-OUR BLOSSOMS IN THE MOONLIGHT SONATA-
Alas syete na ng gabi base sa orasang nakasabit sa pader. Nagising si Agnes mula sa kaniyang pagkakaidlip at sa kaniyang pagbangon ay unang nakita niya ang kaniyang kuya Vanjoss na payapang natutulog sa isang pinahabang upuan sa loob ng kuwarto. Marahil masyado itong napagod matapos ang buong araw na pag-tatrabaho habang inaasikaso pa siya.
During the next moment, makikitang nakababa na ngunit 'di abot sa sahig ang mga paa ni Agnes. Ngayon lamang niya napansin ang nakadikit na tubong manipis sa kaniyang pulso. She trailed her eyes on it at doo'y napagtantong nakakonekta ito sa isang lukbot na may lamang likido. Nakasabit ito sa isang bakal na maari niyang dalhin. Natitiyak niyang may laman itong mga sustansiya na kinakailangan sa pagpapagaling ng kaniyang katawan. Nakasuot din siya ng damit pangpasyente. The curve in her eyes became straight again in blandness.
Nang natitiyak na mahimbing ang tulog ng kaniyang nakakatandang pinsan ay nagpasya na siyang hindi nalang ito gisingin upang magpaalam sana. Lumabas ang dalaga dala ang kaniyang de-gulong na "nutrient bag" stand.
Matapos makuha ang mga nais bilhin sa kantina ng ospital ay hindi muna bumalik sa kaniyang kuwarto si Agnes. Nagpasiya siyang magpahangin muna at maghanap ng lugar kung saan siya maaring kumain nang mag-isa. But while exploring the hospital corridors, she unmeantly ran over Aquil from a distance. Marahil napansin din siya nito dahil natigilan ito sa pagpapatakbo ng sinasakyang wheelchair. Payapa ang dating laging nakabungisngis nitong mukha, at kapansin-pansin ang isa nitong paa na naka-bandage ang pumapahinga sa isang footplate ng wheelchair habang ang isang paa nama'y ginagamit ng binata sa pagpapausad ng sinasakyan with the help of his hands as well.
May kapayapaan ang naturang pasilyo kung saan sila nagkatagpo sa kabila ng iilang mga taong nakalangyaw sa paligid.
Hindi nagtagal ay ginuhitan na naman ng ngiti ang labi ng binata bago nagsalita. "Nais mo bang magpahangin, binibini?"
THE moon was bright but wasn't full. Its brilliance lit up the sky with at least a few visible stars, and the tips of the mountainscape over thin kissing stratus. It was the promise of life in the middle of the dark; a sense of fervor springing from the cold blues. Nakatanaw ang dalawang kabataan sa isang malaking pintuan na gawa sa salamin sa isang payapang bahagi sa loob ng hospital. Aquil was in his wheelchair while Agnes was standing next to him, and there was a reasonable distance between them.
"Ang lamig, mabuti nalang talaga't makapal ang tela ng suot ko," reklamo ni Aquil, this time he was literally pertaining to the cold atmosphere of the municipality and not her presence.
"Kawawa ka naman."
"Ikaw rin, ang lamig-lamig ng dugo mo!" natatawang hirit ni Aquil sa monotonous na dalaga. Hindi naman gumanti si Agnes sa pang-aasar nito.
"O, ba't gising ka pa pala?" Aquil asked her.
"Hindi ba't ako ang dapat magtanong sa'yo niyan? And about..." Agnes looked at him by the side of her eyes, studying him from head to toe, his bandaged foot on the wheelchair. Sa tingin na iyon, nakuha na ni Aquil ang nais ipunto ng dalaga.
"Kailangan ko nang mag-wheelchair simula ngayong araw habang pinapagaling itong isang paa ko. Nasapol kasi ng bubog, sapagkat hindi ako nakapag-ingat kanina." Aquil bursted out a laugh and awkwardly scratched his nape.
Si Agnes nama'y nanatiling nakatingin sa binata. 'His face was bright as the gibbous. Anyone who knew him would see his eyes smile, and hear his deepening breaths barely.'
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Roman pour Adolescents[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...