Chapter 19

5 0 0
                                    

[Chapter: 19]

"You know you should take care of Cheska muna Erick..." Ngumiti naman sila Lia at Mae maging si Anne habang ayos ayos ang kanilang mga bag para pumasok na ngayon.

"Yes, I'll take care of her" marahan namang ngumiti si Erick habang hawak hawak naman ang bag niya na naglalaman ng mga damit.

"Promise us?"

"I promise" ngiti pa nito't bago magpaalam sa kanila. Lumabas naman na sila Lia ng pinto at kumaway bago pa umalis.

....

Namalayan ko na lang na gising na pala ako. Sadiyang masakit pa rin ang aking ulo't mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko pa maimulat ng tuluyan ang mata ko dahil nanghihina pa ito. Naririnig ko pa lang ang mga usap nila Lia at Anne kasama na rin si Erick ngayon.

"Promise us?"

"I promise"

Unti unti kong minulat ang aking mga mata pero nasilaw ako sa sobrang liwanag ng silid. Hindi ko rin matandaan kung ano nga ba ang nangyari sa'kin ng mawalan ako ng malay. Tinignan ko rin si Erick na ngayo'y nakangiti na sa'kin.

"Gising kana pala" ngiti niya habang inilapag sa isang couch ang bag na hawak niya. Ngumiti naman din ako ng marahan at muling tumitig sa kisame. Naramdaman ko namang kumuha siya ng upuan at umupo sa harap mismo ng kama na hinihigaan ko.

"Feeling better? May masakit pa ba sa'yo? Hmm?" Tumawa naman ako. Ang OA talaga nito eversince haha! Umiling iling naman ako dahilan para marinig ko ang hagikgik niya. Hindi naman na masiyadong mabigat ang pakiramdam ko ngayon pero I'm not totally fine.

"We've never been better since the day the school get worse, right?" Tawa ko pa dahilan para mapa-palm face naman siya. Oo nga naman, never naman kami naging better simula nangyari lahat ng 'to.

"I guess you're right" narinig ko naman ang paghikab niya at pagunat unat ng katawan kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ikaw ba?? Natu--"

"No... I haven't sleep yet" umiwas naman ito ng tingin.

"Why?"

"Isn't it obvious Cheska? I have to take care of you" muli niyang titig sa'kin at agad na iniwas muli ito.

"Well you shoul--"

"No... You're two days asleep, dalawang araw ka ng walang malay and lahat ng kaibigan mo nag-aalala sa'yo so I have to take care of you pa" narinig ko naman ang tono ng pagka-dissapoint sa kaniya. Dalawang araw? Dalawang araw akong walang malay?

"What happened?" Napatingin muli ako sa kisame dahil wala pang masiyadong alaalang pumapasok sa isip ko. Madalas akong makalimot ng mga bagay bagay simula ng magdalaga na'ko. Naikwento din ni mama na madalas kong makalimutan ang pangalan nila nung bata pa'ko. Hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko rin matandaan lahat ng 'yun.

"Nakita kana lang namin... Nasa classroom ka't wala ng malay madungis din 'yang pagmumukha mo, what happened Cheska?" Napakunot naman ako ng noo matapos niyang sabihin 'yon. Tama, si Rafael. Siya! Tinulungan niya ako.

"Si Rafael... Oo tama si Rafael, you remember Rafael? Arellano? He hel--"

"Cheska... Rafael is already dead... He's dead before Christmas came" nagulantang naman ako ng marinig ko sa bunganga niya 'yon. Ano? Patay? Rafael? Hindi! Imposibleng patay si Rafael. Kitang kita ko! Siya 'yon!? Panong hindi magiging siya 'yon!? Kamukhang kamukha hugis ng katawan, hugis ng mukha, the way he speaks, the way he acts...

"I swear! Erick! Rafael is trying to help us! Rafael actually give me a bag? You remember the bag na pinagiipunan natin ng---"

"You mean the bag that contains all of our self defense materials!? Cheska... Nasa dorm lang 'yun chineck namin 'yun bago ka namin puntahan sa stage that day" nangunot naman ulit ang noo ko. Hindi e! Hindi talaga! Somethings off about this situation! Imposibleng patay na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon