TRIGGER WARNING! This part contains scene that you may find sensitive and disturbing.
-THE WAY IT WAS BEFORE-
Nagmulat ng mga mata si Agnes matapos marinig ang pagdulas ng sliding window sa kuwadro nito. Unang sumalubong sa kaniya ang isang silid na hindi pamilyar sa kaniya. The lightly pungent smell of the antiseptics is punching through her nostrils. She found herself lying in an unfamiliar bed inside a hospital room. Agnes raised her body, mabigat galawin ang kaniyang katawan.
"Hi, Agnes, gising ka na pala. Pasensiya na ah, kinakailangan kong isara ang durungawan sapagkat may mga nahuhulog na halimuyak ng puno ng trumpeta ang pumapasok." Ngayon lang niya napagtanto ang isang nurse sa tapat ng bintana, nakangiti na ito sa kaniya. Marahil ito ang nagsara ng bintana kaya niya narinig ang ingay ng pagdulas nito kani-kanina lang.
"Kumusta ang iyong pakiramdam, Agnes?" Tinawag pa siya ulit nito sa kaniyang pangalan subalit hindi naman niya ito kilala. Ngunit kahit papaano nama'y pamilyar ang mukha nito sa kaniya.
"Ano po'ng nangyari?" Agnes asked. She doesn't feel anything yet ang bigat igalaw ng kaniyang katawan. Ngunit bago pa man nakasagot ang nurse ay bumukas naman ang pintuan ng naturang silid, enveloping another familiar person to her, ang kaniyang kuya Vanjoss.
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala lalo na nang makita ang kaniyang kalagayan sa kama. 'Di mapakali siya nitong nilapitan at sinuri.
"Agnes, pinsan okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Pasensiya ka na wala si kuya kanina ah dahil sa pagpupulong namin." Nag-aalala siya nitong tinignan.
"Wala namang masakit kuya, nahihirapan nga lang akong igalaw ang katawan ko," pagtatapat naman niya sa nag-aalalang pinsan.
Sa sumunod na sandali ay bumaling si Vanjoss sa nurse na kasama nila sa loob.
"Joy, salamat sa pagtawag sa akin at sa pagligtas sa pinsan ko. Malaki ang utang na loob ko sa'yo." Ngumiti si Vanjoss sa ka-edad na nurse.
Kapansin-pansin naman ang pamumula nito sa mukha at sinabing, "Naku, wala lang yun. Nagpapasalamat nga akong naubusan ng binaki at bayabas sa canteen kaya kinakailangan kong lumabas, at doon nagkataong nakita ko siya."
Tama, ang nurse na nagngangalang Joy nga ang taong huli niyang nakita bago siya nawalan ng malay matapos ang aksidente. Bumalik na rin ang bagay na iyon sa isip niya. Kaya rin pala ito pamilyar sa kaniya ay dahil nakita niyang ito ang kasama ng kaniyang kuya nitong nakaraan noong sinundo siya noong kinausap siya ng binatang si Aquil.
"Vanjoss, sa labas nalang tayo mag-usap pagkatapos, lalo na sa mga dapat gawin para kay Agnes," sabi pa nito. Nagngitian lang ang dalawang nakakatanda bago lumabas ang nurse sa naturang silid.
Binalingan ulit siya ng nakakatandang pinsan at ito'y namaalam, "Agnes, saglit lang ha. Pag-uusapan lang namin ni Joy ang mga detalye ng injury mo."
Nakita ni Agnes sa sumunod na sandali na lumabas na rin muna ang kaniyang pinsan.
"Injury..." wika niya sa ere habang nakatingin sa kawalan, ngunit sa direksyon ng pintuan. "I couldn't feel any."
Sumandal ang dalaga sa pader at muli...
"Salot talaga ang pamilyang pinagmulan ng sumpang iyan."
Lumalim ang kawalan ng ekspresyon sa kaniyang mukha.
Bigla, pinukpok niya sa pader ang namataang plorera sa gilid dulot ng pagtalsik ng mga bubog nito kasama ang mga bulaklak at tubig papunta sa sahig. Umalingawngaw sa ere ang ingay ng pagkabasag dahilan upang bumulabog sa kaniyang paghihisterical ang pagbukas ng pintuan ng silid na kinaroroonan niya.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...