na sila. Mukhang nagtagumpay ako sa plano kong panliligaw sa kanila pero mukhang pati ako ay naligaw na rin ata. Wala sa plano ko ang mapunta sa ganitong lugar at hindi ko na rin matandaan kung saan ako dumaan dahil sa pagkataranta. 

Hinihingal na huminto ako sa pagtakbo at mabilis na nagmasid sa paligid. Napakunot ang noo ko ng makita ang malaking siyudad mula sa ibaba. Agad na tinignan ko ang mapang dala ko at hinanap ang lugar na ito. Sigurado akong sakop parin ng mapa ang lugar na napuntahan ko dahil hindi naman kalayuan ang itinakbo ko pero ang siyudad na ito ay wala sa mapa. Kung wala man sa mapa ang lugar na ito dapat ay may tatawidan pa akong bangin bago maabot ang lugar na ito dahil nakapalibot sa bangin ang buong kagubatan ayon sa nakalagay sa mapa.

Napakunot ako ng noo at muling napatingin sa siyudad sa ibaba. Napakalayo ng lugar na ito sa mga bayang nakita at napuntahan ko na. Matataas ang mga gusali at may mga kakaibang bagay na ngayon ko lang nakita. Katulad na lamang ng mga bagay na mabilis na tumatakbo sa mga kalsada, may mga nakasakay din dito.

Nananaginip ba ako?

What the freak is this?

Walang sapat na salita para ilarawan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako, o matutuwa, o matatakot.

"Who are you?"

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napalingon sa pinang galingan ng boses. Awtomatikong pinwesto ko ang aking katawan at inihanda sa anumang dipensa.

Agad na nag tagpo ang mga mata namin ng lalaking kaharap ko. Nakasuot ito ng pulang cloak na halos buong katawan niya ang natatakluban at pulang mask na ang bahaging mata lamang ang nakikita.

Napatingin ako sa maputlang kamay nito na nakatutok sa akin hawak ang bagay na ngayon ko lamang nakita. Napakunot ang noo ko at mas tinitigan pa ang bagay na iyon.

"I'm asking you. Who are you?!" Madiin nitong sabi at mas hinigpitan pa ang kapit sa bagay na hawak nito dahilan para mapapikit ako ng bahagya at mapalunok.

Bahagya akong umatras at kinuha ang punyal sa suot kong cloat. Hinigpitan ko ang kapit dito at muling pumwesto nang pang dipensa.

"You would never want to know," mariing sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko ang bahagyang pag taas nito ng kilay. Rinig ko ang matunog na pag ngisi nito dahilan para lalo akong mainis.

"So brave of you, huh? You didn't know who am I, do you?"

Napa atras ako nang dahan-dahan itong humakbang papalapit sa akin.

"I don't care and I'm not interested," matapang na sagot ko.

Huminto ito sa pag hakbang at humalakhak. Binaba nito ang kamay na nakatutok sa akin at inilagay sa baywang. Nagpatuloy ito sa pag tawa at tinignan ako na para bang isa akong bagay na nakakatawa sa paningin niya.

Kuhang kuha ng lalaking ito ang inis ko.

Isinantabi ko ang inis na nararamdaman ko at pinakiramdaman ang paligid. Sa tingin ko ay ito ang tamang panahon para makatakas sa lalaking ito.

Hinakbang ko paatras ang kaliwang paa ko at mabilis na inikot ang katawan. Naalerto ito kaya't wala na akong inaksaya pang oras at mabilis na tumakbo.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapahinto ako sa gulat dahil sa pag sulpot ng isa pang lalaki sa kung saan.

Halos maduling ako nang bumungad sa akin ang bagay na tulad ng hawak ng lalaki kanina. Nakatutok ito sa mukha ko, ilang pulgada lang mula sa mukha ko!

"Not so fast, darling." Sabi nito sa mahinang boses. Ramdam ko ang lamig sa malalim nitong boses na nagparamdam sa akin ng kaunting kilabot.

"Put your weapon down!" Sigaw ng lalaki sa aking likuran. Hinihingal ito at parang nagalit ko yata.

"No." Madiin kong sabi na ang mata ay nasa kaharap na lalaki. Nakasuot rin ito ng cloak katulad ng lalaki sa likuran ko, ang pagkakaiba lang ay itim ang sa kaniya.

Tumaas ang tingin ko sa mga mata niya at tinitigan iyon.

"Okay, you forced me to do this."

Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag bagsak ko sa aking kinatatayuan. Nakaramdam ako ng biglaang pag ka hilo at pag tulo ng dugo mula sa likurang bahagi ng ulo ko. Kasabay noon ay ang pag angat ng katawan ko sa ere. Walang kahirap-hirap na binuhat ako ng lalaki sa kaniyang balikat at mas lalo akong nakaramdam ng hilo dahil sa pwesto ko.

"Sino ang babaeng iyan, Jaxon?"

Kahit nahihilo at nanghihina ay rinig ko pa rin ang naging usapan ng dalawa.

"I don't know. I just saw her here."

"Never let your guard down, again. You almost lost her"

Wala na akong ibang naintindihan pa sa usapan nila dahil tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang aking katawan. Mabilis na bumagsak ang katawan ko dahil sa pagod, gutom at dahil sa hilong nararamdaman.

~end of chapter

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden City Of AstraeWhere stories live. Discover now