CHAPTER 2

267 2 3
                                    

CHAPTER 2

Tumayo na ako sa kinauupuan ko, pero this time wala na akong balak na hanapin yung babaeng nakaiwan ng I.D. nya

Ang plano ko ngayon bumalik sa school para dun iwan yung I.D. ,oo nga no ba't di ko naisip kanina pa, sana dun na lang ako dumeretso, pumasok pa ako sa eskinita na ito kaya ayan naligaw pa tuloy ako

Bumalik ako sa mga natatandaan kong dinaanan ko kanina, sa masikip na dinaanan ko may nakita akong daan, natatanaw ko na may mga dumadaan na kotse, iniisip ko na iyon na yung highway

Nagmamadali akong tumakbo para makalabas sa masikip na eskinita at sa paglabas ko at sa sobrang pagmamadali ko ay naramdaman kong nasagasaan ako

Nakikita ko ang paligid ko na unti unting tumatabingi, ibig sabihin na natumba ako at naramdaman kong tumama ang ulo ko sa sahig at sumunod ay puro black na ang nakita ko

-----

Nagising na lang ako na sobrang sakit ng ulo ko, medyo nanlalabo pa ang mga mata ko pero hindi ako nagkaroon ng amnesia tulad ng mga nangyayari sa pelikulang pinoy

Natatandaan ko pa naman ang pangalan ko, ako si Dark, ang hindi ko lang maalala eh kung bakit sa ibang bahay ako nakikitulog, tiningnan ko ang suot ko at nakita kong naka-uniporme pa ako

Nagulat ako ng may kumalabit mula sa ulunan ko, hindi ko sya matingnan ng mata sa mata dahil ang sakit ng ulo ko at lalo pang sumasakit pag pinepwersa kong bumangon

Gayunpaman pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at hindi pa man ako humaharap sa kanya ay inabot nya agad ang kamay nya

"ako nga pala si James" sabi nya

Inabot ko ang kamay nya bilang pagkilala

"ako si Dark nasaan ako, anong nangyari?" tanong ko 

"nandito ka sa bahay ko"

Oo halata nga na bahay nya ito, tiningnan ko ang itsura niya at mukha na syang 28-30yrs old sa itsura nya at muka na rin syang may asawa o batang ama kung tawagin

Dahil hindi pamilyar ang lugar, nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang orasan nila at nalaman ko na mag-aalas quatro na pala

"teka ano ba talagang nangyari?" muling tanong ko 

"nasagasaan kita kanina ng bike ko eh" sagot nya 

"BIKE??" 

"Oo"

Naku naman sa dami ng sasagasa sa akin eh bike pa, ang O.A. pa ng pagkabagsak ko at talagang nawalan pa ako ng malay ah tapos bike lang pala yun, ano na lang sasabihin ko sa mama at papa ko kung bakit na late ako umuwi, nasagasaan ako ng bike tapos nawalan ng malay, tsk as if naman na ikekwento ko pa yun pagtatawanan lang ako

Buti na lang at mukang di naman ako nabalian ng buto. Tiningnan ko si James at hawak ko pa rin ang ulo ko, nakaharap sya sa akin ng may narinig akong boses

( please lang umuwi ka na, wala akong pangpagamot sayo )

Lumingon ako sa likod ko at mukang wala naman kaming kasama dito sa bahay nya kundi kaming dalawa lang, unang pumasok sa isip ko na baka may multo sa bahay nya, pero muli akong humarap sa kanya at may narinig muli akong tinig

( umuwi ka na please )

Hindi ko nakitang bumuka ang bibig ni James pero parang sya ang nagsabi nito

"gusto mong umuwi na ako?" tanong ko

Medyo nagulat sya sa tanong ko "hah!! paano mo nalaman yun" pagtataka nya

Napagtanto kong kaboses nya yung tinig na narinig ko, muli ko syang tiningnan sa mata

( alam mo naman pala, sana nga umuwi ka na lang )

Bwisit ano to, sa gulat ko hindi ko matingnan si James kaya yumuko nalang ako, medyo parang natauhan ako

Baliw na yata ako, at kung ano ano na naririnig ko, kelan pa ba to, pinainom ba ako ng pangpabaliw ng James na to

Tiningnan ko ulit si James at narinig ko nanaman ang boses

( ano na! uwi na! )

Nang tumagal ay parang nauunawaan ko na, nakailang beses ko pang ginawa ang pagtingin sa mata nya tapos sabay yuko paulit-ulit na parang tanga lang

Pero parang lumalabas na nababasa ko ang iniisip ni James, at kung hindi ako nagkakamali, sa oras na tingnan ko ang mata nya ay saka ko lang mababasa kung ano ang nasa isip nya

Dahil doon ay nalaman ko na plastik pala itong si James, taong plastik kung tawagin, tinulungan nya ako tapos gusto nya pala akong paalisin

Hindi pala bukal sa loob nya na tulungan ako, hindi ko alam kung sinisira ko na ba ang privacy nya pero yun yung nakikita ko sa kanya eh, ang tanong ngayon eh kung isip lang ba ni James ang nababasa ko o pati isip ng ibang tao

Di bale kung hindi nya gusto na manatili pa ako sa bahay nya edi kusa na akong aalis, kinuha ko ang bag ko na nakalapag lang sa sahig ng magsalita ulit si James

"aalis ka na?" 

"oo" sagot ko

Tiningnan ko ulit sa mata si James at nabasa ko nanaman ang nasa isip nya

( hay salamat buti naman )

Tingnan mo nga naman, kaplastikan talaga eh 

"salamat na lang po" sabi ko

Sa totoo lang nagdalawang isip pa akong sabihin yun eh pero salamat na rin at least may nagmalasakit

Habang kinukuha ko yung bag ko saka ko naalala yung I.D., kinapa ko sya sa bulsa ko at nandun pa rin sya at hindi nawala

Pahamak talaga ang I.D na ito eh, lagot sa akin ang babaeng nakaiwan nito pag nagkita kami >___<

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon