Chapter 27

5.2K 216 8
                                    

Craven Athena

"What's all about these?" Tanong ko kay South ng makitang papalapit ito sa akin kasama si Freggie kaya hindi ko maiwasang sumama ang timpla. I've been waiting for two hours sa harapan ng condo unit nito at sobrang nangangawit na ako.

Nalanta na rin yata ang bulaklak na dala ko at nalusaw na rin pati ang chocolate.

Hindi ko kasi ito matawagan dahil nakapatay ang cellphone nito. But what bothers me is that mas napapadalas ang paglabas ng dalawa and I don't like it.

"Mauuna na ako South. Nice to see you again, Del Prado." Wika ni Freggie habang nakangisi. Ang sarap lang burahin ang mukha nito.

"Hindi ka na ba papasok para magmeryenda Fredge?"

Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa tinawag nito. Ano ito may endearment sila? Bakit hindi ako na-inform na may mga pet names na pa lang nagaganap? And I don't like the idea na papasok ito sa loob ng condo unit ng taong mahal ko. Kung ako ang masusunod ni kahit dulo ng kuko nito ay hindi makakarating sa harapan ng building na ito.

"Hindi na South. May hahabolin pa akong permahan sa opisina. Sa susunod na lang. Salamat."

Mabuti nga pero wala ng next time! Napairap ako sa ere.

Tumango rito si South. "Mag-iingat ka. Text me when you get home."

Kumaway naman ang lintik na lalaki. Ng mapabaling sa akin ang atensyon nito ay agad nagsalubong ang mga kilay ko.

"You said you will give me a chance?" I can't help not to asked.

"I said I will give you a chance because you begged for it, didn't you Miss Del Prado? Heto nga oh at nasa harapan kita."

Nayamot naman ako sa klase ng sagot nito.

"Oo nga but try to be fair South. Manliligaw mo kaming dalawa pero mas madalas mo siyang kasama kaysa sa akin. And you guys are texting each other pero sa akin kahit isang reply wala at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko." Puno ng hinanakit na wika ko kahit wala naman akong karapatang magdemand rito. Hindi ko lang talaga mapigilan. Nagseselos ako at kinakain ako ng pakiramdam na ito.

Napabuntong hininga ito bago nito pinagkrus ang mga braso sa dibdib nito.

"Let me remind you Miss Del Prado na manliligaw kita at ganun din si Freggie. Therefore may karapatan akong sumama sa kahit sinong gusto ko. Walang tayo and talking about being fair. Have you ever been fair to me? Diba hindi? At naniniwala akong wala kang karapatang pilitin ako sa kung sino man ang gusto kong makausap."

"Iyon pa rin ba South? I thought you gave me a chance para maipakita ko sa iyong seryoso ako at gusto kong bumawi."

"At sa palagay mo Miss Del Prado basta basta ko na lang makakalimutan ang mga ginawa mo sa akin? Binigyan mo ako ng bangungot. Sa totoo lang. Mas komportable akong sumama kay Freggie kaysa sa iyo."

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko naman kasi ito masisisi kaya kahit masakit marinig mula dito ay palalampasin ko na lang. After all, mali naman talaga ako in the first place.

"Here take it." Wika ko saka ko iniabot ang bulaklak rito at isang chocolate na heart shape. Korni man ay wala akong mapagpipilian. Mabuti na lang at tinanggap nito iyon.

Walang imik na binuksan nito ang pintuan at sumunod naman ako rito papasok kahit hindi pa man ako nito iniimbitahan. Tama nga si Daven, makapal ang mukha ko. Siguro ninipis lang ito kapag naging akin na si South.

Agad akong naupo sa couch at minasahe ang aking mga binti. Nakita kong inilagay ni South ang mga bulaklak sa isang vase habang ang chocolate ay idineretso nito sa kitchen bago ito pumasok sa kwarto nito. Ng lumabas ito ay nakapagpalit na ng damit pambahay.

"Gaano mo ako katagal hinintay rito?"

Hindi maipinta ang mukha ko dahil sa tanong nito.

"Dalawang oras." Walang gatol kong sagot rito.

Nakita ko ang gulat at surpresa sa mukha nito. "Bakit mo ginawa iyon? Dapat sana noong hindi mo ako abutan rito. Umalis ka na."

Napaupo ako ng maayos. "Why would I do that kung gusto nga kitang makita? I tried calling you several times pero out of reach ka. At masamang tanawin pa ang bubungad sa akin."

Naupo ito sa couch na nasa harapan ko kaya ang lagay ay nasa gitna namin ang center table ngayon. Pinagkrus nito ang mga hita nito kaya hindi ko maiwasang mapatingin roon. It was so creamy and flawless and fair and d*mn she's long legged-

"Eyes up Miss Del Prado. Kung hindi ka lang si Craven Athena. Iisipin kong manyakis ka."

Napatitig ako sa magandang mukha nito. She really looked so innocent and I know now that she's really innocent.

St*pid me.

"I am." Amin ko rito. "Pero sa iyo lang. Buong buhay ko sa iyo lang ako nagnasa."

Kitang kita ko ang unti unting pamumula ng mga pisngi nito bago umirap sa akin.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan. With all the things you've done and said to me. It's hard to believe. You desire me? The last time I checked, nandidiri ka sa akin."

Napasuklay ako sa aking mahaba at bagsak na buhok. "Can we stop talking about the past for the n'th time? I'm sorry South. That will never happen again. Kung maibabalik ko lang-"

"But you can't anymore."

"Pero pwede akong bumawi and that's what I'm trying to do for the past weeks to prove you na seryoso ako sa iyo."

Umiling ito. "I don't know. Honestly this week ay pipili na ako sa inyo ng sasagutin ko."

Bigla akong binundol ng kaba dahil sa sinabi nito. Alam ko na kasing may posibilidad na pipiliin nito si Freggie. Like what I said, palaging magkasama ang mga ito na parang sinasadya ni South ang pagsama sama sa lalaki para saktan ako. I know that dahil iyon lang naman ang alam kong rason nito.

She said she love me kaya isang malaking kagaguhan kung si Freggie ang piliin nito. Sobra namang bilis kung makapag-move on and they are wrong kung sasabihin nilang natututunang magmahal ng puso ng kusa ng ganun kaaga. It doesn't really work that way in real life.

"This coming Wednesday. Kung magnotify ako sa iyo. That means ikaw ang pipiliin ko pero kapag hindi. Alam mo na kung sino."

"That's not fair South. Dehado ako dahil palagi kayong magkasama. And why the deadline?"

Tumingin ito sa akin.

"Remember Miss Del Prado. My life, my way so therefore, my rule."

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon