"MA." Humalik si Gun sa pisngi ng kanyang ina ng madatnan niya ito sa flowershop. Kakahatid lang niya kay Nirin sa school at naiwan si Ploy.
"Anak, kumusta na?"
"Okay lang naman ako Ma at si Nirin din."
"Are you sure? How about finances?"
Tinitigan lang ni Gun ang ina at ngumiti saka napansin ang mga shopping bags na may tatak ng mga branded and luxurious na mga logo.
"Nagshopping na naman po kayo?"
"Kay Nirin ang mga ito at sa iyo na rin."
"Ma, hindi ba I told you na huwag i-spoil si Nirin?" Nakita niya ang pagsimangot ng ina.
"Wala na nga ang lolo mo pero naririnig ko pa siya sa iyo, sino ba naman ang i-spoil ko kundi ang anak at apo ko. Tinupad ko naman ang gusto mo na huwag every mag-shop, monthly nalang." Gun palmed his face trying to reduce his frustrations. Mama mo iyan Gun Erik. "I saw a lot of cute clothes for my apo and I know she'll love it. Sayang at hindi ko naabutan si princess."
"Ihahatid siya ni Kit this lunch."
"I bought some gifts for your friends too." Kahit na sobra kung magshopping ang ina ay hindi maikakailang galante ito and his friends loves his Mama too. Tinuring na rin ng ina na mga anak ang kanyang mga kaibigan lalo pa at nakita nito kung gaano nila kamahal ang anak. "Call them anak, let's eat lunch together. Tell them it's my treat."
"Sali din po ba ako Madam?" Nakangising singit ni Ploy.
"Sure—."
"Sinong maiiwan dito sa shop kung aalis tayong lahat?"
"Ano ka ba naman anak? Minsan na nga lang tayong lumabas at saka para mag-enjoy ka rin ipaalaga mo muna si Nirin kay Ploy."
"Bet! Sige na Kuya Gun sama ako promise aalagaan ko si Nirin."
BINABASA MO ANG
A Chaotic Surprise (OFFGUN AU)
Historia CortaAn OFFGUN au/fanfic where, Gusto lang ni Gun Erik ng anak at simpleng buhay kaya pinatulan niya ang suhestiyon ng mga kaibigan about IVF babies. Successful at biniyayaan siya ng isang cute na baby girl. Akala niya ay okay na ang lahat pero biglang...