kabanata 48

88 1 0
                                    

Jarreds pov

Ummulan nasa labas at makulumlim na ngunit di parin bumabalik si kuya, kanina pa masama ang timpla ni mom na nakaupo sa kaharap kong upuan

"Nasaan naba kuya mo jarred" anang nito ngunit di ako sumagot, alam nya kung nasan si kuya dahil umalis din ito at sinundan si isabelle ngunit ang pinagtaka ko ay bakit hanggang ngayon ay di parin sya bumabalik

"Tawagan mo sya" si mom na agad kong sinunod sa takot kong baka ako ang mapagbalingan nya ng galit. Galit na galit si mom kay kuya at sakin pero ang pangunahing sinisisi nya ay si Isabelle na bagamat wala na rito ay patuloy nya pading sinusumpa

"Hindi sya sumasagot" binaba ko ang cellphone ko

Habang nakatingin sa labas ay lumilipad ang isip ko kung nasaan nawari si kuya, kanina humabol sya kay isabelle na hinayaan ko dahil pinigilan ako ni mom pero akala ko ay babalik sya agad pero hindi.

Naghalo halo na ang iniisip ko, gusto kong puntahan at hanapin si Isabelle pero nangingibabaw padin ang pag alala ko kay kuya, kahapon pa sya di bumabalik at akala ko ay maayos din ang lahat kung palalamigin lang namin ang ulo ni mom pero hindi sa halip ay mas lalo iyong lumala

"Mom hahanpin ko si kuya" agad akong tumayo makalipas mg ilang sandali. Nakatingin si mim sa cellphone sa kamay nya, nakakunot noo " sige hanapin mo sya at pauwiin dito, kakausapin ko kayo mamaya" tumamgo lang ako bilang tugon

Nagmamadaling tinungo ko ang garahe at agad na sumakay sa sasakyan. Wala kong ideya kung saang lupalop nandon si kuya pero hahanapin ko sya. Gamit ang libreng kamay ay hinugot ko sa bulsa ang cellphone ko at dinial ulit ang numero ni kuya pero tanging voicemail lang ang natanggap ko, muntik ko nangahampas ang steering wheel ng may pumasok sa isip ko, ng dahil don ay nagkaroon ako ng pag asa para matungin si kuya, dali-dali kong tinawagan si zack baka sakaling alam nya kung nasan si kuya

"Zack hello si jarred to, alam moba kung nasaan si kuya?"

"Hindi ko sya nakita, bakit may nangyari ba?" Nahihimigan ang pag alala sa boses ni Zack

"Hindi wala, hinahanap kolang sya, tawagan moko bro pag nakita mo sya" isang "mm" lang ang natanggap ko bago namatay ang tawag, may naisip na akong lugar kung saan pwedeng nandon si kuya pero hindi ako sigurado, nagmamadaling tinungo ko ang barn kung saan namin kinulong si vanessa. Tahimik ang boung lugar na parang matagal nang di dinadayo, nagkalat ang tuyong dahon at mabato ang daan di gaya ng dati,tanging huni ng ibon at ihip ng hangin lang ang maririnig. Napatingin ako sa punto ng barn na gawa sa kahoy, hindi iyon nakakandado kaya malaya ko yung naitulak

Pagkapasok ko ay bumungad ang masangsang na amoy na di ko mawari kung saan nanggaling, kung dahil ba sa nabubulok na pagkain o patay na hayop. Tinakpan ko ang ilong ko at sinuri ang selda kung saan naroon si vanessa, nagkalat ang bubog ng nabasag na vaso sa sahig at may mantsa ng dugo ang pader ngunit di ko nahanap ang aking hinahanap

Wala si vanessa doon maging din ang kanyang gamit, nakabukas ang rehas ng kanyang kulungan, nagakalat ang kanyang pinagkainan sa kung saan ngunit may napansin akong mga bakas ng sapatos sa daan kaya napagpasyahan kong sundin ito, nagtago ako sa isang sulok at sinilip kung saan ko nakita si vanessa, may nakaitim na lalaki sa kanyang harapan at marahang hinaplos ang pisngi ni vanessa na nagingitim na, maputla na si vanessa at parang wala ng buhay, magulo ang buhok nito at wala sa ayos ngunit di parin sya iniiwanan ng lalaki

Dahan dahan akong humakabang palapit sa kanila at pasimplemg nagtago "anong ginawa nila sayo" may pait sa boses ng lalaki, pinagmasdan nya ang hubot hubad na katawan ni vanessa, wala itong saplot kahit isa "hayop sila" narinig nyang angil nito "Magtutoos tayo ng walangyang gumawa nito sayo" ng dahil sa pagyuko nito ay nakita ko ang kalahating mukha nito, natabunan ito ng itim na cap "igaganti kita" sabi nito at binuhat si vanessa, sinundan ko ito ng tingin at nakita ko itong dinala sa police car, sa lalaking iyon nanggaling ang marka ng sapatos na nakita ko kanina

PLEASURING ME  R-18 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon