Chapter 18

28 2 0
                                    



[Chapter 18]


Araw na ng contest ngayon. Nandito na kami at nagpreprepare ng mga sangkap at kung ano anong bagay na kakailanganin namin.

Nasa backstage na kami habang ang mga audience naman ay nakaupo na kabilang na din ang mga judges. Marami rami rin kami rito pero halata namang kakasiya ang buong tao sa laki nitong backstage na kinatatayuan namin ngayon. Mala theater ang stage sa sobrang laki at parang saktong sakto buong estudyante sa loob.


Nakakaamaze pero mas ramdam mo ang kaba lalo na't masiyado nilang pinaghandaan ang event na 'to. Nakakastress din sa'kin ha nasisira ang beauty ko.


Nandito na rin ang mga staffs at admin na kung makatingin sa'min ay parang lalamunin kami ng buo. Kitang kita mo 'yung lisik ng mata nila na parang never sumaya sa talambuhay. Para silang mga kontrabida na may masalimuot na nakaraan tapos sa'min nila igaganti lahat ng nangyari sa buhay nila. Basta! Ganun na kung ganun! Nakakastress!

Ngayon nama'y kasama ko si Reigh na tila excited na rin dahil matagal talaga at siguradong siguradong pinaghandaan namin ang araw na 'to. Lalo na siya na ang passion talaga ay ang pagluluto. Sana lang ay makapasok kami kahit sa top 5 o kaya top 10 dahil ayaw din naming madissapoint si Sir. Syimpre alam naming mageexpect 'yun.

Rinig din ang sigawan at mga cheer ng mga audiences sa stage pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba sa'ming lahat dahil baka may unexpected event na naman na mangyayari. Hay na'ko, lahat na lang surprises!

"Oh? Kumusta?" Nagulat naman kami ng marinig namin ang masayang halakhak ni Sir K sa likod. Kinawayan naman niya kami at nagpa-cute face at nagshow pa ng dimples niya. Hay na'ko nakakatunaw ay este nauuhaw, nauuhaw kasi ako kanina pa...


"Sir!" Kaway kaway naming dalawa habang patawa tawa naman siya. Siksikan din kasi ang tao sa taranta dahil ang iba ay hindi pa masiyadong nakakapagprepare.


"Alam niyo na mga dapat niyong gawin ha, cook--"

"Cook with confidence, add you favorite ingridients and most importantly cook in a simple way" ngiti naming dalawa dahilan para hawakan niya ang kaniyang tiyan at tumawa sa saya. Kagabi pa kami nagbibiruan dahil last day na rin kagabi ng pagmementor sa'min. Marami na rin kaming napagsamahang tatlo at marami na rin kaming natutunan sa kaniya. Well, Sir K 'yan anu pa nga ba.

Nagulat naman ako ng hawakan ni Sir K ang balikat ko... "Alam kong kaya mo 'to" ngiti niya pa at bigla naman akong tinulak ni Reigh dahil sa kilig. Alam ba ni Reigh na balak akong ligawan ni Sir??? Namumula ba'ko? Hindi! Ang lakas kasi ng tension kaya siguro umiinit ang buong katawan ko ngayon. Saka isa pa, siksikan kasi dito kaya nagpapawis ako.

"Let's go??" Talak ko pa habang malalim kaming humingang dalawa at napa thumbs up pa. "Kahit anong mangyari, matalo man tayo at makabilang sa Top 10 na unang matatanggal. Sana malaman mong naging masaya ako sa pagkakaibigan nating dalawa kahit sa maliit na time man lang" ngiti niya pa. Napatango naman ako at huminga ng malalim.


Dahan dahan akong sumilip sa harapan ng stage ng makita kong nasa unahang seats pa pala ang mga kaibigan ko. Napakasupportive talaga't may pa tarpoline pa sila na nakasulat "Go Cheska! We love you from the bottom of our hearts at laman loob" what?? Ha ha ha mga sira ulo talaga 'tong mga 'to.

"Are you busy??" Lumingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Sir K.

"No Sir, tinignan ko lang 'yung mga kaibigan ko" ngiti ko, tinuro ko naman sila kay Sir at natawa na lang ito bigla. Bumalik naman na'ko sa pwesto namin ni Reigh kanina habang si Sir naman ay nakasunod sa'kin.

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon