CHAPTER 8

1K 25 0
                                    

Happy reading honeys

The students are all busy for the upcoming Intramurals. Some are busy praticing in the field. Some are in thier hideout  practice  singing, like her Friend Tiffany. Abala ito sa pagpa-practice ng kanta dahil napili ito sa kanilang grupo. Ang kaibigan naman niyang mga lalaki ay busy rin sa pagpa-practice ng basket ball. Magkakalaban nga lang ang mga ito. Ganun din naman siya. Busy siya sa pag-aayos ng 'hide out nila kasama ang mga lalaking nag volunter kahapon. Ayos lang naman ang mga kasama niya, mababait ang mga ito sa kaniya.

Habang nakatungtong sa bangko ay dahan-dahan niyang idinikit ang hawak na parang kurtina pero may naka-print na Jaguar at ang kulay 'non ay  parang dugo at may halong itim. Ididikit niya iyon sa white board para matakpan iyon. Untos din iyon ng guro nila. Hindi naman siya nahirapan sa pag-aayos dahil itinuturo naman ni Miss Lopena ang gagawin niya. At may tumutulong naman sa kaniya.

Medyo sumasakit na ang hinlalaki niya dahil masyadong matigas ang kahoy na nakapalibot sa white board kung saan idinidiin niya ang thum-tacks na hawak niya para maidikit na ang tarpulin.
Huminga muna siya ng malalim bago puwersang idiniin ang hawak, pero ang hindi niya inaasahan ay na-out balance siya.
Pumikit siya ng mariin at hinintay na bumagsak siya ,pero ilang minuto na ay hindi naman siya bumagsak sa simento. Sa halip ay parang naka-lutang siya.
Nang maproseso ng utak niya na may sumalo sa kaniya ay malalaki ang matang dumilat siya. Nakatitig lang sa kaniya ang lalaking kapartner niya sa sayaw na si Guevara.

"Thank you, pwede mo na akong—"

Naputol ang sasabihin niya ng kumalabog ang pintuan at pumasok 'don ang isang lalaking laging nagpapatibok ng mabilis sa puso niya. Ang professor nilang si Clinton Niccolas Donovan, nakatingin ito sa kaniya na para bang ang laki ng kasalanan  niya dito.

Lagi naman! Sa tuwing nag-tuturo na ito ay lagi siya nitong pinapagalitan. Kahit kunting bagay lang ay agad siyang pinagsasabihan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit . Minsan kasi ay nahuli silang nag-uusap ni Joshua dahil nanghihiram si Hera ng ballpen, pero ang sinabi ng professor ay nag-iingay lang daw sila. Akala niya papalabasin na naman sila pero hindi naman. Pinagalitan lang sila.

Madilim ang anyo ng mukha nito dahilan para kabahan na naman siya,  hindi niya alam bakit laging ganun?.
Hindi siya makagalaw, nanatili ang posisyon nila ni Guevara.
Tumikhim ang professor at tiningnan ulit siya nito'ng parang may kasalanan siya rito.
Nang maka-alis ang professor ay dahan-dahan siyang ibinaba ni Guevara.

"Magsimula na tayo sa practice," Imporma sa kaniya ni France Guevara. Tumango naman siya.

"Sa totoo lang ,hindi ko alam ang gagawin" Pag-amin niya habang naglalakad sila kung saan 'don sila magpa-practice.

"Ayos lang, kaya nga magpa-practice tayo," Naka-ngiting ani ng binata sa kaniya. Agad naman siyang nakahinga sa narinig.  Mabait si Guevara at komportable siya rito—lahat naman ata komportable siya , sa isang tao lang ata hindi.  Sa professor nila.

Nang magsimulang magturo si France sa kaniya sa mga unang step ay isinaulo niya ito ng mabuti para hindi siya mawala.

"Ang bilis mo naman palang matuto," Masayang untag ni France.

"Talaga?" Mababakas ang tuwa sa dalaga dahil tama siya, ang pagsasayaw ang kaya niyang gawin.

"Magpahinga muna tayo, tapos practice din tayo mamaya," Si France.

Tumango siya at sabay silang lumabas.
Kasama parin niya si France habang papunta siya sa mga kaibigan. Gutom na kasi siya at gusto niyang kumain sa cafeteria.

"Hi Tiffany!" Masayang bati niya sa kaibigan nang maabutan niya ito sa labas ng pintuan ng hideout nila.

"Tara, Cafeteria tayo," Yaya kaagad nito. Marahil ay gutom na rin.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon