Dedicated to: Noontime_Nap thank you sa pa fan-art moooo💓
Episode Title:
"Cosmos and Goodbyes"
3rd Person's POV
Unti-unti silang natahimik. Gumapang na rin ang pagtataka sa mukha ni Amy ganoon din ang panic sa mukha nila Behold.
Nagkatinginan silang magbabarkada. Tumayo si Winona at Lewis at agad pinuntahan si Eddie.
"What if she hurts her?" May pag-aalala sa boses ni Lewis.
"We're on public. She won't hurt her." Paninigurado ni Behold sa kanya habang nakahalukipkip, inaabangan ang gagawin ni Mitch.
Nag-aalangan man ngunit mabilis na tinungo ni Amy ang pwesto ni Mitch. Seryoso lang ang tingin ni Mitch sa papalapit na si Amy.
"A-Ano 'yon, Mitch?" Bahagyang nanginig ang labi ni Amy, ang mga kamay ay nakatago sa kanyang likuran.
Napailing si Mitch sa inakto ni Amy. Isang salita niya lang ay susunod agad ito, hindi man lang nag-aalala sa maari niyang sapitin.
Pilit na ngumiti si Amy.
'Hindi ba siya natatakot sa pu-pwede kong gawin?'
Pero naisip ni Mitch na kung masaya si Eddie kay Amy, ito ang huli nilang pag-uusap. Hinding-hindi na siya manggugulo. Wala ng Mitch Almira ang magpapamalas sa buhay nila.
She decided to be with Jillian. She just hope that she's doing the right thing.
Sa 'di kalayuan ay seryoso lang ang tingin ni Eddie sa dalawa.
"Eddie, sabihan mo lang ako, ako na maglalayo kay Mitch." Masugid na bulong ni Lewis kay Eddie na kanina pa nanggagalaiti kay Mitch.
Napailing si Eddie at muling binalikan sila Mitch at Amy. Seryoso lamang itong nakatitig kay Amy.
Hindi siya nandaya...
Hinding-hindi niya kayang gawin iyon.
"Ba't siya lumalapit kay Amy?!" Napatakip ng bibig si Behold.
"Shit, baka saktan niya siya..."
Napatingin silang lahat sa susunod na gagawin ni Mitch.
Ilang saglit pa'y may bolang dumaplis sa paanan ni Eddie. Napakurap si Eddie bago niya ito pinulot.
Agad lumapit ang isang batang babae. Her bouncy hair highlighted much of her micky mouse ponytail.
"Can you give me my ball?" May lungkot sa boses niya.
Marahang ibinalik ni Eddie ang bola sa batang babae. Habang nakatitig sa bata ay gumuhit sa kanyang isipan ang larawan ni Mitch habang umiiyak, hawak ang bola.
"Tay..."
Nang hindi na marinig ang hagulgol ni Mitch ay sandaling napayuko si Eddie.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Ficción GeneralWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage