Kabanata 33

54 15 0
                                    

Sherine

"Mamá!" Agad na sumalubong sa akin ang matining na boses ni Astraea nang makita niya akong naka tayo sa tapat ng kaniyang pinto. Kasama niya ang alagang aso at pusa ng boyfriend ni Jen. " Te echo de menos, mamá!"

"I miss you too, baby!" Aniko at niyakap siya at Binuhat.

Niyakap ko ng mabuti ang anak ko. Mahigpit na tila na kukunin na siya sa akin. Hindi ko ininda ang bigat at laki niya at binuhat siya. Naglakad ako papunta sa loob ng kaniyang kwarto habang buhat-buhat siya tsaka pabagsak na umupo sa kama.

Parang dati lang ingat na ingat pa akong hawakan siya dahil sa sobrang liit ng katawan. Pakiramdam ko mababasag siya sa oras na mamali ang hawak ko. Dati natatakot ako na ilabas siya sa lugar namin dahil baka maulit ang nangyari sa amin ni papa at yuna. Parang dati lang napaka liit niya pa. Pero ngayon ay halos hindi ko na siya mabuhat.

Tinitigan ko ang Mukha ni Astraea na ngayon ay nakatitig sa mukha ko. Hawig niya talaga si Jade noong bata pa.

"Umiyak kayo, mamá? Your... your eyes are a bit swollen." Hinipo niya ang mata ko gamit amg kaniyang kamay.

I smiled pinch her cheek, "I only cried because I longed for you."

"'di bale, mamá. Nandito naman na po kayo! Do you have a work here or we will just play and study? "

"Anything," I almost whisper. "Anything you want. We can play on the dirt, we can climb the trees - whatever you want " aniko.

Nanlaki ang mata niya sa tuwa at nagsisigaw. Hindi siya umalis sa hita ko. Niyakap niya ulit ako ng mahigpit dahil sa sobrang tuwa.

"Kahit po ba ang pets pwede?"

Natawa ako, "Oo naman, ano ba ang gusto mo?"

"I want a snake, mamá. But if you don't want a snake- a rabbit will do."

"Snake?" my forehead creased. "You can get a snake- if you promise me that will get a better grades in school? At makukuha mo lang 'yon kapag 15 kana, okay ba 'yon?"

Sumimamgot siya sa akin at napanguso. "Akala ko po ba, grades doesn't define of how smart I am?"

Bigla akong natawa sa sinabi niya. Mukhang sa maling paraan ko sa kaniya ito naturo o baka iba ang pagkakaintindi niya?

"Baby, listen to mamá. Totoo na hindi sa grades ang basehan- pero hindi maiaalis na sa grades tumitingin ang mga tao, teachers, and other universities. What I mean when I say, 'Grades doesn't define on how smart you are,' ay para sa ibang subject na hindi ka kagalingan. I understand if you get 75 and 79 on filipino- pero hindi kailangan laging ganon ang grades mo. You must improve. "

Napayuko ito at pinaglaruan ang butones ng damit ko, "Is that so?" malungkot na sagot niya.

"Are you mad at your mamá?" Gamit ang isang kamay ay sinapo ko ang kaniyang mukha at pinaharap sa akin. "Ayos lang naman sa akin ang mga grades mo ngayon elementary- my grades before were worst than yours! But I am now a successful and highest paid engineer!"

Nag-angat siya sa akin ng tinggin at ngumiti. "I am not mad, mamá. I just realized things that I should not be contented to want I am today, if I want to be better then I should leave my comfort zone and explore more!"

Hindi ko alam kung saan namana ni Astraea ang matured na pag-iisip. Ang alam ko ay nakuha niya sa akin ang pagiging stick sa desisyon. Pero nagpapasalaman pa rin ako na malawak ang pang-unawa ng anak ko. Kahit noong maliit siya ay malawak na ang pag-iisip niya.

Kinahapunan ay sabay-sabay kaming kumain sa hapag. Kaming dalawa lang ni Astraea ngayon sa mansyon kasama ang ibang katulong. Pero ngayon ay kasama namin ni Jen at ang boyfriend niya at mukha na naman silang may away.

Building Promises ( Ventura Series #2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon