1

9 3 0
                                    


I'm Yzabelle Perez, Yza for short
I have LDR Boyfriend for almost 2 years at ito ay si Mark Villanueva.
I met him on internet at my friends Group Chat sinali lang ako ng friend ko sa GC nila at first ayoko talaga sa kanya kahit tinutukso ako ng friend ko sa kanya at ng mga friends niya because he's not my type i mean medyo badboy kasi siya, gusto ko kasi yung goodboy at hindi siya yun but i don't know what happened to me i feel like I want to know him more that's why we became friends.

Hanggang sa isang Araw nagparamdam siya na parang gusto niya na ako at umamin na Mahal niya na ako. Kahit hindi siya umamin sakin alam ko naman na yun yung nararamdaman niya dahil bigla siya naging sobrang sweet sakin. Oo nung una aaminin ko parang ayoko dahil malayo kami sa isa't isa pero kasi Mahal ko na din siya kaya kahit nag-aalangan ay umamin na din ako sa kanya and now we're lover.

At kahit sa internet lang kami nagkakilala at nagkakausap Minahal ko siya ng totoo at walang halong biro.

And Finally after 2years magkikita na kami Today.

Sobrang excited na kinakabahan ako.

Ganito pala yung feeling no kapag magkikita na kayo ng taong Minamahal mo.

First meet up.

Pero bakit may kasama siyang iba?

Bigla akong kinabahan pero ok lang ang mahalaga makikita ko na ang taong Mahal ko.

Baka friend niya lang o kamag-anak pero bakit kailangan Holding hands?

"Hi Ma......." Gusto ko sanang sabihin Hi Mahal pero hindi ko naituloy dahil sa sinabi niya na nakapagpahinto sakin

"Yza, Girlfriend ko pala si Ria" Nakangiti niyang sabi sakin

Hindi ako nakasagot agad at paulit ulit na nagreplay sa isip ko ang sinabi niya.

"Yza, Girlfriend ko pala si Ria"

"Yza, Girlfriend ko pala si Ria"

"Yza, Girlfriend ko pala si Ria"

I smiled back kahit deep inside gusto ko ng sumabog.

Nakangiti ang aking mga labi habang ang aking mga mata ay pinipigil na Tumulo ang aking mga luha.

"Siya ba yung sinasabi mo na ipapakilala mo sakin Mark?" I asked kahit nanginginig na yung boses ko

Tumango lang ito

"C-Congrats Sana Maging Masaya kayo" Nakangiti ko pang sabi habang pigil na pigil sa pag-iyak

Aalis na sana ako

Pagtalikod ko ay hinawakan ni Mark ang balikat ko.

"Yza, Pwede ba tayong mag-usap kahit sa huling pagkakataon?"

Pinunasan ko ang mga Luha ko at humarap sa kanya.

"Sure" Nakangiti kong sagot

Nagpaalam siya kay Ria at agad na dinala niya ako sa lugar kung saan pwede kaming makapag-usap ng maayos.

"Yza, I'm sorry...."

"Sorry? Love Sobrang sakit tapos Sorry lang? Minahal kita diba? Minahal kita ng sobra! Alam mo yan at alam kong naramdaman mo din yun! Ginawa ko naman Lahat diba? Ginawa ko lahat para sayo kahit mahirap dahil LDR tayo pero hindi mo manlang na appreciate yun?"

"Oo nung una ramdam ko Mahal mo ako at Mahal din kita pero nawalan ka ng oras sakin"

Hindi ko na talaga napigilan pa kaya napaiyak na ako ng Todo sa harap niya.

Sobrang Sakit.....

"Love, Alam mo kahit busy ako may oras pa din ako sayo. Oh tungkol na naman to sa outing namin? 2 days lang yun! 2 days lang! Hindi mo ba maintindihan yun? Akala ko ba ok lang sayo na sumama ako mag outing kasama ang mga friends ko? Tinanong kita diba? At pumayag ka"

"Oo pumayag ako pinayagan kita dahil alam kong gusto mo sumama pero sana nagrereply ka sa mga chat ko sayo dahil gusto ko malaman kung ok ka lang ba dun"

"Love outing yun at naiintindihan kita at nagrereply ako diba? Hindi nga lang agad agad dahil may mga ginagawa kami. Yun lang ba ang dahilan mo? Kaya mo ako ginanito?"

"Hindi yun Yza, Nakukulangan na kasi ako sayo. nagbago ka na pagkatapos ng outing niyo nawalan ka na ng oras sakin."

"Alam mo ang dahilan kung bakit ako walang oras sayo. Alam ko naman na may pagkukulang ako aminado naman ako. Kaya ba naghanap ka ng iba? Kaya ba yung pagkukulang ko ay hinanap mo sa iba? Ganun nalang yun Mark? Ganun kadali? I-Iwan mo nalang ako dahil lang dun? Dahil may pagkukulang ako sayo? Bakit ilang araw, buwan o taon mo na ba kilala yan? Yung bago mo? At nagawa mo akong ipagpalit sa kanya"

"2 months"

"2 months? Eh tayo Mark? 2years na tayo diba? Balewala lang pala sayo yun? Lahat ng meron satin? Kasi nagawa mo akong ipagpalit. Pinagpalit mo ako sa 2 months mo pa lang nakilala"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagmamakaawa ako.

"Mark, Love look at me. Please tumingin ka sakin. Diba nangako ka sakin na hindi mo ako iiwan? Diba sinabi mo din na kahit anong mangyari hindi tayo maghihiwalay? Diba sinabi mo din na kahit gaano kahirap at katagal maghihintay ka? Diba ako yung pinangakuan mo ng lahat lahat? Hindi siya Diba? Ako yun! Ako yung pinangakuan mo pero bakit siya na yung taong kasama mo ngayon? Ako dapat yun" sabi ko habang humahagulgol sa iyak

"Yza Tama na! Napagod na ako sayo"

"Ako lang pala yung pinangakuan mo pero sa iba mo pala balak tuparin" Nakangiting sabi ko habang lumuluha

... Naiintindihan ko Sorry Love kumg pinagod kita. Sorry kung nagkulang ako sa maraming bagay. Sorry... Sana....... Sana maging masaya ka sa kanya... Sana mapunan niya lahat ng pagkukulang ko sayo.

... Naiintindihan ko kung bakit ipinagpalit mo ako. Siya Malapit sayo ako sobrang layo ko sayo. Anong laban ko dun diba? Ako sa internet mo lang nakakausap siya harap harapan maibibigay at magagawa niya lahat ng gusto mo. Pero ako? Wala.... Walang magawa kasi hanggang type lang ang kaya ko.

"B-Balik na tayo baka hinihintay ka na ni Ria"yaya ko sa kanya habang nagpupunas ng luha ko

At sa huling pagkakataon

Niyakap niya ako ng mahigpit at marahan na bumulong sa aking tenga.

"Yza, Totoong Minahal kita. Pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo"

Sinusubukan kong pigilan ang pag-iyak ko. Niyakap ko nalang din siya ng mahigpit.

Hindi ko siya sisisihin.
Ako yung may problema.
Lahat ng nangyari samin sinisisi ko sa sarili ko.

Sana hindi ito yung una't huli kong pagyakap at paghawak sa kanya....

Sana hindi ito yung una't huli naming pagkikita...

Pero ang lahat ng yun ay Sana nalang......

Siguro nga wala ng saysay ang lahat....
Nasayang lang lahat.....

Ginawa ko lahat para magtagal kami kahit ang hirap ng kalagayan namin hindi ako sumuko...
Siguro nga kaiwan iwan ako...
Madaming kulang sakin...
Madaming bagay ang hindi ko magawa para sa kanya...

Tahimik nalang akong umiyak habang pinagmamasdan silang dalawa na magkahawak kamay habang naglalakad paalis.

Ako sana yung kahawak niya ng kamay habang naglalakad...

Ako sana yun......

Pero tapos na ang lahat......

LDRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon