Oneshot po ito...

39 1 0
                                    

Natatandaan ko pa nung dati ang sungit mo nun sakin. Kahit na ganun naging crush parin kita. Hay naku, imbes na yung tao na concern at mabait sayo ang maging crush ko eh. Kabaliktaran pala. Ikaw yung napili ko eh. Pero hanggang tingin lang naman ako sayo. At everytime na nahuhuli mo ako ay iniirapan mo ako na parang babae na brat. Pero kahit ganun ang pogi mo parin at hindi iyon mababago. Kahit anong emosyon pa ang gawin mo ang pogi mo parin.

-----------After 2 months

2 months na kitang crush. Hay di kita makalimutan. Ngayon nasa practice ako ng Drama Club. Hindi ako president or anything na superior sa club na to. In fact, isa akong wallflower. Di ako friends sa karamihan dito sa Drama Club. Maliban na lang sa Vice President nitong club. Ang pangalan niya ay Leila. Siya lang ang naging mabait at pumansin sa katulad ko. Siya din ang nagrecruit sakin sa club. Sabi niya nakita niya daw yung talent ko nung naging classmates kami sa English class. Nung time kasi na yun meron kaming presentation at kailangan mag monologue. Ako ang napili ng grupo na ipresinta ang ginawa nilang pangmonologue ko. Wala din naman ako reklamo dahil kahit isa akong wallflower ay gusto ko ang ganitong mga bagay. Ang mga speech, drama at anything related sa English. Passion ko yun. Natapos na ako mag monologue at nagpalakpakan ang mga classmates ko sakin. Sabi pa ni ma'am sakin ay may talent daw ako. Natapos na ang lahat ng grupo at magbibigay na ng grades si Ma'am. At kami ang pinakamataas at sila Leila ang sumunod. Dun na ako nakita ni Leila at kinausap niya ako about sa Drama Club. At walang alinlangan akong um-oo. Gusto ko yun! Tapos nakita na lang kita na nakatingin kay Leila na parang sobrang ganda nya habang kausap niya ako. Nahuli mo ako na nakatingin sayo at parang huminto ang mundo ko dahil first time na ngumiti ka sakin. Mas pumogi ka sa ngiting yun. Para kang anghel.

Habang nagpa-practice kami ay nagulat ako ng bigla kang pumasok nakatingin ka sakin nun. At sakin ka dumiretso. Sabi mo sabay tayo maglunch at marami kang itatanong sakin. Nakangiti ka nun. Di parin ako makapaniwala na inaya mo ako kumain. Um-oo na lang ako at ngumiti ka uli at nagsorry sa buong tao na nandun dahil sa abala niya daw. At may tao uli syang hinanap at parang kilala ko kung sino yun at tama ako. Tumingin siya kay Leila at ngumiti uli. At bumalik uli ang tingin niya sakin at ngumiti at tuluyan na siyang lumabas. Ang gulo mo Christian..

-----------Lunch

Nasa pila tayo ng bilihan ng food. At nung nakabili ka na ay humanap ka ng upuan natin. Pagkaupo pa lang ay tinanong mo ako kung ano ang gusto kong lalaki. At sabi ko naman ay yung Mabait, responsable, mahal ang parents niya, at higit sa lahat mahal ang Diyos kesa sa lahat. Sabi ko sayo na hindi ko gusto yung lalaki na walang respeto sa magulang niya dahil pano ako mamahalin nung lalaking yun at rerespetuhin kung ang magulang niya ay hindi nya kaya respetuhin? Tapos nagtanong ka sakin kung anong klase at kung paano manligaw ang gusto ng mga babae. Sa tanong na yun ay bigla akong nagtaka sa kung ano ang intensyon nya kung bakit niya ko nilapitan. Kasi dati ay ang sungit niya dati sakin. Parang nasa isip ko tuloy ay mangyayari sakin yung mga nangyayari sa libro na kunyare magtatanong siya sayo kung ano ang mga gusto mo tapos yun pala ay ikaw ang liligawan. Parang unti unti na akong umaasa...

Tumigil na ako sa pagiisip at sinagot ko yung tanong niya, sabi ko ay gusto kong ligaw ay yung sa magulang muna. Ayoko ng ligaw na bibigyan ka ng mga gusto mo or give romantic things. Pero sabi ko that's a plus kung gagawin niya yun. Pero ang priority ko ay yung magaakyat siya ng ligaw at magpapaalam sa magulang ko. Pero sabi ko ako lang ata ang nagiisip parin nun. Kasi hindi ko alam kung anong gusto ng ibang babae. Tapos bigla kang ngumiti at sabi mo ay "Ang conservative mo parin. Gusto ko yung ganyang babae eh. Yung hindi agad makukuha ng mabilisan."

Sa mga salita mong yun ay tuluyan na akong nahulog sayo at umaasa na ako... para ka kasing nagbigay motibo na gusto mo ako.

------------

Naging magkaibigan kami ni Christian at naging super close. Palagi niya akong tinatanong kung ano yung mga gusto ng mga babae at yung gusto kong mga bagay. Nagtatanong rin siya kung paano manliligaw. Napagtanto ko rin na hindi pa pala siya nangliligaw kahit isang beses. Nakilala na rin siya ng magulang ko at nagustuhan nila si Christian at kala nga nila ay boyfriend ko siya sa sobrang close. Gustong gusto ko parin siya pero hindi ko pinapahalata dahil ayoko masira yung friendship namin. Madalas ko rin siyang nahuhuli na tumitingin kay Leila. Pero nasa isip ko na okay lang kung tumitingi siya kay Leila dahil maganda talaga ito kaya hindi maaalis ang posibilidad na titingin ang mga lalaki sa maganda niyang mukha at halos perpektong hugis ng katawan. Mabait din si Leila at katulad ko ay kahit kailan ay hindi pa nagkaka-boyfriend. Pero kumpara sakin ay mas maganda siya. Hindi ko sasabihing sobrang panget ko pero ayos lang ang mukha ko masasabi mo namang matino. Hehe.

----------------

Naging magkaibigan din sila ni Leila at marami ang nagsasabi na bagay sila. Isang pogi at maganda ang nararapat para sa isa't isa. Yan ang mga palaging comment sakanilang dalawa. At idagdag mo pa na napakabait nitong si Leila.

Syempre kahit wala ako karapatan ay nagselos ako. Dahil nahulog na nga ako kay Christian ay nasaktan ako.

------------Valentine's Day

Hindi ko mapigilan na magilusyon na may mangyayari sakin na maganda ngayong araw. Na sosorpesahin ako ni Christian na gusto niya din pala ako. Parang mga nababasa ko sa Love Stories. Bigla kong natandaan yung mga pinagtatanong niya sakin noon. Parang nasa isip ko ay gagawin niya lahat iyon.

Nakita ko si Christian na may hawak na bouquet of flowers at may chocolates sa kamay. May mga paper bags din na mukhang may mga laman na regalo at mayroon siyang hawak ng CD's ng favorite kong banda... Ito na ba yun? Nakangiti sya sakin habang naglalakad sa hallway ng school. Lahat ng tao ay nakatingin sakanya at sakin parang kinikilig. Ako rin ay hindi maiwasang hindi mapangiti. Papalapit na siya at...

Nagulat ako ng bigla niya akong hinintuan at sinabihan ng thank you sa lahat daw ng tulong at binigay yung Cd's sa favorite kong band... Anong ibigsabihin niya? Tulong? Saan?.

.

.

.

.

Nilagpasan niya na ako at nakita ko na ang pupuntahan niya pala ay si Leila...

Bigla na lang ako napaluha at napangiti ng mapait. Umasa kasi ako. Ayan! Nasaktan tuloy ako. Humihingi lang pala sakin si Christian ng tulong sakin. Napaiyak ako lalo ng bigla naghiyawan yung mga tao sa kilig ng biglang sumigaw si Christian ng.. "Will You be My Girlfriend LEILA?"

Umalis na lang ako at umiyak ng tahimik habang naglalakad...

Nasa bus ako at pauwi na habang umiiyak. Nang biglang may tumabi sakin na lalaki at mukha namang mabait at kasing edad ko at inabutan ako ng panyo at ngumiti.............

=======End

A/N: Haha. Trip ko lang tong story. Haha ayus ba?

UmasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon