Chapter 18

99 1 0
                                    

Chapter 18

Vintage Summer Photoshoot

••••••••••••••••••••••••••••

Pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon ay maaga kaming kumaen ng dinner para makapagpahinga na kami sa suite. Nakatulog agad si Lauryn at Trixx. Ako nalang , si Tanya at Reinee ang mulat pa at nag aayos ng gamit para sa pag uwi namin bukas sa Maynila.

"Hayy naku! Back to reality nanaman tayo bukas." sabi ni Reinee.

"Oo nga. Projects nanaman at school matters." dagdag pa ni Tanya.

"Oo nga eh. Hayy" sabi ko naman.

"kunin ko nga number mo Marionne para incase may gimik. , matatawagan kita agad" sabi ni Reinee at nilahad ang cellphone nya sakin.

Ni-type ko ang number ko roon. Masaya talaga ako kasi okay na kami ni Reinee. Mabait sya at hindi mata pobre di gaya ng ibang Alleganians. Close ko na siya agad kahit ilang araw palang kaming nagkausap. Masarap sya kasama.

"Okay, wag kang mahihiyang lumapit samin nila Trixx at Lauryn pag may umaway sayo hah. Si Tanya kasi, kahit hindi namin samahan ipagtatanggol yan ni Flint eh" sabi ni Reinee. Natawa lang si Tanya. "Basta, you're one of my friends kaya wag kang magdadalawang isip lumapit samin hah"

"Oo. Salamat Rein hah" sabay ngiti ko.

"No worries" sabi at ngumiti din.

Kinaumagahan ay maaga kami gumising. Nagbreakfast lang kami at sinundo na ng private jet ni Travis. Sa jet ay nagkukwentuhan nanaman sila.Yung iba ay tulog. Ako ay nakapangalumbaba lang sa bintana at nakatingin roon. Si Brayden ay sumisipol sa tabi ko. Naglalaro sya ng kung ano sa ipad nya. Nakita kong binaba nya iyon at nagtanong sakin.

"Marionne, where's your parents?" tanong niya.

"Hah? Bakit?" sabi ko.

"Wala. Nagtatanong lang, bawal?" aniya at nagpalabas ng mumunting tawa.

"Adik. Nasa Aurora si mama. Si papa patay na" sabi ko lang.

"Ah. Ok" sabi nito at naglaro ulit sya sa ipad.

Weird! Parang tanga tong Brayden na to.

Natulog na rin ako sa biahe namin. Nakarating na ulit kami sa roofdeck ng condo ni Jarred. Nagsialisan na sila Lauryn at Trixx. Si Travis din ay umalis na. Si Reinee at Tanya ay kay Flint sasakay, malapit lang kasi ang bahay nila Reinee kila Flint kaya doon na daw sya sasakay. Ako nalang , si Brayden at David ang natira.

"Ihahatid na kita Marionne." anyaya ni Brayden.

"Ha? Wag na kaya ko namang magcommute eh" sabi ko sabay ngiti.

"San ka ba nakatira Marionne?" tanong ni Jarred.

"Sa may Frisco" tugon ko.

"Sa Frisco? Doon yung daan ni David. Magsabay na kaya kayo. Si Brayden eh malayo pa biahe. Sa Paranaque pa to eh. Di ba Bray?" tanong ni Jarred. Hindi nagsalita si Brayden. Tumango lang sya at naupo sa sofah.

"Hindi kapa uuwi Bray?" dagdag nya.

"Hindi pa. Mamaya nalang" sabi ni Brayden.

"Sasabay kaba Marionne? aalis na ako." tamad na tanong ni David

.

"Hah? Ah eh......" hindi alam sasabihin ko.

"Sige na Marionne! Para hindi kana gumastos. Dadaan naman don si David eh" sabat ni Jarred.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon