Summer break noon nagbakasyon kami ng aking mga pinsan sa Ancestral Home ng aking Lolo na si Lolo Julie. Ako si Miguel(25) at aking mga pinsan nasi Kathy(19), Mary(15), joshua(18) at Lucy(10). Sabay sabay kami dumating sa bahay bakasyunan namin sa cavite sa Villa florencia. Napaka creepy old ng bahay ni lolo dahil ang kanilang mga kagamitan ay panahon paraw ito ng mga kastila. Marami kami naririnig tungkol sa bahay na may mga nagpaparamdam daw o nagpapakitang mga multo pero hindi na kami naniniwala o sadyang wala talaga kami pakielam dahil sa nakapaka vintage ng bahay. Sabi ni lolo julie minana niya padaw ito sa kanyang yumaong lolo noon na ipinasa sa kanya ng kanyang Tatay.
NOVEMBER 12, 2020
Araw ng huwebes ang unang araw namin sa Bahay ni lolo ganap na alasingko ng hapon.
"Mga apo umakyat na kayo sa taas at pumili nalang kayo ng kwarto na inyong tutulugan kase pupunta ako sa bayan para sa bumili ng makakain natin mamaya at para bukas. Huwag kayo sana maligalig dahil ang mga kagamitan natin ay antigo at aking iniingatan" ang sabi ni lolo.
"Opo lolo. Mag-iingat po kayo" ang sabi ni kathy.
Kami lang magpipinsan ang naiwan sa bahay dahil ang aming mga magulang ay nag-travel somewhere sa palawan para sa family business. Dahil si lucy ang pinaka bata saming magpipinsan nauna na itong umakyat sa taas para magpahinga dahil halos lahat kami ay pagod sa biyahe.
10pm.
Nagising ako sa alarm ng aking cellphone at nakita kong tumatawag si Mama.
"Hello ma?"
"Kamusta kayo diyan? Kamusta ang mga pinsan mo? Kumain naba kayo?" Ang sabi ni mama.
"Opo ma. Nagpapahinga na kami. Napagod din kami sa biyahe." Ang sabi ko.
"Kamusta ang lolo mo? " ang tanong niya.
"Ok naman si lolo. Pero pumunta siya bayan kanina pang hapon baka pauwi narin iyon" ang sabi ko.
"O sige anak. Ikaw ang tumingin sa mga pinsan mo diyan ha. Ikaw ang matanda."
"Opo ma. I LOVE you goodnight." Ang sabi ko.
"I love you anak!"
Pagkababa ko ng aking cellphone medyo nakarinig ako ng ingay na umaakyat sa hagdan. Dahil sa luma na ito medyo gumagawa ito ng ingay kapag mayroong umaakyat at bumababa naisip ko baka dumating na si lolo.
Pagkabukas ko ng pintuan ng aking kwarto napansin ko bukas ang ilaw at wala namang tao. Naglakad ako upang silipin kung sino ang nasa baba pero nakita kong bukas na bukas ang pintuan sa labas at mukang nakalimutan ito isarado. Agad akong bumaba para isarado ito at grabe ang lamig ng hangin na nanggagaling sa labas na halos pumasok ang mga tuyong dahon.
12am.
Muli ako ako nagising at alasdose na pala ng madaling araw may narinig nanaman akong naglalakad sa hagdan pero hindi ko na ito pinansin gawa ng antok na antok padin ako, sa mga oras na iyon nagising si lucy ang nakakabata kong pinsan dahil may naririnig siyang kumakatok sa kanyang silid.
"Sino yan?" Ang sabi niya.
Patuloy ang pag-katok sa kanyang pinto pero ng halos walang tigil ang pagkatok na naririnig niya agad siyang nagpadala sakin ng text message.
"Kuya! May kumakatok sa pintuan ko! Ikaw poba yan!?" Ang sabi ni lucy.
Agad akong lumabas ng silid at pinuntahan siya.
"Anung nangyayari? Ayos kalang ba?" Ang sabi ko.
"May kumakatok sa aking pintuan ayaw naman sumagot" ang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Ang lolo ng lolo ng lolo ko
HorrorA horror Short story of Miguel and his cousins who visit there old mansion grandfather's House in Cavite.