Chapter 12

261 7 1
                                    

Chapter 12

"Merry Christmas, Adi", Oliver handed me his gift.

It's our Christmas party today and starting tomorrow until the third week of January, we won't have classes. I received gifts from Hailey and Cain, too. Mayroon din akong natanggap mula roon sa nakabunot sa akin sa exchange gift.

"Thanks, Oliver. Nakakahiya naman. Wala akong Christmas gift sa'yo", ngumuso ako at kinuha ang paperbag mula sa kanya.

"It's fine, Adi. Hindi naman ako humihingi ng kapalit", napahawak siya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti. "Uuwi ka ba sa Batangas?"

"Uh... yup. We'll celebrate the holidays there with the whole family. Ikaw, saan kayo ng family mo?"

"Baka rito lang sa Manila. Uh –"

"Ledesma! Ay sorry, bro!", 'yung kaibigan ni Oliver na mukhang niyayaya na siya.

"I'll see you guys at the parking!", he shouted back. "Uh... sorry. Aalis kasi kami dahil advance birthday celebration ni King. Hindi mase-celebrate dahil magbabakasyon sa iba't-ibang lugar 'yung iba pa naming mga kaibigan ngayong Christmas break."

"Ohh I see"

Awkward. Gusto ko na lang lumubog sa lupa ngayon. Why am I always like this? Baka kaya kaunti lang ang kaibigan ko rito sa school dahil napaka-awkward kong tao. I don't know how to prolong conversations. I always respond with dry answers and I always kill the conversations. Ganoon na lang lagi.

"If it's okay with you... can we take a picture?", tanong niya. I saw him blush. I chuckled.

"Pwede naman. Sandali... tatawagin ko lang si Hailey", I said and looked for Hailey inside the classroom but I found Cain instead.

Nasa labas lang kasi kami ng room ni Oliver at ito namang si Cain ay mukhang inutusan na naman ng pinsan niya na kunin ang sandamakmak na mga regalo nitong natanggap from her admirers.

"Si Hailey?"

"Fixing her make-up in the comfort room. Why?", he asked.

Cain may be annoying to Hailey most of the time but he sure takes care of his younger cousin. Kung sabagay, isang taon lang naman ang tanda niya sa amin at isang grade level lang din naman ang gap namin sa kanya.

"Ay... magpapa-picture kasi sana ako sa kanya. Puntahan ko lang"

"Picture? Saan? Ako na lang. Naayos ko naman na 'tong mga 'to"

"With Oliver, sa labas. Okay lang?"

Agad siyang sumimangot pero binatawan din naman niya ang paperbags na hawak.

"Is that Ledesma courting you?"

"Huh? Hindi. Kaibigan lang 'yun. Kaklase namin kaya close kami", sagot ko at tumango naman siya.

"Nasa labas? Tara"

We went out of the room and Oliver was just there... patiently waiting. Mukhang nagulat pa nga siya na kasama ko si Cain dahil ang sabi ko'y si Hailey ang tatawagin ko.

"He'll take the picture. Wala si Hailey sa loob 'e"

"Sorry sa abala, bro", Oliver said as he handed his phone to Cain.

"Hindi mo ako bro. I'm your senior"

"Cain...", saad ko at at pumalatak naman siya.

"Fine. I didn't mean to be rude. Mas matanda kasi ako sa iyo kaya hindi ako sanay na tinatawag nang ganyan", he said and Oliver just nodded.

Ano ba naman 'tong dalawang 'to? Isang taon lang ang pagitan 'e... tsaka bakit ang sungit nitong si Cain ngayon? He's usually naughty but nice.

Nakasimangot si Cain habang kinukuhanan kami ng litrato. Nakita ko ring nakatingin si Hailey sa amin, nakangisi, at naiiling.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon