Chapter One

13 1 11
                                    

Chapter 1:

#HATE AT FIRST SIGHT#



MAINGAY at magulo ang campus simula pa lamang ng umaga. Unang araw ng pasukan ng school year. Kakaiba raw ang school year na ito sapagkat maibabalik na naman ang kagwapuhang nag-uumapaw ng mga Primo sa campus.


Sikat ang apilyedong Primo at lahi nito sa campus ng paaralang Primo International Senior High School (PISHS) dahil ang kanunununuan pa nitong si Don John Helix Primo ang nagpatayo at nagmamay-ari.

Itinayo niya ang paaralan noon bilang isang public school at ambag sa gobyerno bilang siya nama'y isang milyonaryong negosyante subalit noong ipamana ito't pinanghawakan ng unang apo na si John Hendricks Primo ay naging isang sosyal at Private na itong paaralan.


Malawak ang campus, maituturing itong isang unibersidad. Ang buildings rin ay umabot ng 7th floor at may roof top ang ilan, maging ang mga libraries at offices nito'y magaganda at talaga namang pang mayaman. Isa ang paaralan sa pinakasikat at  pinapangarap ng mga estudyante—pero hindi ni Zed.



Unang pinagkaguluhan noon sa campus ang anak ng unang apo ni John Helix Primo na si John Helium Primo– anak ni John Hendricks. Subalit noong grumaduate na ito'y sa ibang bansa nagkaroon ng sariling buhay negosyante sa hawak nitong kompanya pa ng kanilang pamilya.

Nagkaanak ang kapatid nito na siya namang nanging lolo ng pinakabagong henerasyon ng mga Primong nagiging heartthrob sa campus.



"Indigo! *Tok! Tok! Tok!* Indigo my goodness!"



Tila nauubusan na ng pasensya ang ama dahil halos isang oras nang kinakatok at ginigising ng paulit-ulit at walang tigil ang kanyang anak. Sa tabi naman nito ay ang katulong na palaging praning na si Prans.




"Prans, anong oras 'to umuwi?"



Tanong ng ama habang patuloy parin sa pagkatok sa pinto ng kwarto ng binata.



"Alas dos na ho ng umaga eyon ser eh. Ewan ko nga ho jan sa anak niyu eh. Mukha pa pung marameng naenum e."




Napapikit ng mariin ang ama at mababakas ang galit sa tunog ng pagtatama ng mga ngipin niya at lalong paghulma ng panga sa panggigigil.



*Tok! Tok! To—*

"What?"




Biglang bumungad ang mukha ng anak niyang binata na gulo-gulo ang buhok at nakapoloshirts parin gaya ng suot kagabi bago pumunta sa birthday party ng kaibigan. Halatang wala pa ito sa tamang tulog na gusto niya at napilitan lamang na bumangon sa ingay ng katok at paggising sa kanya.




*Bugsh! Zcxgzvshsb*



Ganoon na lamang ang pagbagsak nito matapos dumapo nang malakas ang kamao ng ama na sa may mata niya tumama. Samantalang gulat na napatingin rito ang katulong na sa takot ay agad na lumisan at bumaba ng hagdanan. OA ka ate ghorl.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"HI ZED"Where stories live. Discover now