CHAPTER 01

9 2 4
                                    

⚠⚠⚠

CHAPTER 01

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisnge ko. Sampal na hindi ko alam kung ano ang dahilan. Dahilan na kailan ma'y hinding-hindi ko na malalaman. Dahil pagod na ako, pagod na pagod na ako.

"Sa'n ka nanaman galing ha?! Dun ka nanaman galing sa lalaki mo hah?!", sabi niya at marahas akong hinila patayo sa kama namin.

"Ilang ulit ko ba dapat sabihin sayo na wag na wag mo na ulit kikitain yang lalaki mo hah?!", at ginawaran niya ako ulit ng sampal sa kanang pisge ko.

Kung ano-ano pang lumabas na salita sa bibig niyang alam ko sa sarili kong wala namang katotohanan habang hinihila niya ang buhok kong halos makalbo na sa araw-araw niyang paghila rito.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ko nalang ulit ang sarili ko sa kama, nakadapa at wala ng saplot pang-ibaba.

Gagawin na naman niya ulit...

“AHHHHH!“, sigaw ko nang makaramdam ako nang sakit sa biglaan niyang pagpasok sa pagkababae ko. Ilang beses niyang inulit pa iyon hanggang sa magtuloy-tuloy na ang mararahas na paglabas-masok niya sa akin.

Kung dati siguro ay masarap pa sa pakiramdam pag ginagawa namin ito, ngayon ay hindi na. Siguro kasi dati ramdam ko pa yung pagmamahal pero ngayon hindi na. Wala na ang pagmamahal na iyon dahil napalitan na iyon ng matinding selos at galit niya sa akin at sa kung sino mang lalaki ang tinutukoy niyang kabit ko raw. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang mga salitang ibinabato niya sa akin, kasi alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko magagawa yun kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.

Pero ngayon? Hindi ko na alam... Namanhid na ata ako...

Nakatagilid na ako ngayon at siya'y nasa likod ko at patuloy paring marahas na umuulos. Mahigpit ang hawak niya sa hita ko na nakapatong sa isang hita niya. Di ko alam kung pang-ilang beses na ito ngayong gabi at hindi pa rin siya humihinto.

Ilang segundo pa't naramdaman ko na ang katas niya sa loob ko.Hinugot niya ang pagkalalaki niya't tumayo at lumabas nang kwarto namin. Di ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa pwestong pinag iwanan niya sa akin. Bumalik lang ako sa wisyo nang maramdaman kong basang basa na ang pisnge ko. Pinunasan ko ito at maingat na tumayo ng maramdaman ko ang sakit sa gitna ng mga hita ko at hinay-hinay na maglakad papuntang pinto para isara ito at i-lock. Pumunta rin ako kaagad sa banyo at naligo dahil ramdam ko ang panlalagkit nang katawan ko at hindi na pinansin pa ang paninikip ng dibdib ko.

Nagising ako sa amoy ng lugar na ayaw na ayaw kong puntahan. Nilibot ko ang paningin sa loob ng puting kwarto at nakita ko sa malaking sofa ang kasambahay naming si Ate May,nakayuko. Nang maramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya ay nag-angat siya nang tingin dito sa pwesto ko.

"Maam Liah!Gising ka na pala!", sabi niya at pumunta sa intercom sa mesang nasa gilid ng kama ko at ipinaalam na gising na ako.

Mayamaya ay pumasok ang pamilyar na doktor kasama ang pamilyar na mga tao.

"Kuya...", tawag ko pero di niya ako pinansin at lumapit na lamang sa akin upang icheck ang kalagayan ko.

"Kamusta siya Leon?", tanong ni Mama.

“Okay na siya Ma, pahilom na rin yung mga pasa niya sa katawan at bumabalik na rin ang kulay ng pisnge niya.", sagot ni Kuya nang hindi man lang ako tinitigan sa mata. Napangiti na lang ako sa inasta niya. Isip-bata.

Lumapit na sa akin si Mama na halatang galing sa pag-iyak at tahimik na niyakap ako. Lumapit na rin si Papa sa amin at niyakap rin ako.
Nakatitig lamang si Ate May sa amin na ngayo'y naluluha samantalang si Kuya naman ay nakatitig sa akin gamit ang malalamig niyang mga mata.

"Mabuti naman at gising ka na Liah, isang linggo ka ring tulog. Hinahanap ka na sa amin ni Liandra.", naputol ang titigan namin ni kuya nang nagsalita si Papa.

Isang linggo narin pala ako dito.

"Ano bang nangyari sayo at bakit ang dami mong pasa sa katawan? Di ka naman siguro sinasaktan nang asawa mo diba?", tanong ni Mama na pinili kong wag sagutin at bigyan na lang sila ng ngiti. Ang ngiting magkukubli sa katotohanang hindi ko kayang sabihin sa kanila.

Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang pagbukas-sara nito.

"Kumain ka muna hah, sigurado akong gutom ka na", tumango na lang ako kay Mama at tahimik na kinain ang pagkaing dinala nila.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na sila Mama at Papa na uuwi daw muna at may aasikasuhin pa sila. Tahimik akong nakaupo sa kama ko nang magtanong si Ate May.

"Sinaktan ka nanaman ba niya ulit Liah?"

"Ba't hindi mo nalang sabihin yan kina Maam Lisa at Sir Kier?"

"Ayaw ko na silang bigyan pa nang problema ate"

"Pero Liah-", naputol ang sanang sasabihin niya nang umiling ako.

"Di ko talaga maintindihan yung batang yun, di naman siya ganon dati. Naalala ko, mahal na mahal ka nun eh. Kitang kita sa mata niya yung pagmamahal niya sayo. Kaya di ko alam kung bakit siya nagkaganito ngayon. Alam kung wala kang ginagawang masama Liah kasi ako palagi ang kasama mo kapag may pupuntahan ka, kaya bakit?"

Pinigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko ng marinig ko ang sinabi ni Ate May at bumalik sa pagkakahiga at tumagilid sa pwestong hindi niya ako makikita.

Di ko rin alam ate, ang alam ko lang nagmamahalan kami dati. Masaya kami dati. Masaya kami kasama ang anak namin. Kaya di ko rin talaga alam kung paano kami napunta dito. Di ko alam. Di ko na alam. Ayaw ko nang alamin pa.

At tumulo na ang lahat ng mga luhang ilang taon ko ring pinigilang lumabas. Sadyang may mga makukulit lang talaga na ayaw magpapigil at nauna na.

Natawa ako sa naisip sa kabila nang hindi na naman maipaliwanag na sakit na unti-unting sumisibol sa dibdib ko.

Di ko na alam ang sunod na nangyari dahil nandilim na ang paningin ko, ang tanging alam ko lang ay pagtunog ng makinang nakakonekta sa akin at pagsigaw ni Ate May nang pangalan ko.

💎💎💎

STAN SEVENTEEN💎
STAN EXO❤



Fairytales Yet NightmaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon