Chapter 23

773 14 0
                                    

-THE NEWEST NEIGHBOR-

     Naglipat ng tingin si Agnes sa pintuan nang may kumatok dito. Perhaps it could be her kuya Vanjoss at may mga dalang gamit kaya naman ay kaagad niya itong pinuntahan at pinagbuksan. Ngunit gano'n na lamang ang pagkakamali niya nang sinalubong siya ng nakangising mukha ng kapitbahay na si Aquil.

     "Hi!"

     "What are you doing here?" malamig niya itong tinignan.

     "Welcoming my new neighbor, I guess?"

     "Hmm. Okay. Thanks." She shut the door and turned to leave nang kumatok na naman ang binata sa pinto ng kaniyang kwarto.

     "Ano?" bungad niyang tanong pagkabukas ng pintuan.

     "Pwede ba akong makipagkwentuhan sa'yo? Nababagot na kasi ako sa pagiging parbo-"

     "No." Sabay sara ng pinto, ngunit kumatok na naman ang binata.

     "Ang sungit mo naman," sabi nito nang pagbuksan niya.

     "Sorry na kasi, amoy tae lang yung kamay ko pero wala naman yung tae. Tsaka wala ka naman sigurong nakain na anong tae hindi ba?"

      "Hugawan." She shut the door again. Nais pa sana niya itong i-lock upang hindi maistorbo ng binata at hindi ito makapasok ngunit sa kasamaang palad ay mahigpit itong ipinagbabawal sa ospital.

     Naglipat siya ng tingin sa tampered glass ng pinto ng kaniyang silid kung saan ngayon nakasilip si Aquil habang nakangising kumakaway.

     It left her no choice kun'di ang pagbuksan itong muli. "Ba't ba ang kulit mo?"

     "Eh kasi makulit ako," ganti naman ni Aquil. Hindi alam ni Agnes kung sinsero ito o namimilosopo lang talaga.

     "Eh ikaw, ba't ang sungit-sungit mo?"

     "Kasi masungit ako." Si Agnes na naman ngayon ang nakaganti, kahit ang totoo'y hindi naman talaga siya nagsusungit, sadyang wala lang talaga siyang pakiramdam at laging walang ekspresyon sa mukha.

     "Mukhang wala ka pa sa tamang huwisyo upang makipagdaldalan."

     "Hindi naman talaga ako dilang-pato."

     "Sige na nga, hindi na muna kita kukulitin, pero kapag nababagot ka ay huwag ka nang mahiyang kumatok sa kwarto kung nais mo ng kausap. Tsaka mamaya kung sakaling matutuloy sa pagdalaw sa akin ang mga kaibigan ko baka nais mong makisali sa amin."

     "Hmm. Hindi ko naman sila kilala, kaya salamat nalang." Sabay sara but this time Aquil was able to stop her.

     "Teka sandali, may sasabihin pa ako." 

     "Hmm?"

     "Tanda mo pa ba yung pangako ko sa'yo dati?" Pilyo siyang nginisihan ng binata, tinignan niya lang ito. "Tutuparin ko yun, kaya asahan mong simula ngayong araw ay mambubulabog na ako sa buhay mo."

     "Bahala ka. Idiotic chatterbox." Sabay sara ni Agnes ng pinto at takip ng tampered glass ng kurtina nito.

     "Kampon nga talaga siya ng lamig." Kunyare giniginaw pang sabi ni Aquil nang madedma ng dalaga. "What a composured cold fish."


     "BA'T ang laki naman ata ng ngisi mo ngayong araw, Aquil?" It was Gelina who's now arranging the makupa fruits on the basket.

     "Kaya nga. pansin ko rin." Si Emi naman ay naningkit ang mga matang nakatingin sa mukha ng binata na animo'y pinag-aaralan ito.

     "Dahil ba nakatikim na siya ng makupang hindi nakaw at binili natin sa palengke?"
     "Baka gano'n na nga Diego, dahil malinis na ang konsensiya niyang kumagat sa prutas." Sina Diego at Filipe.

Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon