Chapter 24

6 0 0
                                    

Sunghoon pov.

"Pali..... pakibilis na po. Naghihintay na daw sila jake sa baba." Pagsilip ko sa kanya. Nag aayos pa sya ng mukha, kaya lumapit na ko.


"Matatapos ka na ba? Andyan na daw sila jake sa baba eh." Mahinahon na sabi ko. Maya maya tumayo na din sya at inayos ang pouch nya.


"I'm finish na, love. How do I look? It's makapal ba?" Tanong nya habang tinuturo yung mukha nya.


"No, it's good. Kahit ano namang itsura mo, mahal pa din kita." Natatawang banat ko, hinampas tuloy ako.


"Corny ka! Let's go na nga." Sabi nya at kinuha na ang duffel bag nya. Pero mabilis ko ding kinuha yon, para hindi sya mahirapan. Mabigat kasi dahil marami syang dala.


"Thanks love!" Masayang sabi nya.


Ngayon ang punta namin sa enchanted kingdom, tapos napagkasunduan na magoover night kami sa batangas, sa rest house nila sunoo. Nagprisinta na sya, para hindi na kami gumastos para sa hotel. Kahit na, kaya naman ni hee gawan ng paraan.


"Ang tagal naman, park! Bagal mo talaga kahit kailan." Reklamo ni hee, pag bukas ko ng pinto ng van.


"Manahimik ka! Pwede ba, umagang umaga wag mo kong pikunin." Inis na sabi ko sa kanya.


Sa pangatlong row kami umupo ni sunoo dahil si riki ang driver ngayon. Ayaw nya daw na umupo lang dahil sya lang ang single samin. Sa first row sila jake at second row sila jay.


"Wonie, zana text me kaninang morning. She needs the copy of the transes daw today, before lunch." Sabi ni sunoo habang nakatingin sa phone.


"Epal naman nya! Hindi ba pwedeng wala muna akong iisipin na acads? Doesn't she know, what free time is? The heck! I swear she's getting on my nerves like chari and her alepores." Reklamo ni won.


Etong si jungwon pagnagagalit napapa english eh. Nagtataka nga ako kasi kahit la salle sya hindi sya conyo tulad ni sunoo. Sabi nya naman, ang nagpalaki daw kasi sa kanya ay lola nyang filipino. Kaya nasanay na sya.


"Just send it, then tell them you're busy. I already delete my messenger eh. So they can't contact me. I already send them everything, last night."paliwanag ni sunoo.


"Guys saan tayo mag tatanghalian? Sa loob ba or bibili tayo, ngayon sa daan?" Tanong ni heeseung.


"We can just buy na lang sa loob babe, para hassle free. If we're going to buy ngayon, we need to go out pa mamayang lunch." Sabi ni jake. Tama nga naman.


"Yes, hyung! Pag nagpunta tayo sa rest house, there's no supply pa don." Sabi ni sunoo.


Nagdrive thru lang kami saglit sa mcdo para sa breakfast dahil maaga kami ngayon, halos 7 am pa nga lang. Bago kami pumuntang ek, aayusin daw muna namin yung sa rest house. 11:00 pa naman daw ang bukas ng ek, tapos wala pang supply sa bahay.


"Sa hypermarket na tayo mag grocery, para andun na lahat. Toka toka na lang or sama sama tayo?" Tanong ni heeseung samin, pag karating namin sa laguna.


Palagi? Palagi.Where stories live. Discover now