Kasama mo ako pero nakatingin ka pa rin sa malayo.
Umiiyak ako dahil sayo pero umiiyak ka din dahil sa ibang tao.
Hinihintay kong mapansin mo ako pero nasa kanya pa rin ang atensyon mo.
Kailangan kita pero sya ang kailangan mo.
At ang pinakamasaklap?
Mahal kita pero sa kanya umiikot ang mundo mo.
And I'm tired of pretending. Pretending to be happy when I'm hurt. Pretending to smile when all I want to do is cry. Pretending to be strong when deep inside, I'm breaking apart.
***
~Her POV~
"Anong mas maganda, yung sleeveless o yung may sleeve?" tanong ko kay Kaizer. Hindi kasi ako makapag-decide kung alin sa dalawang dress na hawak-hawak ko ngayon ang bibilhin ko.
"Ewan ko. Kahit ano na lang dyan," sagot nya na hindi manlang inaangat yung tingin sa cellphone nya.
"Ni hindi mo pa nga tinitignan e. Mamili ka na, please?"
"Look, I don't f*cking care what you choose! Just pick one so we can get the hell out of here!" galit na sabi nya.
Napalakas yung pagkakasabi nya nun kaya tuloy pinagtitinginan na kami nung ibang mamimili. Hindi na lang ako kumibo. Wala naman akong magagawa e.
Pikit mata ko na lang kinuha yung sleeveless dress at iniabot yun dun sa sales lady na nag-a-assist sa amin.
"Miss, eto na lang pong sleeveless," pilit akong ngumiti nung makita ko yung naaawang ekspresyon ng mukha nya.
"Okay ma'am. Pakibayaran na lang po sa cashier," sabi nya. Tumango lang ako at hinarap si Kai.
"Babayaran ko lang saglit yung dress."
"Make it fast. Ayaw kong pinaghihintay ako," sagot nya. Tumayo na sya at tuluy-tuloy na lumabas ng shop.
Paglabas ko, hindi ko makita si Kai. Baka nainip sya kahihintay sa akin? Masyado ba akong natagalan sa pagbabayad?
Tinatawagan ko sya sa cellphone pero hindi naman nya sinasagot kaya nilibot ko na lang yung mall. Baka kasi nandyan lang sya sa tabi-tabi. Nagtanong na nga din ako sa mga guard pero malabo din nga namang maalala nila yung description ko kay Kai. Siksikan kasi sa mall ngayon.
Nakailang ikot na ako pero hindi ko pa rin sya makita. Gutom na gutom na ako kaya pumasok ako sa isang restaurant doon. Saka ko na lang ulit sya hahanapin. Magte-take-out na lang din siguro ako ng pagkain para sa kanya.
Nakaupo na ako sa isang mesa dun at handa na sanang um-order nung mapansin ko ang isang pamilyar na babae.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories
Teen FictionCollection lang po ito ng mga one-shot stories na nagawa ko. Sana po ma-enjoy nyo. Thank you po :)