CHAPTER VIII

54 2 0
                                    

Paggising ko ay 10pm na kaya lumabas na ako ng kwarto para kumain at pagkatapos ay pupunta na sa family house para magbantay kay lolo, hanggang umaga kasi namin binabantayan pero kanina lang hindi dahil nag long drive nga ako.

Bago lumabas ng bahay ay kinuha ko muna yung phone ko na chinarge ko kanina pagkadating.

Pag-open ko ay madami nang chat si Gelo sakin

GELATINE

5:30

CHURCH NA PO AKO HEHEHE

5:45

PASTART NAAA

8:00

Nakarating na kayo?

Bahay na meee skl

Meron din sa text at may dalawa ring missed calls

Nagreply na lang ako sa chat

10:10

Natulog ako agad pagdating sorryyyy!
HAHAHAHA
PERO GISING NA MEEE SKSKSKSKS

Sabi ko na ih

You need a rest

Babantay ba kayo tonight?

Nag long drive ka pagod ka
I'm sure

Wow nagcacare sakiin yieee
HAHAHAHA

Rest at matulog ka rin ah

Laro lang ako saglit

BRB isang game lang
Nag-aya sila Neil eh

Sige laaanggg
No need na magpaalam
chaaaar wanhap
Sksksksks

Tumulong na rin ako sa pagbibigay ng pagkain at kape pero after non ay umuwi na rin yung ibang mga tao

Libing na rin the next day ni lolo tas after non ay aakyat na ulit kami

Aaral na namaaaan pero oks lang

May mine site visit kami this sem kaya I'm so excited diiiin

__________________

Nag-uusap pa rin kami ni Gelo mag-iisang buwan na na araw-araw HAHAHAHA SKL Ko lang bakit ba

Paakyat na kami today at hahatid kami ni papa dahil medyo marami kaming dala na supply good for 1 month na galing lang din sa bahay. HAHAHHA

Actually, ako talaga magdadrive paakyat HAHAHAHA

Nagvolunteer na rin ako para di masyadong mapagod si papa dahil bababa rin siya agad dahil may duty pa siya bukas ng umaga

Ayaw din kasi naming iwan dito yung sasakyan dahil nakakadagdag lang ng sasakyan dito sa Baguio eh pwede naman kami magcommute everyday tsaka walking distance lang naman yung school.

"May apo na si uncle carl niyo, ako wala pa" biglang sabi ni papa habang nasa sasakyan kami. Si uncle Carl kapatid ni papa

"wala ba kayong mga boyfriend? Bilisan niyo nang mag-aral at bigyan niyo na ako ng apo. Gusto ko na rin ng apo. Yung dalawang ate niyo, 27 at 25 na sila wala pang balak magpakasal" sabi pa niya. Natawa na lang kami ni ate Kaye

Apat kasi kaming magkakapatid yung panganay CPA nagwowork sa baba tas yung pangalawa naman CE nasa Manila. Tas si ate Kaye, Medlab ang tinitake niya tapos ako ang bunsong may ugaling bunso.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now