Date: March 11, 2015
Penname: Ara Louise De Leon
1. Introduce/describe yourself…
- I'm a black blood goddess. I live to write..
2. When did you start writing?
- Nasa elementary ako noong mag-umpisa akong magsulat ng scripts, short stories and articles for the school newspaper. 3rd year high school ako nakatapos ng isang buong novel.
3. Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?
- Nabuo ang penname ko dahil sa isang mistaken identity at pantasya kong maging asawa ko ang irog ko. Ang problema ko wala akong maisip na magandang technique paano siya pipikutin! LOL!
4. Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?
- Nagtatalon ako, nagsisigaw na animo may sunog sa bahay. Feeling ko tumalsik sa Mars ang kaluluwa ko pagkatapos ayaw bumalik. Parang bet kong magpa-fiesta agad-agad.
5. Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Grade 6 pa lang ako nagbabasa na ako ng pocketbook hanggang sa isang araw nasabi ko na lang sa sarili ko gusto ko ring magsulat. I wantvto write stories and share it to people. I want to touch people's heart. At ang naging inspirasyon ko ang iyong mga taong naniniwala sa kakayahan ko--my dear friends and readers.
6. Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.
- Wala akong ritwal, basta tinamaan ng saltik at signal, gorarat! Basta kailangan habang nagsusulat may nakukutib ako o nahihigop.
7. Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)
- Result lang naman ng evaluation ang nega sa buhay ko! Charr! Pinagluluksaan ko talaga ang mga iyon, pinagninilayan, dinadasalan. Kapag feeling ko okay na ako saka ko binabalikan. Aba, kailangan ilaban ang buhay ng mga anak ko.
8. Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?
- Makapag-asawa at maging isang ina. Mapakinabangan ang matris ko at makapag-ambag ng binhi sa maruming lipunan. Malay n'yo anak ko pala ang pag-asa ng bayan!
9. Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?
- Fifty Shades Trilogy? Hahaha! Ang dami kong paborito, ang hirap mamili. Uhm... Tuesdays With Morrie siguro, sobrang affected ako sa kuwentong iyon.
10. Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?
- Sonia Francesca, Sofia, Rose Tan, Camilla, Vanessa, Arielle, Luna King, Heart Yngrid, Martha Cecilla. Ang mga kuwento nila nag-inspire sa akin at naging motivation ko.
11. Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)
- Hindi ko alam kung may napaghuhugutan ako ng inspirasyon para sa plots ko. Kadalasan bigla na lang umeepal sa isip ko, napapanaginipan ko lang, o nabubuo dahil sa mga napupulot ko sa mga taong nakakausap ko.
12. Titles of your published and to be published book…
- PUBLISHED: Daevid and the Princess
- TO BE PUBLISHED: Don't )
-
- To be published: Don't Let Me Fall
- The Way I Love You
- Love Defined Trilogy Book 1: Clumsy Love
- Love Defined Trilogy Book 2: Scarlet Love
- Angelito and the Angel
13. Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?
- Nagbubuga ba ng sperm cells ang Wattpad? Hindi kailangan na isisi ang mga bagay na iyon sa kung ano pa man. Oo may nababasa doon na nakakapukaw ng curiosity pero ikaw pa rin naman ang magdedesisyon para sa sarili mo. Kung nagawa mong pigilin, then congratulations you're strong. Kung hindi ka nakapigil, ang weak mo naman!
14. If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?
- Historical fiction
15. Payo mo sa mga aspiring writers?
- Turn your talents into passion and your dreams into goals. Ano man ang pagdaanang rejection just keep on writing, iyon ang huhubog sa 'yo. If you learn from your mistakes you can do better. Just be patient, tandaan na may itinakdang panahon ang Lord para sa mga bagay-bagay. Mas masarap i-savour ang success kapag alam mong iyon na ang God's perfect time. Then PUSH MO IYAN NANG HARD! Pray Until Something Happen!
BINABASA MO ANG
Interview With The LIB Writers
RandomKilalanin ang inyong mga paboritong LIB Writers. ^^