Paakyat na kami ngayon ni ate Kaye para mag-enroll
Pinagamit na samin ni papa tong mirage dahil bawal daw maghatid or sumundo kapag may patay
Namatay na rin kasi si lolo kaya magbabalikan lang kami ngayon.
Mag-eenroll lang talaga kami ngayon tas uwi rin agad kaya sana hindi mahaba ang pila sa may cashier dahil doon madalas kami natatagalan
Ako ang nagdadrive ngayon dahil takot magdrive si ate Kaye paakyat ng Baguio. Sa kenon lang din kami dumaan dahil mas sanay ako dito since dito ako sinananay ni papa at mas malapit talaga buti nga at open na.
First time kong magdrive pababa mamaya kung sakali dahil si papa lagi ang nagdadrive pababa.
Nag-enroll na ako agad at pumunta na sa pila pagkatapos para magbayad ng tuition.
Hinanap ko lang saglit si Gelo dahil pinilahan niya na ako para daw magbabayad na lang ang gagawin ko dahil humahaba na rin yung pila, nasa aden na kasi agad. Buti at tapos na siya mag-enroll at magbayad ng tuition dahil instructor pala dito sa slu yung tatay niya kaya nauuna silang mag enroll
Nagstart na rin kaming mag-usap nung new year's eve dahil binati niya ako ng happy new year tapos tinuloy- tuloy na namin HAHAHAHA ang speed ba?
Actually nung Christmas nagbatian na kami pero di ko alam kung bakit nung new year pa kami nagtuloy tuloy mag-usap
"Kumain ka na?" Tanong niya sakin pagkarating ko sa pila kaya umiling lang ako. Last na kain ko kasi kaninang nag drive thru kami sa sa rosario. Pinaupo niya na rin ako sa bleachers dahil medyo malapit na ako sa counter.
Umalis naman siya saglit at pumunta sa cafè pagbalik niya ay may dala na siyang Belgian waffle.
Lima na lang din ay ako na ang magbabayad kaya kumagat lang ako ng konti at binigay rin sakaniya yun saka na tumayo para mag bayad na
Through online na lang daw magbayad si ate Kaye ng tuition dahil nasa loob na ng talaga ng aden yung pila papuntang cashier.
Nakita naman ni ate na magkasama kami ni Gelo
"Oh bat kayo magkasama?"
"Pinilahan ko lang siya ate"
"uuwi na ba kayo?" Baling niya sakin pababa na rin kasi kami sa main gate.
Oo na sana ako nang makita namin yung tropa at iba naming nagging kakalse sa Nstp dati
"Oh bat kayo magkasama?" Si Enzo na naman na pasimuno sa pagshiship samin
"Big boy na pala ang Gelo natin ih, di na kailangan ng magshiship. Pero ship pa rin namin kayo ah? HAHAHAHA"
Kumain lang din kami saglit sa laxamana sisig, gusto sana namin sa bonabil ay madami ring tao.
Kasama rin naming kumain si ate kaye kaya may third wheel kami chaaaaar wanhap joke
Wala PA namang kamiiii HAHAAHA
Hinatid niya lang kami kung saan ako nag park kanina.
Humalik pa siya sa ulo ko bago niya ako pagbuksan ng pinto sa driver side. ang speed lang.
"Ingaaaaat kayooo sa byahe" sabi niya pa sakin bago ako pumasok ng sasakyan
"Ikaw rin ingat ka pauwi" sabi ko at inistart na yung sasakyan
"Yes poooo" sagot niya lang at kumaway na lang kami sa isa't- isa .
"Mukhang hulog ka na ah" sabi ni ate nang nagdadrive na ako papuntang market dahil pinapabili kami ng gulay, prutas at kung ano ano pa para siguro sa ipapakain sa lamay.
"Sus friends lang kami ateeeeee di me marupok no"
"Sus di marupok Ha? Pero sinabihan naman kita dati na huwag mo muna siyang replyan masyado, dahil may ex siyang binabalik balikan niya" sinabi niya na naman yun sheeeet
"Oo na ateeee, tara na mamalengke para makauwi na tayo" sabi ko na lang pagkapatay ko ng sasakyan bago lumabas
Chineck ko naman yung phone ko at may messsage sakin si Gelo
GELATINE
INGAT SA BYAHEEE
PUNTA NA AKONG CHURCH
TEXT OR CHAT KITA AFTERAt may kiss emoji pa
Di na rin ako nag reply pa
Tanginaaaa talagaaaa paanong di ako mahuhulog?
After naming mamalengke ay inumpisahan ko nang magdrive pababa dahil alas dos na baka traffic at magabihan pa kami. Ayaw pa man din ni papa na nagagabihan kaming umuwi.
Bumaba lang kami saglit sa jollibee binalonan para kumain pagkababa namin dahil nagutom kami sa 2hours na byahe
Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na yung sasakyan ni Dan na pick up. Parang umurong yung pwet ko dahil nahihiya ako sa kaniya dahil siniseen ko na lang siya . HAHAHAHAHA ayaw ko nga kasi talaga HAHAHAHA
Pagpasok namin sa jollibee ay napansin ko agad yung grupo ng naka uniform ng wcc sa malaking table
Sheeeet sanaaa wag na lang nila ako makita or wag na nila akong pansinin dahil di ko pa nasabi kay ate na patuloy pa rin akong chinachat nitong si Dan.
Ako na ang umorder at si ate na ang pumili ng table
After kong mag-order ay hinanap ko na si ate.
At ang malas naman dahil sa malapit pa talaga kila Dan siya umupo. Aaaisssh mas malas pa sa malas legit
Hindi sa nagfefeeling maganda ako pero napansin kong nakatingin yung mga friends/kaklase niya sakin
Sheeeet bibilisan ko na lang kumain para makaalis na ako
"Kuha lang ako ng ketchup" sabi ko kay ate at tumayo na
Nang nasa counter na ako ay napansin ko naman si Dan na humihingi rin ng tubig.
Aiiish
Kaya nagkasabay na kami pabalik
"Hi, may sasakyan ba kayo pauwi? Kung wala sabay na kayo sakin" kulang na lang ay sagutin ko siya ng May sasakyan kami at di namin kailangan ng driver
"Ah oo, dala ko yung sasakyan" sagot ko na lang saka ngumiti
"Ay sige ingat!" Ngumiti lang ulit ako saka bumalik sa table namin
Kwinento ko rin kay ate yung nangyari. Kilala rin kasi ni ate si Dan dahil yung pinsan niya ay friend ni ate
Nang palabas na kami ay saktong palabas na rin sila Dan kaya siya ang nagopen ng door for me pero di na lang ako nagsalita or kahit nngiti man lang. Wala na talaga ako sa mood.
Di na talaga ako natutuwa sheeemmss!
Padabog na lang akong pumunta sa driver side dahil pagod na ako ngayong araw.
Nakita ko naman na kinausap pa ni Dan si ate
"Oh ano namang pinag-usapan niyo?" Tanong koo kay ate pagkapasok niya ng sasakyan
"Nag sorry lang ako sa tao dahil pagsusungit mo na naman"
"Anong sabi mo?"tanong ko pa dahil wala naman kasi dapat pagsorry'an
"Sabi ko lang na pagod ka dahil ikaw nagdrive back and forth kaya ka nagsusungit" tsk naiinis talaga ako sa mukha nung mokong na yun kahit wala naman siyang ginagawa, like kung umasta kasi siya para he own everything bwesit
Umuwi na kami at nagpaahinga na rin ako pagdating ko sa bahay
YOU ARE READING
DISSOLVED (Engineer Series #1)
FanfictionStory of an engineering student from Saint Louis University-Baguio BIBO SEA Calista Denise Fonacier a Mining Engineering student and Ace Jasper Hontiveros a mechanical Engineering Student, they are both from SLU-Baguio. "It's not about the label"