1

21 0 0
                                    


Chanel POV

Nagising ako sa isang panaginip ng nakaraan, isang nakaraan na gusto ko ng kalimutan.

Bigla na lang may narinig akong hagikgik sa labas kaya pinuntahan ko ito.

Si enzo nga umuupo sa sala habang na nonood ng paborito niyang palabas na Tom and Jerry.

Pinag masdan ko naman ito, lahat nalang ata ng posture ng kaniyang mukha ay nakuha niya sa kaniyang ama.

Siguro nakuha din ni enzo yung pag uugali niya sa kaniyang ama na palaging seryoso pag kaharap yung mga taong hindi niya kilala at may pagka stubborn din ito, hindi ko din naman ma huhusgahan yung ama niya dahil hindi ko din naman ito kilala at isa lang yung one night stand ang nangyari sa amin dalawa.

Bigla na lang lumingon si enzo sa kinatatayuan ko at tumakbo ito papunta sa akin.

"Hello my mommy pretty, Good morning" bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Good morning din my baby" bati ko din sa kaniya at hinalikan ko ito sa buong mukha kaya humagikgik ito ng tawa.

"Kumain kana baby?" Tanong ko sa kaniya

"Yes po mommy! I already ate"

Staka bumalik ulit siya sa kaniyang pinapanood.

Sabado kasi ngayon kaya wala siyang pasok limang taon na si enzo at mag aanim na sa susunod na buwan.

Ang bilis ng panahon noon na sa tiyan ko palang siya ngayon ang laki laki na niya.

Hindi ko naman aakalain na mabubunga pala yung nangyari sa amin, isang araw natagpuan ko nalang yung sarili kong nagsusuka sa banyo.

Kaya biglang nag taka yung kapatid ko na lalaki kung bakit daw ako nag susuka, dapat daw mag pa check up ako baka kasi daw may sakit ako.

Kaya nag pa check up ako dun ko lang nalaman na dalawang linggo na pala akong buntis.

Kaya nagpaka layo-layo kami ng kapatid ko, para maiwas sa mga mahuhusgang mata.

Kahit na hirap na hirap kami kasi yung kapatid ko lang yung nagtatatrabaho na dapat sana sa akin pero siya yung sumalo kasi hindi ko naman kaya dahil buntis ako.

Pero may mga tao din na nag bibigay sa amin ng mga grocery kada linggo na hindi ko naman alam kung asan galing.

Pero isinawalang bahala ko na lang kaysa magutom kami ng kapatid ko at ma apektuhan pa yung anak ko.

Bigla na lang akong nagising sa aking sarili, dahil sa pag tawag ng aking kapatid.

"Oh! Ate kanina pa kita tinatawag pero parang wala kanaman sa iyong sarili"

"Ay sorry Gab may iniisip lang ako"

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo para hindi mo ako marinig, ano ba yung iniisip mo?" biglang tanong niya sa akin.

"Ah! Wala to iniisip ko lang tungkol sa trabaho at staka yung birthday ni enzo sa susunod na buwan" yan nalang yung sinabi ko sa kaniya.

"hmmp! Toto ba yan te? Parang hindi naman, HAHAHA" tanong niya sa akin sabay tawa.

"Oo nga ang kulit mo naman eh! Ano bang ginagawa dito?"

"Syempre binibisita ko kayo masama ba yun, HAHAHA, at staka may sasabihin din ako tungkol sa ating business" biglang sabi niya kaya nakinig na lang ako dito.

"Oh! Ano naman yung tungkol sa business natin?" tanong ko sa kaniya.

"Ate good news may nag alok na sa atin para maging partner nito sa negosyo at higit sa lahat isa silang malaking kompanya kaya meron na tayong pag asa na makilala ang ating mga produkto" sabi sa akin ni gabriel habang pumapalakpak sa tuwa.

"At sino naman ito na parang malaking tao na gusto tayong maging asyoso sa negosyo? kahit na hindi naman sikat yung negosyo natin sa masa" tanong ko sa kaniya habang nagtataka

"Ate hindi ka maniniwala sa sasabihin ko ang magiging asyoso natin sa negosyo ay yung HGC, Huntsman Group of Company" nagulat ako dito kahit nag tatalon sa tuwa yung kapatid ko.

"Huntsman Group of Company"

"Oo ate Huntsman Group of Company, yung si Victor Hunstman yung may ari, yung youngest billionaire dito sa bansa natin"

"Baka nag bibiro ka lang jan Gabriel ha" sabi ko sa kaniya habang pabilis yung tibok ng puso ko.

"Hindi ako nag bibiro ate, kasi si Victor Hunstman mismo ang lumapit sa akin at nag alok nito, ang saya saya ko ate matutupad na yung pangarap natin"

Hindi ako makasagot dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Not him please, anong gagawin ko, hindi ko kayang humindi sa kapatid ko na nakikita kong gaano ito ka saya.

Am I ready to face him again?

Paano si enzo?

Papakilala ko ba o hindi?

Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

Bahala na lang si Batman.

I will face him.

I WILL FACE YOU VICTOR HUNSTMAN.

My Boss Obsession (Ongoing) Where stories live. Discover now