Chapter 3: Sunset

402 21 1
                                    

"Okay ka lang?" nandito na kami sa condo ko. Pagkakita pa lang nila sakin sa airport alam kong gusto na nilang mag tanong.

"Oo naman na pagod lang ako ang dami namin pinuntahan don. Araw-araw kami naalis grabe, Eh yung cafe namin kailangan na ko kaya umuwi na ako agad," Pag dadahilan ko. 

Umalis na din sila pagkatapos namin mag kwentohan. May  isang linggo pa bago mag start ang classes. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago maligo. Di ko na pansin ang haba na pala ng hair ko. I think it's time for a hair cut! Yeah pamper day tomorrow I need that so bad. 

Nag luto na ko ng diner at nanuod ng Devils line. Grabe ang hot ni Anzai kahit ang laki ng eye bags niya. Ang dami ko nang napanuod na anime. Tapos ko na Kuroko no Basuke at Haikyuu dapat pala nung high school ako naging manager ako ng volley ball or basket ball team namin. Well wala na ko magagawa libro na mga kaharap ko ngayon sa school. And yung maid sama dapat pala tumakbo akong student president di sana may Usui ako. Si Naruse pag na animate na s'ya drop ko talaga lahat ng crush kong anime.

  Sa fictional character na lang talaga ako kinikilig. Bakit kasi di sila totoo!? Charr na babaliw na ko. 

"Wow ngayon ka lang ulit bumalik dito madam! Kamusta bakasyon? Ready na ba back to college stress?" Bati sakin ni Jess siya ang nagawa ng buhok ko. 

"Mas na stress pa ako sa bakasyon ko kaya naman do your magic. I want brunette babylights  and cut it to shoulder length please." I just relax and let them do their job.

After getting my hair done I went to spa for my nails. Hindi complete ang pamper day without mani and pedi. Ako lang ata walang ka partner dito lahat sila may jowa at asawa. Kasi naman busy yung dalawa solo flight tuloy ako. Kakain pa sana ako kaso wag na lang feel na feel ko pagiging single ko today. I'm already in my car nang tumunog phone ko.

"Tita! Musta po?" It's my tita siya nag alaga sakin nung nag M.I.A si Mama.

"Bhe free ka ba? Kulang staff ko today, eh." Wait karma ba to kasi nag sinungaling ako dun sa dalawa?

"I'm free Tita, On the way na ko." well mas ok na may ginagawa ako kesa mabulok ako sa condo ko.

Nandito na ako sa parking buti na lang di ako nag outfit today masasayang lang. Naka hoodie lang ako at high waist yoga shorts. Pag pasok ko binati pa ako ng mga staff nag smile lang ako sa kanila. Na miss ko ambience dito maliit lang s'ya na cafe it also have second floor at mini library. The interior design is constellation inspired. The table have star names representing the table number. 

Dito ako nag rereview pag may exam ako at alioth lagi ang table ko. Halos lahat nang napunta dito ay students. Well IG friendly din kasi 'to kaya dinadayo. Nag palit na ako ng damit hindi ko naman to first time kaya alam ko na mga gagawin.

 I just fix my uniform plain black polo shirt at pants. Then the mahiwagang apron. I'm on the counter taking orders and making them well apat kami dito. Two waiters and two din kami dito sa counter. Na miss ko yung mapressure nang ganito. Akala ko makakapag pahinga na ko but a big gruop of people arrive and what shock me is one of the is Jake. Bakit kung kelan haggard na ko tsaka pa siya dumating. Nasan siya nung ang fresh ko?

"Hi Welcome to Orion may I take your order?" I confidently ask  him dahil s'ya ang pumila habang yung  mga kasama nya ay naupo na. Wala yung kasama nya sa Infanta I think he has a lot of friends.

"Two Espresso, two Capuchinos, one Latte, and Mocha. And three lemon loaf cake, two blueberry muffins please." He said while looking at me straight in the eye, hopefully nakuha ko ng tama yung order niya.

"Your order is three lemon loaf cakes, two blueberry muffins, two Espresso, two Capuchinos, one Latte, and Mocha will that be all?"

"Yes."

A Betrayal [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon