Chapter 13

795 31 1
                                    

Chapter 13: The Glorious Start

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Okay na ba toh?"

"Hmm, medyo kulang sa designs"

Andito ulit kami ngayon sa library at nagsisimula na kaming gawin ang mga bagay na dapat naming gawin para sa Election ng Students council, may libre naman kaming mga oras ngayon kaya ayos lang naman sa amin

At hanggang ngayon pa rin ay hindi ko pa rin alam kung bakit ganoon nalang kahalaga ito sa mga estudyante ng Kalopsia Lunette

"Give me the eraser"

Utos ko kay Parker at agad naman nya iyung sinunod

May bawat gawain ang naka-toka sa aming lahat

"Eh eto Lucy anong tingin mo sa isang toh?"

"Wow! Ang ganda!"

Kaming apat nina Parker, Hannah at Lucifani ang naka-atas na gumawa nang flyers na ipamimigay sa mga estudyante

"Okay lang ba yung speech ko?"

"It's fine but put some expression on it"

Sina Yugen at Minzee naman ang nagtutulungan sa speech ni Minzee para sa meeting de Avance bukas

"Sa think ko medyo need pa ng more glitters"

"No, I think sa sleeves ang problema"

Rinig kong usapan nina Sharlenne at Willow, sila ang gumagawa nang outfit daw ni Minzee na sa hindi ko malamang dahilan kung bakit kailangan pa ng ganoon

I mean pwede naman silang bumili nalang sa boutique or something

Habang tahimik naman na naka-focus si Nico sa ginagawa nya sa laptop. Sa pagkaka-alam ko ay sya ang gumagawa nang edit sa videos at pictures ni Minzee na ipropromote nila sa social media and to be honest this is the first time I've seen him na ganyan kaseryoso

Yung kambal naman ni Lucifani na si Caspian ay ayaw tumulong, hindi na di rin naman sya pinilit ni Lucy

Mapapansin mo rin na abala ang ilang estudyante sa kanya kanya nilang ginagawa na sa tingin ko ay para rin sa election at makikita mo rin agad kung sino ang kandidato sa hindi

Pero bakit parang may kulang sa amin?

Agad naman iyung nasagot nang biglang bumukas ang pintuan nang library at iniluwal niyun si Lincoln na may dala dalang tarpaulin, napagalitan pa sya ni Sir Theo dahil sa naging asal nya pero agad din naman syang humingi nang pasensya

"Mga pre!"

Pabulong na sigaw nya sa amin nang tuluyan na syang makalapit

Sya nga pala ang umasikaso para sa tarpaulin ni Minzee

"Posters... estudyante...  suhol... kandidato... kalaban..."

Halos hingal na hingal nyang sabi kaya wala kaming naintindihan

"You ayos nga, what you're saying ba, we cannot intindi kaya"

"Yung mga kalabang kandidato namimigay na ng posters! Yung iba sa kanila may kasamang suhol!"

"Suhol? Tulad naman nang ano?"

"Mga mamahaling kwintas at sapatos katulad ng ipinapamigay ni Riley!"

The Pieces Of The Mafia's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon