Kabanata 7

22 7 1
                                    

Sa Dingding ng Kubo, Sa Puso ko.

Medyo matagal tagal din akong hindi makakapunta at makakabalik sa lugar na 'to kaya't pinagdidiskusyonan ko sa aking sarili kung sapat na ba ang isang disensyong ipapatinta. 

For almost an hour of thinking, I guess I'll only choose one and it'll be the 'arrow head' tattoo design this time. 

The first ever tattoo I had was tinted here, exactly where I am standing right now. 

Ang pagkaalala ko'y wala akong balak magpatinta sa kahit anumang bahagi ng aking katawan, kahit pa sa tagong parte dahil ayaw ng gano'n ni mom. 

She wants her daughters to look decent and reserved lalo na't nasa field ng business ang side ni dad.

Kahit iyon lang daw ang aming maipagmalaki, ang pagiging katanggap-tanggap. 

She's quite strict when it comes to looks— no hair dying, no body piercing, no tattoo, and all.

Whenever we get announced to have a family reunion or even a simple gathering, dapat ay nakapagpagupit muna, bawal ang sobrang ikli and at the same time, sobrang habang buhok.

All must be planned and practiced kahit pa sa pagmamano. 

But that was before I was called the blacksheeep in the family.

Na 'yong bunso ni Celeste, napariwara.

"Sigurado kang isa lang?" hindi ko namalayang ako na pala ang susunod na titintahan kung hindi pa pinuna ni Bernadette ang aking desisyon.

"Oo, ito lang 'yong natipuhan ko." sagot ko at buti nama'y nakuntento na siya rito.

Hindi na siya muling nagtanong at wala rin naman akong balak pahabain 'yong usapan namin. 

I'm uncomfortable to her for some unknown reason, but it doesn't mean I have the right to treat her unjust and rude. 

Ramdam ang kirot sa bawat pagbaon ng tinik na tingin ko'y mula sa isang puno ng prutas na siyang dahang-dahang pinupukpok para makabuo ng makahulugang tattoo.

Simple lang ang akin kaya't hindi raw aabutin ng isang oras, ngunit parang mas nadoble ang sakit dahil sa parteng nais kong palagyan ng napiling disenyo.

The veins in my right wrist were noticeable whenever I get chills from the thorns slowly ripping out my ivory skin.

Halos ako pa lang yata ang labis na dumaing sa harapan nitong sikat na mambabatok dahil ang mga nauna saaki'y halatang kabisado na ang pakiramdam.

Kita sa binti ni Nat ang iba't ibang disenyo na tingin ko'y pinagdugtong-dugtong o pinagsama-sama upang makabuo ng isang tagong mensahe.

Ang bawat tattoo rito ay may nakapaloob na kahulugan.

Halimbawa na lamang ay ang disenyo ng 'buwan at araw' ay nangangahulugang buhay.

Ang 'scorpion' ay proteksiyon.

'Ahas' para sa kalusugan, at marami pang iba.

No wonder why I chose the 'compass' when I had my first tattoo. 

That when I was asked here before, I didn't hesitate to tint a compass in the back of my neck.

Aside from the reason of 'it was the only design that caught my attention',  I know I decided to choose it because it symbolizes 'guidance'.

Na sa kahit anong gawin ko at san man pumunta, nais kong itatak sa'kin ang simbolismo ng salitang paggabay.

Na kahit hindi ko man ramdam ang suporta ng sarili kong pamilya sa lahat ng aking magiging desisyon ay hinding hindi mawawala ang gabay sa sarili ko dahil bukod sa nakatatak na iyon sa aking balat, itatak ko rin sa aking isipan at puso.

Tagpuan 1995Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon