🌸TVMAE 10🌸

573 54 0
                                    

♡Dedicated to xxsoteria

CHAPTER 10:
The Check Up

Lyn POV♡


"Hmmm," ungol ko habang nakiramdam sa sarili. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at bandang puson ko, ackkk!

Unti-unti kong binubuksan ang mga mata ko. Sa una blurry pa ito hanggang sa naging normal na.

"Lyn?"

"Girl?"

"Glad you are awake!"

"Thanks God, gising ka na,"

Isang puting curtain ang sumalubong sa akin, puting kisame at puting silid.

Nilibot ko ang paningin ko at do'n ko nakita ang kaninang nag-iingay.

Kumunot ang noo ko nang makita kong may nakakabit sa aking suwero at dextrose. Don't tell me? Bakit ako nandito? Bakit nasa hospital kami? Bakit?

"A-anong nangyari?" Tanong ko sa kanila saka napalunok ng laway dahil sa nagtutuyoang lalamunan ko.

Nagkatinginan silang lahat na wari'y nag-uusap gamit ang mga mata nila. Ano ba'ng nangyari?

"Uhm a-ahh, i-inom ka muna ng t-tubig tapos k-kumain," nauutal na sagot ni Jane.

"Y-yeah right, kain ka muna," sang-ayon naman sa kaniya ni Joli habang natataranta. What's the tea?

"Ano'ng gusto mong kainin? Bilis libre kita," excited na sabi sa akin ni Elle. Ano'ng nangyayari? Bakit sila nagkakaganiyan? Aba't himala kung ililibre ako ni Elle. Alam namin kung gaano ka-kuripot at katipid 'yan pagdating sa pera.

"What do you feel right now, girl? Wala bang masakit or what sa iyo?" Tanong naman sakin ni Grace habang inalalayan akong sumandal sa headboard ng higaan. What's with them?

"Sa ulo lang at bandang puson medyo may kirot pero wala lang 'to," sagot ko sa kaniya. Tumango na lamang ito at inabutan ako ng tubig.

"Inom ka muna, 13 hours ka ring natulog," sambit niya para magulat ako ng husto.

"LUHH TOTOO? Ano ba'ng nangyari kasi? Bakit ako nandito?" Tanong ko ulit sa kaniya habang inaabot ang tubig at saka uminom. Hmmm parang nagkabuhay ang lalamunan ko ng nararamdaman ko ang pagdaloy ng tubig. Sobrang nauhaw talaga ako kung kaya't naubos ko ang laman ng isang basong tubig.

"You need supas para manumbalik ang lakas mo," lapit sa akin ni Annah habang may dalang isang bowl.

Lima sila, kahit niisa man sa kanila walang sumagot sa tanong ko? 'Di ko talaga nahahalata, 'di ko talaga nahahalata na may something na nangyayari. Ano'ng something naman 'yon? 'Yan ang gusto kong malaman.

"Grace pakibalat naman ang manggang hilaw,"

"Ginagawa ko na nga,"

"Ang bagoong joli, prepare mo na,"

"What? Why na-naman eerr sabi ko ngaaaa!"

"Annah ang ice cream nasaan na?"

"Ready na,"

"Ayan, good,"

Para lang akong tutang nakikinig at nanonood sa mga ginagawa nila. 'Di ko alam kung matutuwa ba ako? O maiinis sa mga pinapalabas nila. Matutuwa dahil makikita mo talagang inaalagaan nila ako at maiinis dahil 'di ko alam kung ano ang nangyayari. Wala akong hint kung bakit.

The Virgin Mother At Eighteen ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon