CHAPTER 9

970 33 0
                                    

Happy reading Honeys

The Intramurals day came. The students are all ready.
Wearing the color black sport bra ang sprot leggings and rubber shoes, Hera went out from the comfort room. Ito ang unang araw ng Intramurals  nila.  Ang uunahin ay ang mga sports. Tutal ay sports lang naman talaga dapat ang Intrams pero dinagdagan lang ng school ng iba pang kasiyahan.

Ang sabi ng leader nila ay sport bra daw ang isuot niya at ang escort naman ay muscled shirt. Medyo hindi komportable ang dalaga dahil pakiramdam niya ay naka-hubad siya.

Habang inaayos ang sport bra'ng suot ay naalala na naman niya ang nangyari kahapon.
Nanakit parin ang balikat niya at mas lalo naman ang sa may bandang hita niya.
Ngunit ang lahat ng masakit sa kaniyang katawan ay pansamantala niyang hindi naramdaman dahil naalala na naman niya ang halik na pinagsaluhan nila ng professor. Nag-iinit ang pisnge niya kasabay ng panghihina. Hindi niya itatangging nagustuhan din niya iyon. Normal ba na magustuhan niya ang halik na iyon? Iyon ang unang beses na may humalik sa kaniyang labi. Kung alam niya lang masarap pala iyon ay matagal na siyang nagpahalik—teka! Kanino naman siya magpapahalik? .
Ipinilig niya ang ulo, hindi tama iyon. Hindi magandang gawain iyon.

Pero bakit hinayaan niyang halikan siya ng professor? Her inner mind question.
Dahil ba palagi siya nitong tinutulungan?
Sapat na ba iyon para tumugon ng halik sa isang tao?
Kinurot niya ang pisnge'ng nag-iinit na naman bago tiningnan ang mga ka-team niya.

The team  Jaguar are all wearing their red t-shirt. Sa mga babae ay black maong short at rubber shoes. Ang mga lalaki ay ganun din, naka jeans nga lang ang mga ito.

"Team Red Jaguar ,Are you ready!" Masiglang sigaw ng leader nila

"Yes, captian" Sabay-sabay na sagot nila.

"Maunang lumabas ang muse at escort pagkatapos ay susundan niyong lahat ang dalawa. Dapat ay maayos ang pagkakalinya niyo papuntang field." Paliwanag ng leader nila.

Tumango naman si Hera ganun din si France.
Hawak nila sa magkabilaan ang tarpulin kung saan nandun ang pangalan ng team nila at ang logo ng jaguar.

Ang buong campus ay masaya at maingay. May mga grupong may gamit na bass drum habang naglalakad ang kanilang ka-grupo. Iba-iba ang pakulo papuntang field.

Nang nasa field na silang lahat ay nagsimula na ring mag instruct ang Head of school ng mga gagawin.

Napalingon si Hera sa ibang grupo. Ang mga muse at escort ang agad ang napansin niya dahil nasa harap ito, tulad niya may mga hawak ding tarpulin.

Exactly 7:am ay sinimulan na ang mga laro . Gaya ng sinabi ng Head ng school, mga sports game lang muna sa ngayong araw.

Volleyball ang inunang game. Kung saan pinag sunud-sunod ang bawat dalawang team. Pag natalo ang isang team ay wala ng chance para maglaro pa. Wala ng win-to-win at lose-to-lose ang magaganap dahil masyado daw'ng matatagalan. Pagkatapos ng dalawang team ay nagpahinga ang nanalo at ganun din ang natalo . Dalawang team naman ang naglaban. Ang team ni Hera ang Team Jaguar at Team Lion.

"Mas mabangis ang Jaguar ,mas mabangis kami!" Sigaw ng mga ka-grupo niya.
At syempre ganun din ang Team Lion ,may mga isinisigaw din sila para sa team nila.

"TEAM RED JAGUAR!TEAM RED JAGUAR!"

"TEAM ROARING LION!TEAM ROARING LION!"

The whole campus were filled of every students chants. Kasama si Hera na tuwang-tuwang isinisigaw ang pangalan ng team.

Meron silang break time pero mabilis silang bumabalik sa field para ipagpatuloy ang laro. Nasasabik silang malaman kung sino nga ba ang mananalong grupo.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon