CHAPTER 12

1K 29 0
                                    

Enjoy reading Honeys

Lunes na kaya naman back to normal class na sila.
It's thier second semester. Kunti na lang at matatapos narin sila. Excited si Hera habang papasok sa campus nila. Hindi niya rin alam kung bakit parang masayang-masaya siya.
Pero ang masayang mukha niya ay unti-unting nabura nang makasalubong niya ang grupo nila Sofia.
At dahil naging busy sila sa Intramurals ay hindi niya ito napansin noong nakaraang linggo.
Hera expected a sorry from Sofia, but she recieve a skirk ,instead. Hera was hurt. She thought they can be friends.

"Bakit mo ako iniwan?" Malumanay parin ang tono niya kahit nasasaktan na siya. Nasasaktan siya dahil nagtiwala at umasa siya dito na magiging ayos na sila .

"Bakit ang tanga mo?" Sa halip ay tanong din nito. Naka-taas pa ang isang kilay nito sa kaniya. Ang mga braso ay naka-krus sa harap.

"Ang sabi mo hintayin kita, and i did.  But you are the one who left me.  I want you to say sorry to me,  and explain why you did that" Seryoso si Hera habang nakikipag-usap kay Sofia.
Ayaw niya na ng gulo. Kung ayaw sa kaniya nito ay sana hindi na lang ito nagsinungaling sa kaniya. Iiwasan na lang niya si Sofia.

Humalakhak ito bago nanunuyang tumingin sa kaniya. "Why would i say sorry? You don't deserve it, anyway"
Hindi inaasahan ni Hera ang isinagot sa kaniya ni Sofia.

She deserve a sorry from Sofia. Ang dami kaya niyang natamong sugat sa hita. Buti na lang tinulungan siya ni Sir Clinton.
Huminga siya ng malalalim bago inihakbang ang mga paa, para umalis. Wala siyang mapapala sa babaeng iyon.

"Ano ang ginawa mo Sofia?" Napalingon siya sa pinanggalingan nang marinig ang boses ni Tiffany.

Malamig lang ang mga mata nitong nakatingin kay Sofia.

Hindi alam ni Hera kung namamalikmata lang ba siya pero kitang-kita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Sofia. Mabilis lang iyong nawala at agad na ngumisi kay Tiffany.

"Aw, I'm hurt my dear ex-bestfriend. You used to be my protector before but, look at now, you are protecting someone against me" Naka-ngisi parin si Sofia. 

Nanlaki naman ang mga mata ni Hera.
Dating magkaibigan ang dalawa?

Umiwas ng tingin si Tiffany bago sumagot. "I got sick with your attitude"
Napakalamig ng ekspresiyon ni Tiffany na pati si Hera ay nakaramdam ng takot.

"Okay," May panunuya parin sa boses ni Sofia bago umalis.

Tulala parin siya, gulat sa nalama'ng dating magkaibigan si Tiffany at Sofia.
What happened to their friendship?

Mabilis na lumapit sa kaniya si Tiffany habang may ngiti sa labi. Ibang-iba sa Tiffany'ng nakita niya kanina. She wanted to ask Tiffany but it's not appropriate to butt in. Kung gustong magkwento ni Tiffany ay makikinig na lang siya. Pero hindi niya ito pipiliting magkwento sa kaniya.

"Anong ginawa sa'yo ni Sofia?" Malumanay na tanong ni Tiffany.
Ngumiti lang si Hera sabay iling, ayaw niya ng pag-usapan  iyon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito ulit.
Dapat nga siya ang nagtatanong ng bagay na iyon sa kaibigan. Ayos lang ba talaga ito?

"Oo naman, ikaw?" Hindi iyon simpleng kumusta lang, mas malalim na sagot ang inaasahan niya sa kaibigan. Pero ngumiti lang ito sa kaniya.

"I have a strict guardian, Hera." Iyon lamang ang sinabi ni Tiffany bago siya hinatak na papasok sa classroom.

There was something really wrong with her bestfriend. Pero mukhang problema iyon sa pamilya, wala naman siyang karapatang magtanong.
Hindi makakabuti sa kaniya ang pagiging matanong sa lahat ng bagay.

Desiring my Professor (Dark Series Book 1)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon