CHAPTER IX

56 1 0
                                    

Nagising ako sa ring ng phone ko dahil tumatawag pala si Gelo

Nakwento ko kasi na halos araw-araw ako ng umiiyak nung first sem kasi namimiss ko si papa dahil nung sa baba pa ako nag-aaral kahit high school na ako ay binubuhat niya pa ako pagkagising.

Kaya simula non siya na naging alarm clock ko

"Good morniiiing Calcal" bungad niya sakin na nakapagpangiti naman sakin

"Bangon ka na 7:30 first class mo diba?" Sabi niya pa kaya bumangon na rin ako agad

Binati ko lang din siya at kumain na. Ang alam ko ay 12 pa ang klase nito bat gising na siya?

"Kala ko ba mamayang twelve pa class mo bat gising ka na?" 

"Wala lang gusto lang kitang gisingin" sabi niya kaya naappreciate ko naman ang kaniyang ginawa HAHAHAHA

"Don't forget yung jacket mo ah" paalala niya pa sakin nung nagsosoot na ako mg sapatos

"Oo naaaa wala naman akong night class ngayon sem hanggang 3pm lang ang pinaka late kaya oks laaaang " sagot ko naman sakaniya

"Kahit naaaaa, magdala ka pa rin just in case na lamigin ka. Mamayang 12 pa klase ko baka di kita mahatidan kung sakali" sabi pa niya at nagpaalam na rin ako dahil papasok na ako

Dumaan na muna ako sa chapel dahil maaga pa 7:15 pa lang naman at bababa lang naman ako sa perfecto first floor dahil don lang ulit ang mga room namin this sem HAHAHA

Nag cereals lang ako kanina kaya nagugutom na ako ayain ko na lang si Jannah mamaya.

Si Jannah na lang ang lagi kong kasama dahil si Sheila ay nag shift na siya sa EE.

Ikaw ba naman ang pumili lang basta ng program nung enrollment nung first sem. Pero rt di niya raw kasi nakikita ang sarili niya bilang isang mining engineer.

Di kami sinipot ng instructor sa dalawang magkasunod na klase namin dahil on going pa lang ang pag-aayos ng sched at pag didissolved ng aming ibang klase.

Nung inorient kami nung first year first sem ay sinabi na samin na normal lang daw na magsidissolved yung mga code/klase namin sa isang course lalo na sa mga non mining major courses

Yung tipong nakapagrecitation na kayo tapos biglang dissolved ang class or palit ng instructor buti sana kung mabait

Ang malas namin last sem dahil ang pumalit na instructor ay yung pinaka terror sa department ng philosophy. Pati sa OSA ay kaaway niya.

Dan replied to your story
"I guess it's time to step back"

Reply niya sa story ko kagabi na picture namin ni Gelo sa may John hay kahapon. Wala kaming mukha do pero mukhang sweet kami sa picture

We can be friends pa rin naman. Hehez

I replied

_______________

"Hiiii! Tara naaaaa?" bungad sakin ni Gelo.

Naglalakad kami ngayon papuntang gym dahil may mass ngayon at doon ang venue ng SEA.

Sa may bleachers na lang ang available na upuan. At nakita naman namin don ang mga ship club namin.

Alam mo yun sabi ko dati ayaw ko sa ship ship HAHAHAHA pero ngayon andito ako kasama si Gelo.

"Usto niyo yun big boy na ang Gelo natin" sabi ni Kennard pagkaupo namin sa tabi nila

"CALI talagaaaaa tsk tsk tsk" sabi pa ni Enzo pagkakita niya sakin

"Ano na naman Enzo" pabalang at loko kong sagot. Nagpapapasok pa lang kasi sila kaya di pa nagstart yung mass kaya nakakapaglokohan pa kami

"Long time no see ah" sabi niya sakin "kala ko ba ayaw mo ng shipship kasi baka may jowa? HAHAHAHA rupok naman neto" tinignan ko lang siya ng masama saka ko siya inirapan

"Bunganga mo pasmado Enzo" sabi ko na lang

Totoo naman kasi kinain ko lahat ng sinabi ko HAHAHAHA

After mass ay kumain lang kami sa alice sa may gate 3 kasama sila yung iba naming mga kaklase dati nung nstp class.

Naghiwa-hiwalay na rin kami after kumain di na ako nagpahatid kay Gelo dahil may service pa siya sa church nila.

Kasabay kong naglalakad si Enzo dahil sila yung may ari ng katabi namining dormitory.

Si Enzo talaga una naming naging close sa NSTP class dati dahil kasama namin siyang class staff kaya laging kami ang magkakasama dati.

Hinila ako ni Enzo nang tatawid na dahil di ako nainform na tatawid na pala.

"Ginagawa mo Cali, lutang ka boi?" Pang aasar niya

Nag-uusap lang kami nang mapunta ang usapan namin kay Gelo

"Don't get me wrong ah pero paano kung may iba palang gusto si Gelo or balikan niya ulit yung ex niya?" Tanong niya

"Gashong ka Enzo naubusan ng break fluid yang bunganga mo" sabi ko bago ako sumagot.

"Okay lang. Siguro. Wala namang kami or baka nga friends lang kami" sagot ko tanginaaaaa

Ito yung laging sinasabi sakin ni ate Kaye na di na dapat ulit ako nagsesettle sa walang label. Pero paano ba kasi? Di naman namin napag-uusapan kung anong meron kami. Like 6 months na kaming nag-uusap araw-araw, walang mintis at updated sa mga ganap sa buhay.

"Tip lang ah mabait na kaibigan si Gelo" sabi niya pa at nagpaalam na ako dahil nasa tapat na ako ng dorm

Anong ibig sabihin ni Enzo? Sheeeet

chinat ko naman agad si Cath para ikwento yung napag-usapan namin ni Enzo

"Di naman kayo tatagal ng 6 months sa talking stage kung wala lang yun" chat niya sakin nang sinabi kong paano kung mabait lang talaga siya sa lahat at friends lang talaga kami

"ANONG GAGAWIN KO CAAATH?" reply ko naman dahil naguguluhan akoooo "paano kung balikan niya yung ex niya or may iba pala talaga siyang gusto?"

"I think kailangan niyo munang mag lie low" sabi niya "ay wait ask ko muna" "kaya mo ba if ever na mawala siya sayo?" Tanong niya sakin na nakapagpaisip sakin

"Oo naman, masaya naman ako even before pa siya dumating" sagot ko sakaniya

"Pero aminin mo hindi kasing saya nung ngayon" sheeeeet totoo

Pero oks lang na di ako piliin, sanay naman na akong di piliin. Di ko na rin siya hahabulin kung sakali kasi yung huli kong hinabol di pa rin naman ako yung pinili. Though wala rin namang kami ni Alfred dati.

Kung sakaling hindi ako ang piliin oh di season 2. HAHAHAHAHA

Di ko pa nirereplyan si Gelo dahil busy pa ako sa pakikipagchat kay Cath at naguguluhan pa ako.

DISSOLVED (Engineer Series #1)Where stories live. Discover now